LASTLY

35 0 0
                                    

"Alexa!"



"Bakit ba?"



"Hindi ka ba nagsasawa dyan sa librong binabasa mo? Paulit ulit na! Hindi porket ka-pangalan mo ang sumulat at bida dyan akala mo, ikaw na ang naka-experienced niyan." Sita sakin ni Janet.



Napaisip naman ako sa sinabi niya. Muli kong tiningnan ang librong paulit ulit kong binasa.




Tips how to ignore the feelings of Love








Bukod sa kapangalan ko yuny bida at ang sumulat ay parang may sense din akong ganito ang kalalabasan ng buhay pagibig ko.



"Gusto ko kasi si Vince." Bulong ko.



"Gaga, walang Vince na nageexist sa mundong to. Nandyan lang siya sa libro." Sita na naman niya.



"Ehhhhh kasiii!"



"Pinapaalala ko lang sayo, Miss Alexa Catherine na hindi tunay at hindi nageexist sa mundo ang ganyang perfect na tao."



Tiningnan ko naman si Janet at inirapan siya.



Ngayon na nga lang ako nagpapantasya, guguluhin pa niya.




"GUYSSS!"



Napatingin kami lahat sa kaklase naming sumigaw na nasa pinto.


"YUNG TRANSFER SA SECTION B, MAY ANNOUNCEMENT. NANDON SIYA NGAYON SA FIELD. TARA, PUNTAHAN NATIN!" sigaw niya ulit.


Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Paki ko don?



"Tara, Alexa." Yaya ni Janet.


Umiling ako. "Ayoko. Magbabasa nalang ako."



"Gaga, tara na. Dapat sa ganitong oras ay nageenjoy tayo dahil high school life nga ito. Tara na!" Higit niya sakin.


Labag man sa loob ko ay pumunta kaming field. Nasa taas ng stage yung transfer at may hawak ng mic.


Sobrang daming tao kaya puwesto kami sa pinaka-duluhan. Hinintay namin ang gagawin niya at laking gulat ko ng may mag-flash sa screen sa likod niya.



Picture ng isang babae natalikod. Halatang nasa beach ito dahil kitang kita mo ang daming tao at makikita mo ang dagat sa tabi nito.



"Sa nakakakilala sa babaeng to! Please, sana sabihin niyo sakin kung sino siya or magpakilala kana." Panimula nung lalaki.

Narinig ko naman ang mga bulungan ng mga tao pero hindi ko iyon pinansin dahil nakatingin lang ako sa lalaki.



"Vacation. Lumabas ako ng hotel para magpahangin. Puwesto ako sa isang table sa tabi ng dagat. Nagpapahangin lang ako not until may isang babeng umupo sa kabilang silya. Hindi niya ako nakita pero nakita ko siya. Kaso sa pagtitig ko pala sa kanya ay natamaan ako ng mga nagbi-beach volleyball sa muka. Tinulungan nila akong lahat kasama yung babae. Binigay sakin nung babae ang panyo niya tsaka umalis. Kaso hindi ko nahingi ang name niya kaya pinichuran ko nalang siya. Ito ang panyo." Pagkukwento ng lalaki at nilabas ang panyo.



"May nakaburdang 'Cath' sa panyo. Please kung sino ang nakakakilala sa kanya. Sabihin niyo sakin." Sabi niya.



"Alexa..." Tawag sakin ni Janet pero hindi ko siya pinansin dahil nanatili akong nakatingin dun sa litratong nasa screen.



That was me.




"Alexa, ikaw yung hinahanap niya." Bulong ni Janet.



Bakit niya ako hinahanap? Anong atraso ko sa kanya?




"Akoooo!" Sigaw nung babae sa harap ko kaya napatingin kami sa kanya.



"Yes?" Tugon ng lalaki.




"Kilala ko yan!" Sigaw nung babae.



Nagkatinginan naman kami Janet sa sinabi nung babae.




"Who?"



"Si Alexa yan, ng section A." Sigaw niya kaya lahat ng tao pinagtitinginan na ako.


Yumuko naman ako dahil nahihiya ako.


"Alexa, paano na to?" Bulong ni Janet.


"Nandito na tayo. Okay lang." Buong loob na sabi ko.



Nag-iritan naman ang mga tao kaya napatingin kami sa taas pero wala na yung lalaki dahil naglalakad na papunta sakin. Nakangiti siya nang makarating siya sa gawi ko.


"Finally, I found you." Nakangiting sabi niya.


"Bakit mo ko hinahanap?" Tanong ko.


Hindi niya ako sinagot sa halip ay napadako ang tingin niya sa librong hawak ko at nagulat ako ng ngumiti siya.



"No need to read that book. We can write our own love story." Ani niya kaya nagulat ako.


Ano daw?



Naglahad naman siya ng kamay.



"I'm Vince Nicollo Javier Jr."


A-ano daw? Vince? Teka!



"Ha?"



"I am the son of Alexa Catherine Blanco and Vince Nicollo Javier." Nakangiting sabi niya.



WHAT????



"So, what's your name?" Nakangiting tanong niya.





Ngumiti naman ako. Baka ito na ang tamang love story ko.








"I'm Catherine, Vince."













~END~










Tips: How to Ignore the Feelings of Love?Where stories live. Discover now