Chapter 54 The King V.S The Butler

457 31 6
                                    

Third Person Pov

"Gawin natin itong mas magandang laban. Kung mananalo ako susundin mo ang hiling ng anak ko." sabi ng kalaban ni Dark na si Haring David.

"At ano naman ang saakin kung mananalo ako?" kalmado namang sabi ni Dark.

"Bibigyan kanamin ng isang kahilingan, kung mananalo ka, hahaha.! Simulan na" mapanglaiit na sabi ni Haring David.

Ng sabihin nya iyon ay ibinato nya ang spear nya kay Dark at para itong may sariling buhay dahil gumegewang gewang pa ito pero nanatiling kalmado si Dark.

Ng malapit na sakanyang muka ay ginilid lang nya ang kanyang muka at simpleng nailagan ang spear.
At dahil sa totoo ngang may buhay ang spear ay bumalik ito at tatagos dapat kay Dark pero nakagawa sya sa kanyang likod ng Isang barrier gamit ang kanyang element.

Third Person Pov

"Now it's my turn" sabi nya at nilabas nya angkanyang dark element. Kinontrol nya ang anino ng kalaban na si Haring David at gumawa doon ng Dark Chain na pumulupot sa buong katawan ng Hari.

Mula sa anino ni Dark ay lumabas ang kanyang scythe, dahil sa ginawa nyang iyon ay naka ramdam ng kaba ang Hari dahil wala syang kawala ngayon.
Pero hinde sya nababahala dahil nakokontrol paring nya ang kanyang spear kaya't bumubulusok na ito ngayon Kay Dark.

Naramdaman naman ito ni Dark kaya tumagilid agad sya bago pa sya matamaan at ngayon ay ang Hari naman ang tatamaan pero na kontrol lang nya ito.

Sa sobrang bilis ni Dark ay hinde na sya makita ng Hari, makikita na lamang nya na nasa kung saan gilid ito hanggang sa napunta na sya sa harap ng Hari.

Nilaglag nya ang kanyang scythe sa kanyang aninoat hinigop naman ito, tinaas nya ang kanyang kamay at mula doon ay lumabas ang kanyang mahika.

Ramdam ng Hari kung gaano ka init at kalakas ang elementong ito kaya naman agad sayang sumuko dahil ayaw PA nyang MAMATAY.

"A-ayoko na! Suko na ako! Please spare my life!" sigaw nya kaya napahinto si Dark.

Kinontrol nya ang kanyang kapanyarihan at nawala na ang Shadow chain nya at tumalikod na.... Pero bago sya tumalikod ay kinausap muna sya n Hari.

"M-mamaya mona sabihin ang iyong kahilingan."sabi ng Hari na tinanguan lang nya at nag patuloy na uli. Pero isa lamang pala itong panlilinlang dahil natusok na agad sya sa kanyang tagiliran.

Ackkk!!

Sigaw nya Matapos bumulwak ang dugo sa kanyang bibig dahil doon ay napilitan sayang tumalon palayo kahit nakatarak pa ang spear ng Hari. Ng makalapag sya ay sya ring pag bulwak ng malakas na tawa ng Hari.

"HAHAHA!! Isa kang hangal para maniwala, hinde ako makapaniwala na ang alalay ng Hari ay isang dakilang uto uto! Hahaha!" malakas na Sabi nya habang pinipigilan ang kanyang tawa.

Dahil sa sinabi nya ay may nag tawanan narin ang mga aristocrat clan, maging ang mga royal clan ay nag tawanan narin. Pero hinde ito pinansin ni Dark dahil gumaling na ang kanyang sugat na natamo kaya't natahimik uli ang mga manonood sa nasaksihan.

Habang ang Hari naman ay tumatawa paring kaya hinde nya napansin iyon at mas lalong hinde nya napansin ang talim ng scythe ni Dark papunta sa kanyang kamay. Kaya naman ang nangyari ay naputol ito at lumabas ang kaydaming pulang likido o dugo
.
"Ahhhh!!!" sigaw ng hari ang maririnig habang pinagmamasdan nya ang kanyang naputol na kamay na parang sirang gripo na ayaw tumigil sa pagdurugo. Pero hinde pa tapos si Dark dahil nakahanda na ang kanyang scythe na pumaslang ngunit napigilan ito ng hari ng Ilde.

New World Online [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon