9: Jasmine Ramirez

238 12 0
                                    

" Awkward in Bed"

Nagising akong parang may mabigat sa tiyan ko.

Oo, alam ko unti-unti na itong bumibigat ngayon kasi palaki na itong tiyan ko pero parang may nakapatong talaga na mabigat na bagay.

Gagalaw na sana ako nang mapagtantong may nakayakap pala sa akin.

Mas nagulat naman ako nang mapagsino iyon. Si Mike.

Oo nga pala, magkatabi pala kami natulog kagabi.

Tiningnan ko siya. Tulog na tulog talaga siya at ang higpit pa ng pagkakayakap sa akin.

Dahan-dahan kong inalis yung kamay niyang nakadagan sa tiyan ko. Nako baby sorry.

Nasaktan ka ba sa ginawa ng daddy mo?

Natutop ako sa mga pinagsasabi ng isip ko.

Nako Jasmine parang sinasanay mo na talaga ang sarili mo ngayon sa sitwasyon nyo.

Narinig kong napaungol si Mike at unti-unti na itong nagigising.

Alam ko ang awkward ng sitwasyon namin ngayon. Di ko alam kong tatayo nalang ba ako at iwan siya o magpapanggap nalang akong tulog.

Huli na nang tuluyan na talaga siyang nagising. Napako agad yung tingin niya sa akin.

Tinitigan niya lang ako. Parang natameme naman ako sa kagwapohan niya.

Why he woke up so handsome as like this?

Mike has this medium length haircut plus bald fade hairstyle. His beautiful hazel brown eyes is a girl's weakness. His eyelashes is surprisingly long and thick. He has also this high aquiline nose that is match with his thin lips.

He has a naughty line between his chin. Dumagdag pa yata sa pagkaplayboy look niya ang double chin. Malinis ang mukha niya at hindi siya katulad ng ibang lalaki na mabigote. Para nga siyang boy next door. Dumagdag pa sa pilyo niyang aura ang isang hikaw sa tenga.

Hindi siya moreno at hindi rin mestizo. Siguro nasa 5'10" ang height niya at kahit nakadamit siya alam kong matipuno ang katawan niya.

Napakurap ako. Ano ba itong ginagawa ko? Ke aga-aga ganito na ang tumatakbo sa aking isipan.

Bakit napakadetailed ko siyang dinidescribe?

Napalunok ako. Bakit ang gwapong gwapo na neto sa paningin ko?

Habang noong nag-aaral palang kami sa College ay ang tingin ko lang dito ay isang ordinaryong nilalang.

Di ko alam anong nakita ni Jun sa lalaking ito kung bakit patay na patay ito kay Mike. Pero mukhang alam ko na ngayon kung bakit.

Lalo na isiping hindi lang si Jun ang nabaliw dito.

Ngayon ko lang naintindihan kung bakit may reputation itong cassanova sa school namin.

Kahit sinong babae ay bibigay talaga rito. At ako lang yung malas na bumigay at nadisgrasya pa.

Ha? Ano 'yun Jasmine?

" Hi. ." Untag niya sa tila malalim kong iniisip.

Naibuka ko lang ang mga labi pero hindi ko mahagilap ang boses ko.

Nako, nahihibang na ba ako?

CRAZY FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon