Chapter 3
Malayo ang iniisip ko dahil sa nangyari kanina. Hindi ko alam pero dapat nga magalit pa ako dahil hindi siya tumulong sa'kin pero may kakaiba akong nararamdaman. Bakit parang ayos lang sa'kin? Bakit parang masaya pa nga ako?
"Hoy! Tinatanong kita kung sino susuportahan mo na partido mamaya," tanong no Vien sa'kin.
"Bahala na," tipid naman na sagot ko.
Hindi namin kasama si Louie ngayon dahil may usapan sila ni Alessa na sabay silang kakain. At maya maya ay nakita na nga namin sila na papasok sa canteen habang tumatawa tawa pa.
"Tingnan mo 'to si kumag patawa patawa pa akala mo naman ang pogi niya tingnan 'don," nandidiring sabi ni Vien kaya agad ko siyang binatukan.
"Buang ka talaga kahit ngayon lang suportahan mo naman kaibigan natin," tumatawang sabi ko.
"Sige basta ngayon lang ha? Bukas hindi na,"
"Luka,"
May nagsalita na sa stage na isang magandang estudyante na senior high. Siya siguro ang mag emcee ngayon. Dahil kada program ay may mga naka assign na tatayo sa harapan para mag emcee.
"Good afternoon everyone, I just want to remind all of you to please go here inside the gym so that we can start our program. I'll give you five minutes, thank you."
Tumayo na kami ni Vien at sabay na naglakad papunta sa gym. Umuulan na kasi kaya hindi na kami sa labas magsisimula para sumama sa mga partido papasok dito sa loob ng gym. Nang makita na namin ang mga kaklase namin ay agad kaming pumwesto sa likod at doon na naupo. Maingay ang loob dahil simula junior high at senior high ay pinagsama na at kaninang umaga naman ang elementary.
Nilibot ko ang paningin ko sa linya ng mga kaklase kong lalaki at awtomatiko na hinanap ng mga mata ko si Cayden sa hindi ko malaman na dahilan.
Nasa'n kaya yon?
"Oy!" biglang dating ni Louie at may dala dala pa na chichirya at tatlong tubig.
"Wow.. may pakain si lover boy," pang aasar ko at tiningnan niya lang ako sabay turo at kindat.
"Kadiri,"
"Wag kang hihingi ng mga pagkain ko, ah!" sigaw ni Louie.
"Boss naman 'di ka mabiro alam mo naman na idol kita da best ka lodi petmalu!" sabay turo din niya kay Louie at kindat.
"Nakakakilabot ka!" sagot ni Louie habang nakayakap pa sa sarili.
Binuksan ko na yung chichirya na binili niya at kinain habang nagmamasid pa 'rin sa buong lugar. Hindi ko maintindihan pero kusa siyang hinahanap ng mga mata ko. Ano ba'ng nangyayari sa'kin?
"Good afternoon everyone, please all rise," at agad nga kami na nagsipag tayo.
Nagsimula kami na magdasal at sinundan iyon ng pagkanta ng National Anthem.
"You may now take your seats."
Nag opening remark lang ang aming principal. Matapos no'n ay nakita ko na ang bawat partido na handang handa na na magpakilala sa harapan. Sana naman lahat ng iboboto ng estudyante ngayon ay yung mga karapat dapat at hindi lang yung sikat.
"Are you ready?" sigaw ni ateng senior high.
"YES!" sigaw naman ng mga estudyante.

YOU ARE READING
Falling like the stars
RomanceIsa akong simpleng babae na mayroon na dalawang kaibigan. Masaya ako na kasama sila, ewan ko lang sila. Marami nang sumubok na mangutya sa akin pero hindi ako nagpadala dahil bukos sa sarili ko mayroon akong mga tao sa paligid ko na mas kilala kung...