69: Abbygail dela Cruz

150 8 0
                                    

"That Friend "

" Ano na kayang nangyari sa bakla?"

Kanina ko pa tinatawagan si Jun pero hindi siya sumasagot sa akin. Nakakainis naman. Baka saan na sila napunta ng Jasmine na iyon. Saan na kaya sila ngayon?

Nasaan ba ang bahay ng babaeng iyan?

Tinapon ko yung cellphone ko sa sofa. Gabi na at hindi pa ako kumakain. Umaasa akong uuwi si Jun kahit sinabi nya sa akin kanina na baka hindi siya umuwi ngayon. Nakapagluto naman ako pero wala akong ganang kumain. Ngayon na nga lang kami nagkabati, nasa bahay naman siya ng ibang babae. Nakakainis siya!

Pinaandar ko yung TV at nanood sa sports channel. Natigilan ako nang makita si Carla na naglalaro bilang player sa Philippines Women's National Football Team para sa ASEAN games. Napalunok ako at napakapit ng mahigpit sa remote. Gusto ko man ilipat ang channel ay hindi ko magawa.

Parang pinipiga ang puso kong panuurin ang dati kong ka teammates noon sa Ateneo. Alam ko dapat tanggapin ko na ang mga nangyari sa takbo ng buhay ko ngayon. Kahit hindi ito ang gusto kong mangyari noon pero wala akong pinagsisihan. Masayang masaya na ako sa piling ni Jun.

Umirap ako para hindi tumulo ang mga luhang nagbabadya na naman. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na hindi ako nakapasa sa board. I resigned in the company that I promise my father to save.

Here I am torturing myself in this show. This is what I dream. I love winning in life and playing soccer is my only means of doing it.

Anong gagawin ko ngayon? Hindi pwedeng hayaan ko ang pamilya ni Jun ang umangkin nalang sa kompanya. I need to do something. Pero anong gagawin ko kung hindi pa ako nakapasa sa board and could not even grab any high position in the company. At saka nandoon pa si Miggy.

Maalala ko pa lang ang lalaking 'yun ay naiinis na naman ako. Dahil sa kanya kaya nagalit sa akin si Jun. Ano bang problema niya?

Malayo na talaga siya sa Miggy na nakilala ko noon.

Nakakapagtaka na si Mike at Miggy lang ang nakilala ko noon. Bakit hindi ko nakita si Jun noon eh nakababatang kapatid pala siya ni Miguel?

Sabagay kahit noon pa ay wala akong mga barkada o mga kaibigan na maituturing na importante sa buhay. Ako lang siguro sa mundong ito ang taong walang naging kaibigan. Si Mike at Miggy ay hindi ko maituturing na kaibigan kasi mga manliligaw ko lang sila noon.

Wala akong naging kaibigan na babae kasi lahat sila galit sa akin dahil halos lahat ng atensyon ng mga lalaki ay nasa akin. Kung hindi galit ay naiinsecure ang mga ito. Wala naman akong pakialam sa mga lalaki noon. Sila ang lapit nang lapit sa akin.

I admit, I really have a rough childhood way back before. I even have a rough life also before I met Jun. Hindi ko akalain na si Jun lang ang taong babago nun. Tinuruan niya ako kung paano sumaya ng totoo sa piling niya.

Napailing ako. Nako, mas namimiss ko lang nito si Jun. Hindi ba talaga siya uuwi?

Inis kong pinatay ang TV. Nagulat pa ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Excited kong hinablot ito. Hindi ko tiningnan kung sino ang tumawag.

" Hello, Jun?"

Ilang sandali pa ang lumipas pero hindi sumagot ang nasa kabilang linya. Natigilan ako at madaling tiningnan kung sino ang tumawag.

Naging blanko bigla ang ekspresyon ko sa mukha nang mapagtanto na hindi si Jun ang tumawag.

" Anong kailangan mo, Miguel?"

Huminga lang ng malalim ang nasa kabilang linya. Ibababa ko na sana nang bigla siyang nagsalita.

" Can we talk?"

CRAZY FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon