✓ Do not always think and worry about him.
This week masyado akong naging busy sa pag-published ng pitong libro kaya medyo pagod ako at hindi ko na masyado nakakausap ang mga magulang ko o maski narin si Vince. Alam naman niyang busy ako kaya hindi na nangulet.
"Okay na lahat?" Tanong sakin ni Steph.
"Yep. Last one na ito." Sabi ko.
"Nice. Good work, Cathy." Puri niya kaya ngumiti ako.
"Salamat. Makakapagpahinga na ako sa weekend." Maktol ko.
"Btw, ano nang nangyare sa sinusulat mo? Ang tagal na nun ah, two years na." Paguungkat ni Steph sa sinulat ko.
"Wala na yun. Hindi ko na tinuloy." Sagot ko.
"Ay bakit? Muka kayang maganda." Bwelta niya.
"Hindi ko naman masusunod yun eh. Wala rin."
"Para ba sa sarili mo?"
"Yah!"
"Akala ko joke lang yun?"
"Walang joke dun, na'ka!"
Dahil mukang nakakasira ng mood si Steph ay hindi ko na siya pinansin pagkatapos nun dahil alam kong malapit na akong matapos.
Nag-break time muna kami at nagkwentuhan ng walang katuturan bago ipagpatuloy ang ginagawa ko. Natapos lahat ang kailangan kong gawin ng pasado 6pm kaya nakauwi ako samin ng 6:30pm. Pagkauwi ko, kumain agad ako kasama sina Mi.
"Nga pala Di, bakit hindi ko nakikita si Vince?" Tanong ko habang nakain.
"Ang balita ko ay may sakit si Vince ngayon." Sagot niya kaya napatigil ako.
"Ano? May sakit?" Gulat na tanong ko.
"Oo, yun ang sabi ng ninang mo." Sabat naman ni Mi.
Hindi ko na pinatapos ang pagkain ko dahil tumakbo na ako papaakyat ng kwarto at dali daling nagbihis.
Ang alam ko lang ay nambunan siya nung nakaraang araw dahil nakalimutan niyang magdala ng payong, hindi ko alam na lalala pala yun.
"Mi, punta ako kina Vince." Sigaw ko at lumabas na ng bahay.
Kumatok naman ako sa bahay nila at pinagbuksan ako ni Val.
"Val, si Ninang?" Tanong ko kaagad.
"Nasa kusina, ate. Paso ka, puntahan mo nalang." Sabi niya kaya dali dali na akong pumuntang kusina.
"Oh, Cathy. Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Tita nang makita akong nasa kusina nila.
Nakita ko naman ang hinandang pagkain ni Ninang na lugaw.
YOU ARE READING
Tips: How to Ignore the Feelings of Love?
Historia CortaAlexa Catherine Blanco, an author who published a book titled "Tips: How to Ignore the Feelings of Love." A girl poured out her heartache and shared her experiences of enduring countless pains in the realm of love. The girl, who had encountered hear...