Ang Paglalayag

37 0 0
                                    


Gusto kong maglayag sa tahimik na dagat

Gusto kong ibabad ang mga paa ko sa tubig  habang nakikita ang repliksyon ng aking
muka na merong ngiti

Tapos ihihiga ko naman ang aking katawan para mas matanaw ang magandang kalangitan

Hindi ko pagsasawaang panoorin ang makikinang at matatag na bituwin

Oo. Gusto ko din silang sungkitin tulad mo

Pero mas gusto kong aminin na mas maganda talaga sila kung saan man sila naroroon

At ang pinaka huli sa gusto ko

Gusto kong pumikit ng may panatag na isip at maligayang puso

Yun lang naman ang aking asam

Isang mapayapang paglalayag

Pero..............

"Aba gising na Balyena! May pasok ka pa sa trabaho! Aabutan ka na naman ng trapik at ulan.''

MGA IYAK NG BALYENA SA DAGATWhere stories live. Discover now