JOURNEY 20

16 3 18
                                    

Chapter 20

Confidence

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa pagkatapos sabihin ni Vans na gusto niya ako. Hindi ako nakasagot dahil sa lakas ng tambol ng puso ko.

I don't have confidence like Narizz. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sakanya. But I am sure, that I like him...

Kanina pagkasabi niya no'n, may mabilis na salita ang nag flash muli sa utak ko.

"Because I like you Narizzalyn... I really do."

It was Vans voice, I am sure of that. Siguro parte iyon ng memory ko. Pero bakit hindi buo?

Aish! I am not going to stress myself in that little memory. Basta ang alam ko diyan, Vans also confessed before when we were in the real world and it makes my heart skip.

Narinig kong tumikhim si Vans kaya nabalik ang atensiyon ko sa kanya. Siguro kanina pa siya naghihintay ng sagot ko.

"Vans... I... I," napapikit ako at napayuko. Wala talaga akong masabi.

Narizzalyn nakakahiya ka!

Nagulat ako nang may kamay na humawak sa baba ko at itinaas iyon. Nasalubong ko tuloy ang mga mata ni Vans. Mataman itong nakatingin sa parehong mata ko rin.

"You don't have to answer me right now, Riz. I know hindi pa buo ang memories mo, so I don't want to pressure you, it's okay. Sinabi ko lang 'yon for you to know my feelings to you. Baka kasi one day, magtaka ka nalang sa ikinikilos ko," he chuckled after he said that kaya medyo nawala naman ang kaba ko.

I nodded, "Thank you for understanding me, Vans..."

"No problem, sanay na ako sayo."

Parang may kung anong humagod naman sa likod ko dahil sa sinabi niya. Parang hinipo rin ang puso ko para kumalma. Ewan parang ang relaxing sa feeling ang sinabi niyang iyon. He understand me, and sanay na siya sa akin.

We probably have a closed relationship in real world. Best friend nga yata talaga kami...

"So, anong gagawin natin ngayon?" Alok niya. At nagpasalamat naman ako dahil binago na niya ang topic.

Ngumiti ako. "I want to go to that weird room again, with you..."

"Really? Don't you find that place creepy? Hindi ka natatakot doon?" Paninigurado niya. He even tilted his head.

"Nakakatakot pero nandiyan ka naman eh."

Hindi ko napigilan ang bibig ko. Gusto ko pang hampasin ito pero mas lalong nakakahiya iyon.

He looked at me with his amused eyes pero hindi na nagsalita para tuksuhin ako. Mabuti naman, baka mamula ako sa kahihiyan kapag pinansin niya pa iyon.

Tumayo siya at nilahad sa akin ang kamay niya kaya kinuha ko naman iyon. Hinawi ko pa ng kanang kamay ko ang buhok ko at itinago sa likod ng tainga ko habang naglalakad kami.

Pabebe ka pa Narizzalyn!

Pansin ko madalas ang scene ng story dito sa library. Siguro hilig ng writer na pumunta dito kaya halos sa library na ang setting ng story. Habang palakad kami, nagtanong ako sa kanya para naman mawala ang awkwardness dahil na rin sa katahimikan ng paligid, plus hawak niya pa ang isang kamay ko.

Sana hindi ako pasmado.

"Vans, curious lang ako. Hindi ba sinubukan naman nating gisingin si Vann noon dahil akala ko siya ikaw? Pinakita ko pa sa kanya iyong dog tag na galing sa real world pero wala namang nangyaring aberya sa story?"

Journey Inside (Stand Alone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon