7

16 1 0
                                    

✓ Do not believe when they say I love you or I miss you.





Two weeks. Two weeks na iwasan. Two weeks na pilit na paguusap. Two weeks na iba ang ihip ng hangin. Two weeks na hindi ako sanay na hindi siya nakakausap.


Natatakot kasi ako! Natatakot akong masaktan ulit at maulit yung sakit kahit na aminin kong mukang meron akong nararamdaman ay iniiwasan ko kasi alam kong sa akin lamang ito, kahit hindi niya na suklian o iparamdam na ganon din ay wala lang sakin.


One time, natutulog na ako pero yung cellphone ring ng ring kaya tiningnan ko at nakita ko ang name ni Vince kaya pinatay ko ang tawag pero tawag parin siya ng tawag kaya ang ginawa ko ay pinatay ko ang phone ko.


Dun naman sa opisina ko, hinahanap niya ako pero hindi ako nagpakita kasi natatakot akong magpakita. Nang uuwi ako, nagulat ako ng makita ko siya sa labas at hinihintay ako. Hinabol niya ako pero hindi ko siya hinayaang mahawakan ako hanggang sa nakaalis ako doon.



Habang nagja-jogging naman ako ay bigla siyang sumulpot sa tabi ko kaya hindi ko siya pinansin. Salita siya ng salita pero nanatili akong tahimik dahil ayokong pakinggan ang mga sinasabi niya.



Sinubukan niyang pagpaalam sa mga magulang ko na lalabas lang kami pero ako na mismo ang hindi pumayag. Wala namang nagawa ang mga magulang kasi nagalit talaga ako.





Sa loob ng two weeks na yun, dun ko lang ata nasunod lahat ng mga past tips ko kasi nga iniiwasan ko. Ayokong mangyare ulit na magmahal ako pero sa maling tao na naman.




Ngayon, gabi na naman at mukang tulog na sila pero ako gising na gising pa. Hindi ako makatulog kahit anong pikit ko kaya bumangon ako at binuksan ang pinto sa kwarto ko papuntang veranda. Naupo ako doon sa upuan at tumingin sa langit.



Napapaisip tuloy ako, pano kaya kung pinayagan ko siya? Siguro hulog na hulog na ulit ako? Pano kayo kung pinayagan ko siya tapos niloko niya ako, edi umiiyak na naman ako. Pano kaya kung ipamuka niya saking hindi talaga ako ang mahal niya, edi nasaktan na naman ako.



Bakit ba ganito ang pagibig? Hindi ba pwedeng kung ano ang una ay siya ng huli? Hindi ba pwedeng kapag nagmahal ka, hindi kana masasaktan? Hindi ba pwedeng wag ng maranasan ng iba ang mga iba't ibang klase ng sakit tungkol sa pagibig?



Para happy lahat ng tao! Para hindi na sila masaktan ng todo at para hindi na sila umiyak dahil sa maling to.





Ang sarap ng simoy ng hangin kahit malamig na, nakikisama sakin ang hangin. Nakikisama sa nararamdaman ko.



Napamulat tuloy ako dahil tumunog ang phone ko. Tumatawag na naman siya. Bumuntong hininga pa ako bago ito sagutin. Napaisip kasi ako kagabi, hindi maaayos ito kung parati ko siyang iiwasan kaya ngayon  sinagot kona.



"Hello?"



"Catherine.."



Kalma!




"Ano?"



"Thank god sinagot mo na."



"Bakit ka tumawag?"



"I miss you."



"....."




Hindi ko alam ang sasabihin ko. I miss you! Tatlong salita pero grabe na ang nagulo sa utak ko. Napatingin naman ako sa tapat kong veranda at laking gulat ko na nandon siya, na nakatingin mismo sakin.



"Hindi mo alam kung gaano kita namiss. Ang tagal mo kong hindi kinausap, hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya nagpapasalamat ako na sinagot mo na ang tawag ko. Sorry pala dahil doon sa sinabi ko ay nilayuan mo ko pero kasi, sinubukan ko namang pigilan pero hindi ko talaga kaya. Akala ko nung natutuwa ako sayo ay parang kapatid lang ang turing ko pero hindi pala simula nung lumabas tayo ay nagiba na. Akala ko kaya kong itanggi ang nararamdaman ko pero habang patagal ng patagal kitang nakakasama, mas lalo lang ding lumalalim ng lumalalim at sa nung panahon na yun, lunod na ako. Hindi ko na kaya na makaahon. Hahaha sorry ha kung corny pero kasi, first time kong maranasan ito. Catherine, hindi ko kayang ganito tayo. Mababaliw ako at hindi ko yun kakayanin. Mahirap mang tanggapin pero okay lang sakin na hindi mo rin ako gusto pero please, wag namang ganito. Wag mo namang akong pahirapan, hindi ko na alam gagawin ko. Please, kausapin mo na ako."



Gusto kita pero ayoko. Dahil. Masasaktan. Ulit. Ako.




"I'm sorry, Vince. Nahihirapan din ako pero please natatakot akong baka masaktan ulit ako at natatakot akong magmahal muli. Okay lang sakin na kaibigan tayo kasi dun tayo magiging masaya, Vince. Doon lang."




"Salamat, Catherine. Kahit kaibigan lang, okay lang sakin at wala yung problema."




"Salamat, Vince. Salamat sa pagintindi!"




"Can I say this to you?"



"What is it?"




"I love you, Catherine."




I love you too, Vince.







"Tulog kana. Good night, Catherine. Thank you!"



"Bye, Vince."









Catherine! Wag mong sabihin iyon! Masasaktan ka!




3 to go na tayo! Kaya mo yan!



× Do not believe when they say I love you or I miss you.








Kayanin mo, Catherine. Kayanin mo.

Tips: How to Ignore the Feelings of Love?Where stories live. Discover now