19: Abbygail dela Cruz

218 7 0
                                    

"Engot ka"

Nasa sala kami ngayon sa bahay ng asawa kong si Jun. Kasalukuyang nagloloading ang search status sa laptop ko.

Ngayon na kasi malalaman ang results simula noong apat na araw mula nang matapos ang exam namin.

Napapapikit ako at magkahawak ang mga kamay namin.

"Paano kung di ako makapasa?"

Sa totoo lang kahit hindi ako makapasa ay may time pa naman ako e-retake ito dahil makapasa man ako o hindi ay pamamahalaan ko pa rin ang kompanya namin.

Magreresign na kasi si kuya Vince at ipupursue na nito ang pangarap na magkaroon ng sariling furniture business.

Napabuntong hininga naman ako. Kailangan ko pa rin makapasa kasi nakakahiya sa mga manugang ko pag na failure ako sa exam na ito.

Hinigpitan ni Jun ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Wag kang mag-alala Abbygail, ano ka ba. Ikaw pa. "

Sana nga. Sana nga.

Napadilat ako at mga ilang sandali pa ay nandiyan na ang result!

Huminga muna kami ng malalim.

"Ako nalang muna ang maghahanap sa pangalan mo."

"Mabuti pa nga, kasi naman kinakabahan talaga ako."

Pero mga ilang sandali pa ay parang ang tagal naman ni Jun. Gusto ko na tuloy dumilat. Kaya ayun ibinuka ko na ang mga mata.

"Bakit?"

Parang bumagsak yata ang puso ko nang makita ang lungkot sa mukha ni Jun.

"I'm sorry."

Yun lang ang nasabi niya. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tumayo na.

"Ano ka ba, ba't ka nagso-sorry. Better luck next time nalang." Tumalikod na ako sa kanya kasi di ko na maitago ang mga luha ko.

Shit naman eh. Ilang buwan ako nagpuyat sa kakaaral talaga tapos di naman pala ako makakapasa.

"Sa kwarto na muna ako. "

Papasok na sana ako ng kwarto ko nang marinig siyang humahalakhak.

Naguguluhan ko siyang nilingon. At yun nga nakita ko siyang napapahiga sa sofa sa kakatawa.

Napasimangot naman ako.

"Ang lakas ng loob mong pagtawanan ako ah! "Nagtatampo na talaga ako.

Kasi imbes na e-comfort niya ako ay pinagtatawanan lang niya ako. Hindi ba niya alam gaano 'yun kasakit sa akin?

"Pag di ka tumigil diyan.. ."

Pero tawang tawa pa rin siya. Kumunot naman ang noo ko at natigilan. May kutob akong parang may mali talaga.

Lumapit ako sa kanya at kinuha na yung laptop ko. Kahit na nanginginig ang kamay ay naglakas loob pa'rin ako na mag scroll sa search results.

Kinakabahan man ay isa-isa kong tiningnan kung mayroon bang Monteclaro. Apelido pa kasi sa pagkadalaga ang ginamit ko.

Nang matapat ako sa isang Monteclaro ay 'yun na nabitawan ko bigla ang laptop. Kasi naman nag-iisa lang talaga itong Monteclaro rito.

Tiningnan ko ng masama si Jun.

Napatigil siya sa pagtawa at nagniningning ang mga matang tiningnan ako. Nako maluha-luha pa talaga siya.

Nawala bigla ang ekspresyon sa mukha ko. Umupo na siya ulit at yinakap ako.

"Sorry na baby. "Hinalikan niya ako sa pisngi. Pero hindi pa rin talaga nagbabago ang ekspresyon sa mukha ko.

Nawala yung ngiti niya nang mapansin na galit talaga ako sa kanya.

"Sorry na nga. Congratulations Engr. Abbygail dela Cruz!"

Masama ko pa rin siyang tiningnan.

"Hindi pa ako nagpalit ng apelido kaya isa pa rin akong Monteclaro!" Napataas na ang boses ko. Gusto ko talaga siyang sakalin sa mga oras na ito.

"Ano ka ba, binibiro lang naman kita. Congratulations baby!" at yinakap pa niya uli ako. Gusto ko sana siyang tabigin pero ang higpit talaga ng pagkakahawak niya sa akin.

"Bitawan mo nga ako! Ano ba!"

"Baby naman eh, sorry na nga. Congratulations!"

Napapikit naman ako sa congratulations na sinabi niya. Gusto ko na sana umiyak pero nanlulumo nalang akong napatingin sa kanya.

Napakunot naman yung noo niya.

"Bakit? Di ka ba masaya na nakapasa ka?"

Napalunok ako. Engot talaga nito.

"Sino bang maysabi sayong nakapasa ako?"

Nagulat naman siya. Dali-dali niyang tiningan muli ang results.

"Oh, nandiyan ang pangalan mo. 005478: Monteclaro, Abbygail Verano."

Ngumiti siya sa'kin ulit at napawi naman iyon bigla nang hindi pa rin ako ngumingiti.

"Hindi ba?" Parang naguguluhan na siya sa blangko kong ekspresyon.

"Kailan pa ako nagka middle name!?" Na disappoint talaga ako. Nawalan naman ng kulay ang mukha niya.

Tumayo na ako at tinalikuran na siya. Gusto ko na talaga umiyak. Kasi confirm nga na di ako nakapasa.

Nakakainis ang baklang ito. Kanina nang makita ko siyang tumatawa ay nakakita ako ng pag-asa na baka niloloko lang niya ako kaya ayun napasugod agad ako at tiningnan mismo ang results.

Walang hiya. Mukhang siya itong naloko. Engot talaga nito. Ahay.

"Abbygail! Sorry!"

Bago ako pumasok sa kwarto ay nilingon ko muna siya. Puno ng pagsisisi talaga ang maaninag sa mukha niya.

Alam ko naman na noon pa ay engot na ito. Pero di ko talaga mapigilan na hindi mainis. Kasi naman sumama talaga yung loob ko.

Ang hirap pag ang lahat ng effort mo ay mauuwi lang pala sa wala!

Kahit na kasalanan ko naman na hindi ako nakapasa ay ibinunton ko talaga sa kanya ang galit ko.

"Engot ka talaga kahit kailan!"

Matapos sabihin 'yun ay pumasok na ako sa kwarto ko. Pabalibag kong sinara ang pinto.

CRAZY FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon