Ang Anyo ng Kagandahan

1K 18 13
                                    

Ang Anyo ng Kagandahan

          Sa ibabaw ng bundok, mayroong isang munting kubo. Ang nakatira rito ay ang dalagitang si Selma. Si Selma ay may hindi kaaya-ayang mukha. Siya ay may malaking ilong at may malalaking ngipin. Kapag siya ay tumatawa ay lumalaki ang butas sa kanyang ilong at nakikita ang kanyang nagsisilakihang ngipin. Sa tuwing siya ay bumababa sa bundok, walang pagkakataon na hindi siya nakatanggap ng panlalait mula sa mga tao sa bayan. Siya ay tinatawag sa kung ano-anong pangalan tulad na lamang ng salot, malas, pangit, halimaw, mangkukulam at iba pang mga masasakit na salita. Ngunit ang kanyang mukha ay kabaliktaran ng kanyang ugali. Si Selma ay isang napakamabait na bata. Maganda ang kanyang ugali, siya ay masipag, matalino, maaalahin at matulongin. Siya rin ay may magandang tinig at mahusay gumuhit. Ang kanyang ugaling ito ay nasaksihan ni Cora. Si Cora ay isang matandang babaeng mayroon sakit. Bumababa ng bundok si Selma upang bisitahin at alagaan ang matanda. Siya ang nagluluto ng pagkain at naghahanda ng mga kailangan ng matanda. Kanya din itong inaawitan kapag ito ay nahihirapang matulog. Parang ina na ang turing niya sa matanda. Hindi siya kailanman nilait ng matanda na siyang nagpapagaan sa kanyang kalooban.

         Isang umaga, si Selma ay bumaba ng bundok at nagpunta sa bayan upang bumili ng kina-kailangan at upang bisitahin narin ang matanda. Sa kanyang paglalakad patungo sa tahanan ni Cora, iba't-ibang uri ng tingin ang kanyang natanggap mula sa mga tao. Mga tinging natatawa, nandidri, nanglalait at nanghuhusga. Kahit pa siya ay may suot ng talukbong hindi parin niya maiwasan ang mga mapanghusgang tao. "Ano ba iyan, narito na naman ang salot." husga ng isang ali. Sinundan naman ito ng mapanglait na tawa ng isa pang ali. "Bakit pa ba iyan bumaba ng bundok? Maghahasik lamang iyan ng kamalasan!". Tanging pagyuko lamang ang nagawa ni Selma. Pilit na pinipigilan ang nagbabadyang luha dahil hindi niya gustong makita siyang luhaan ni Cora. Binilisan ni Selma ang kanyang paglakad ngunit sa hindi inaasahan siya ay nadapa. Umugong ang malalakas na tawanan ng mga tao habang nakatingin sa nadapang si Selma. Hiya at takot ang naramdaman ni Selma. Sa takot na makarinig muli ng mga masasakit na salita, si Selma ay mabilis na bumangon mula sa pagkakadapa at tumakbo.

          Nagtago siya sa isang eskinita na walang katao-tao at doon tuluyan ng bumuhos ang kanina pang nagbabadyang mga luha. "Balang araw, kayo ay lilingon sa akin. Hindi upang ako'y laitin kundi upang ako'y purihin." Ang hagulhol ni Selma ang siyang tanging ingay sa katahimikan ng eskinita, na siyang nasaksihan ng isang puting kalapati.

          Maliwanag na ang buwan nang makauwi si Selma sa kanyang tahanan, sa bundok. Habang nakaupo sa ugat ng puno, tanaw ang nagliliwanag na buwan at nagsisikislapang bituin, sa tabi ng isang batis na parte ng bundok, si Selma ay humiging ng isang malungkot na awitin. Kasabay ng pag-agos ng tubig sa batis ang kanyang luha'y nagsidaloy sa kanyang mga pisngi. Mga luhang kasing lamig ng ihip ng hangin sa gitna ng gabi. Sa bawat himig ay mayroong sakit, ramdam ng buong kabundukan ang pagdadalamhati ni Selma. Ramdam ng diyosang kanina pa nakatanaw sa kanya. Ang Diyosa ng pag-ibig at kagandahan, si Aphrodite. "Bakit ba ganito ang aking hitsura? Bakit ganitong mukha ang nilalait nila?". Tanong ng dalaga sa kawalan. Isang puting kalapati ang lumipad sa harapan ni Selma at lumapag sa katabing ugat na kanyang kinauupoan. Kumunot ang kanyang noo, nagtataka kung ano ang ginagawa ng isang puting kalapati sa kinaroroonan niya ngayong hating gabi na. Siya ay ngumiti sa kalapati. "Ikaw ba ay nakikinig sa akin?" tanong nito. "Ika'y napakagandang ibon." Puri nito. "Nais ko din maging maganda, nais kong maging kaaya-aya sa harap ng madla." Munting hiling ng dalagita na narinig ng Diyosang si Aphrodite. Malungkot na ngumiti ang Diyosa at nais tulungan ang dalagita. Sa isang iglap, ang Diyosa ng pag-ibig at kagandahan na si Aphrodite ay lumitaw sa harapan ni Selma. Ang dalagita ay napatayo sa mula sa pagkakaupo dahil sa gulat at natulala sa napakagandang Diyosang nasa kanyang harapan na may suot na mahabang puting damit na Chiton na kumikinang sa buong paligid. "Sino ka?" tanong ni Selma. Ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatitig sa Diyosa na ngayon lamang niya nasilayan. Ngumiti ang Diyosa na siyang mas lalong nagpamangha kay Selma. "Ako si Aphrodite, ang Diyosa ng Pag-ibig at Kagandahan." saad ng Diyosa. "Aking nadinig ang iyong pagdadalamhati. Ano ang iyong nais mangyari?" Tila na nabuhayan ng loob si Selma sa kanyang narinig. Siya ay mabilis na lumapit sa Dyosa at lumuhod sa harapan nito. "Bigyan mo ako ng kagandahan. Ako'y nagsusumamo, bigyan mo ako ng kaaya-ayang hitsura!" Tumingin ang Dyosa sa kanya. "Ang iyong pagdudurusa ay mababawasan, ngunit hindi ito matutuldokan." At bigla na lamang nawala ang Diyosang si Aphrodite at naiwan ang dalagitang natulala sa kawalan.

MythologyWhere stories live. Discover now