14: Mike Santillan

211 11 0
                                    

“MY GORGEOUS WIFE”

(Background Music: WALANG PAPALIT by Music Hero)

Ilang linggo na ang nakalilipas simula nang mangyari sa amin 'yun.

Ewan ko ba, para yakap lang pero simula nun ay di na matahimik ang puso ko.

Ilang linggo na rin akong di pinatatahimik nang dahil lang don pero di ko iyon ipinahalata sa kanya.

Narealize ko kasing ang childish ko nga para mag react ng ganon sa kanila ng pinsan ko eh natural lang naman 'yun kasi matalik silang magkaibigan.

Ewan ko rin ba sa sarili kung bakit ako naiinis sa closeness nila.

Kahit na gusto ko pa rin sila sugurin lalo na yung pinsan ko sa tuwing nakikita silang magkasama dito sa bahay pero nagpipigil nalang ako.

Baka sabihin pa niya ulit na baka may gusto ako sa kanya.

Pero may gusto kaya ako sa kanya?

Natahimik naman ako doon. Napalunok ako.

Kasalukuyan kaming nasa kwarto namin ngayon at papatulog na.

Nasanay na rin akong katabi siya pero may mga sandali talagang napapatitig ako sa kanya.

Katulad nalang ngayon na galing siyang banyo.

Nagboblower siya ng buhok at nagsusuklay.

Di ko akalain na napakaganda pala niya pag nakalugay ang buhok.

Bumagay sa kanyang mukha ang mahaba at  kulot na buhok na kulay brown.

Alam kong simple lang siya mag-ayos pero ewan ko ba, ang lakas pa rin ng dating niya sa akin.

Mestisa kasi ito kaya naman lutang na lutang ang kagandahan nito kapag nakalugay ang  buhok.

Napansin niya sigurong nakatitig ako sa kanya kaya tiningnan niya ako.

Agad naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

Napangiti ako sa sarili. Sa lahat ng babaeng nakilala ko, ngayon lang ako nagkakaganito.

Bakit?”

Nagulat naman ako run. Nakita nya pala ang pagngiti ko.

“ Ha? Ah, eh wala. May iniisip lang ako.”

Kumunot yung noo niya.

“ Anong iniisip mo?”

Ang inosente niyang tingnan talaga. Di ko akalain na sa kabila ng katapangan at kasungitang ipinakita nito sa akin noon ay lilitaw na ang totoong Jasmine ngayon.

Para siyang kuting na ang sarap protektahan lalo na ngayon halata na talaga ang tiyan niya.

“ Wala. Tungkol lang sa hachienda.”

Napatango nalang siya. Nang matapos siya sa ginagawa ay sumampa na siya sa kama at nahiga patalikod sa akin.

Nasamyo ko kaagad ang bango ng kanyang buhok.

Gustong-gusto ko ang ginamit niyang shampoo. Parang ang sarap niyang yakapin sa mga oras na ito.

Pero alam ko di ko 'yun pwedeng gawin kasi baka mailang lang siya sa akin uli.

Minsan hinihintay ko siyang makatulog nang tuluyan para magka chance akong yakapin siya. Ewan ko ba.

Mas nakakatulog ako ng ganoon lalo na pag nahahawakan ko ang tiyan niya.

“ Di ka pa ba matutulog?”

Natigil ako sa mga iniisip nang magsalita siya.

“ Ha? Ah eh.. di pa ako inaantok eh. Wag mo lang akong intindihin. Magpahinga ka nalang. “

Napaharap siya sa akin at napatingin.

“ Magkwento ka naman tungkol sa araw mo. Di rin kasi ako makatulog dahil maghapon naman akong natulog kanina.”

Ha? Napalunok ako sa mga tingin niya. Ang ganda pala ng mga mata nito.

Teka.

Nang-aakit ba siya? O sadyang nakakaakit lang talaga siya.

Napalunok ulit ako at di maalis yung tingin sa kanya.

“ Hmm. Wala naman masyadong nangyari sa araw na ito. Puro hachienda lang ang inatupag ko.”

“ Bakit?”

“ Ha?”

Anong bakit?

“ Bakit hindi ka nagrereview para sa board exam mo? Di ba civil engineering yung kinuha mo?”

Natahimik ako sa sinabi niya. Oo nga pala, ang daming mga plano ko sa buhay ang nabago simula nang piliin kong panagutan siya.

Civil engineering ang kinuha kong kurso dahil ito yung gusto ng Papa sa akin. Halos lahat kasi ng mga negosyo ng mga Santillan ay naka focus sa real estate.

Mayroon din kaming construction firm. Gusto ng papa na balang araw pamahalaan ko iyon.

Ipinamumukha nya talaga sa akin ang mga responsibilidad ko.

Ayoko muna isipin 'yun. Ang importante makapanganak ng maayos si Jasmine.

“ Saka na siguro pag maayos na ang lahat.”

Nakita kong parang nalungkot siya sa tinuran ko.

“ Hindi ka ba nagsisisi?”

Napatda naman ako. Ano ba itong mga tanong niya?

“ Bakit, ikaw ? Nagsisisi ka na ba?”

Mas lalo lang yata siyang nalungkot sa tinanong ko.

Tsk. Obvious naman na nagsisisi siya.

Ako rin naman dapat na magsisi kasi hindi ko alam ano nalang ang kahihinatnan sa buhay ko ngayon na pinili ko mag-asawa agad.

Kaso aminin ko man o hindi mas nangingibabaw ang pagnanais kong piliin siya.

Piliin na makasama sila ng magiging anak ko.

“Noong una. Oo. Pero ngayon unti-unti ko ng natatanggap. Salamat pala Mike.”

Parang hinaplos naman ang puso ko sa sinabi niya. Puno kasi ng sensiridad.

“ Saan?”

“ Bakit mas pinili mong panagutan ako Mike? Kung tutuusin okay lang naman sa akin ang set up na palakihin ng mag-isa ang bata. Di ko naman siya ipagdadamot sayo. .”

“ Ayokong lumaki ang bata na walang amang kinagisnan. Ayokong matulad siya sa akin.”

Lumitaw kaagad ang pagtataka sa mukha niya.

Bakit ganoon? Ang sarap niyang titigan lalo na sa pabago-bagong expression ng mukha niya.

“ Anak ako sa labas Jasmine.”

Alam ko nagulat siya sa sinabi ko. Ngumiti lang ako ng mapait sa kanya.

CRAZY FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon