33: Abbygail dela Cruz

158 9 0
                                    

"It is my most grievous fault."



"Where is he?" Untag ko kay Jun na nakatulalang nakatitig sa swimming pool namin. Tapos na ako sa pagluluto at nagulat nalang ako na wala na pala si Miguel sa tabi niya. Umuwi na ba ito?

Isang linggo na rin pala kami hindi nagkikibuan ni Jun dahil sa nangyari. Nagagalit man ako sa kanya ay mas nangibabaw pa rin ang pagkapahiya ko. Alam ko kasalanan ko lahat ng ito.

Nitong mga nakaraang araw ay gusto ko na sana siyang kausapin pa dahil sa nangyari at mag sorry pero hindi rin niya ako kinikibo. Hindi ko alam kung galit ba siya o nahihiya rin siya sa akin.

Napansin niya sigurong nasa tabi na niya ako kaya bahagya pa itong natigilan. Ano bang nagyari rito? May nangyari bang masama sa kanilang magkapatid?

" Umalis na siya." Pagkasabi nun ay iniwan nalang ako bigla.

Nagtaka pa ako kasi naman parang may nabago na naman sa kanya. Bakit may lungkot akong nakikita sa kanyang mga mata?

Ano ba talaga ang nangyari sa kanya?

Agad ko naman siya sinundan. Nang makarating na kaming dalawa sa dining area namin ay nagtataka ko pa rin siyang tiningnan.

Hanggang ngayon ba naiilang pa rin siya dahil sa nangyari sa amin noong nakaraang linggo? Gusto ko na sana basagin ang awkwardness na namamagitan sa amin ngayon kaya lang nawalan na ako ng kompyansa baka kasi sisihin lang niya ako. Mukhang wala pa rin siya sa mood na pansinin ako.

Tahimik lang kami na naghahapunan. Pagod din naman ako sa maghapong trabaho sa opisina. Executive secretary ang ibinigay na posisyon nila sa akin sa mismong kompanya namin. I thought that I will replace my brother as the head of the company pero ang maging sekretarya lang pala ni Miguel dela Cruz ang ibinigay nila sa akin.

Marami pa raw akong dapat matutunan since I am not really fit into the position kasi hindi naman ako nakapasa ng board. Miguel took my brother's place as the head of the company.

Grabe talaga si Miguel dahil gusto talaga nitong inaalila ako. Ang dami kasing pinapagawa. Hanggang ngayon kumukulo pa rin ang dugo ko sa kanya. Hinding-hindi ko makakalimutan yung ginawa niyang panghaharass sa akin noong kasal namin ni Jun.

Napilitan lang naman akong pakisamahan siya dahil boss ko siya at kapatid siya ng asawa ko.

Tiningnan ko si Jun na matamlay na kumakain. Ano bang nangyari rito? Halatang pagod din siya tulad ko. Siguro may sinabi na naman si Miggy dito. Alam ko naman na hindi sila magkasundo noon paman.

" May problema ba, baby?" Napatingin siya sa akin at pilit naman akong ngumiti. Ngumiti rin siya sa akin pero hindi 'yun umabot sa kanyang mga mata.

" Wala, pagod lang siguro ako."

Bumalik na agad ito sa pagkain. Nagtataka na talaga ako sa kanya. Hindi ako sanay na ganito siya. Simula nang makilala ko siya ay ni minsan wala akong makitang pagkalungkot sa mukha niya. He maybe sad sometimes, but he will not give a damn reason na ipakita 'yun sa akin.

Ngayon lang ito naging transparent sa nararamdaman.

" May problema ba sa opisina nyo?"

Bahagya lang itong napailing at ni hindi man lang tumingin sa akin. Siguro nahihiya pa rin ito sa nangyari.

" I'm sorry. .i'm sorry for what I did last time."

Lihim akong napakagat sa aking dila. Simula kasi na maging asawa ko siya ay natutunan ko na ang humingi ng sorry sa mga kasalanan ko sa kanya.

Dati naman wala akong pakialam kung nakakasakit na ako ng tao dahil sa ugali ko. But since I marry this gay, a lot of me change.

" Ano ka ba. Ako nga ang dapat magsorry sayo. I should have never done that to you."

Wala akong mahanap na salita para isagot sa mga sinabi niya. Ewan ko ba. Siguro, now is not really the time to talk about it. Mukhang wala siya sa mood eh.

Matapos kaming kumain at maghugas ng pinagkainan ay agad na siyang nag-paalam sa akin na aakyat na siya sa kanyang kwarto. Pilit nalang akong napatango. Hinalikan niya ako sa noo at nagsimula na siyang umakyat.

Mukhang may dinaramdam talaga ito. Ano ba ang sinabi ng kapatid mo sa'yo Jun? Tungkol ba sa'kin kaya nagkakaganyan ka? Kasalanan ko ba kung bakit ka nagkakaganyan ngayon?

CRAZY FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon