"Regrets"
Napabalikwas ako ng bangon. Mabilis kong sinipat ang silid na nakikita ko.
Oo nga pala. Hindi ako umuwi kagabi sa condo ko. Umuwi pala ako rito sa bahay namin.
Sapo ko ang ulo. Ang sakit kasi ng ulo ko. Mukhang marami yata akong nainom na alak kina Jasmine.
Huminga ako ng malalim at natigilan.
Napalingon ako sa kama ko at nakita ang napakaraming dugo na nagkalat sa bedsheets.
Kumunot ang noo ko at parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa nangyari sa amin kagabi.
Anong ginawa ko sa kanya kagabi?
Kinakabahan akong umalis ng kama at mabilis na nagbihis.
Mabilis akong bumaba at pumunta sa kwarto niya.
Kumatok ako pero walang sumasagot.
Hindi ko alam anong mararamdaman. Natatakot ako sa ginawa ko sa kanya. Naguguluhan ako sa sarili kung bakit nagsisisi akong ginawa ko iyon sa kanya.
Ano bang pumasok sa isipan ko? Oo, alam ko nakakagalit yung nalaman ko tungkol sa kanila ng kuya at sinisisi ko siya sa lahat lalo na ang pagkamatay ng kuya.
Pero sobra ka na yata Jun. Anong ginawa mo sa asawa mo?
Hindi ko alam pero parang maiiyak na ako sa pagsisising ginawa sa kanya nitong mga nakaraang buwan at lalo na kagabi.
Napatunayan kong wala talaga silang relasyon ng kuya. Ang tanga mo Jun. Bakit mo 'yun ginawa?
Malalakas ang katok ko sa kwarto niya pero walang sumagot.
Binalibag ko na ang pinto at mabilis naman itong bumukas.
Nakita ko kaagad ang bukas niyang aparador na wala ng laman.
Parang iginupo ang aking puso makitang wala na rin ang mga maleta niya.
May nakita akong dugo sa sahig papunta sa banyo niya. May mga dugo rin ang kama niya.
Kinakabahan akong pumunta ng banyo niya.
Nakita ko ang nagkalat na basag na salamin sa sahig.
May mahabang buhok rin ang nakahandusay sa sahig.
Anong ginawa niya sa sarili niya?
May mga dugo rin akong nakikita sa sahig.
Napalunok ako at pumunta sa shower room niya.
Lumabas na ako ng banyo at sinubukan siyang tawagan.
Pero not connected na. Mukhang binali na niya ang kanyang sim.
Lalabas na sana ako para hanapin siya nang mapansin ang envelope sa sahig. Pinulot ko iyon at binuksan.
Nakita ko kung ano ang laman nun. Annulment papers namin.
Parang bumagsak ang mga balikat ko nang makita ang perma niya.
Pinermahan na niya ang annulment papers namin.
Anong ibig sabihin nito?
Iniwan na niya talaga ako ng tuluyan?
Hindi ko alam pero napaiyak ako sa nangyayari.
" Abbygail, I'm sorry. "
(Background Music: Half A Man by Dean Lewis)
Hindi ko alam. Mas masakit pa pala sa pagkamatay ng kuya ang mararamdaman kong sakit nang tuluyang nawala ang taong pinakaimportante sa buhay ko.
" Abbygail..."
BINABASA MO ANG
CRAZY FOR YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 2) Nainlove, nasaktan, nalasing, nabuntis, nagpakasal, nakipagtanan at nabaliw sa pag-ibig. Hindi sukat akalain ni Jasmine na ang isang playboy na katulad ni Mike ay asawa na niya ngayon at magkakaanak pa siya rito! Bakit...