72: Jasmine Ramirez

165 6 0
                                    

"John Mikel Santillan Jr."

" Nako, ang gwapo ng batang ito. Ang cute! Manang mana sa ninang!"

" Tumigil ka nga Bubbles! Makasalita ka diyan na sayo nagmana parang ikaw ang ina."

" Haynako, ang KJ mo talaga Charmaine. By the way Mike, ano palang ipapangalan mo sa baby niyo?

" John Mikel Santillan Jr."

Nagising ako sa ingay ng mga tao sa paligid lalo na sa tili ni Bubbles. Nang imulat ko ang mga mata ay nakita ko siya.

Hindi ako makapagsalita dala na rin ng labis na panghihina. Hindi ko alam kung ilang oras ba ako na walang malay. Basta ang nararamdaman ko ay napakasakit ng puson ko pero kayang-kaya naman kahit papano.

" Nakakakilig naman. Junior na junior talaga. Bagay naman kasi magkamukhang magkamukha kayo! Jun oh, di ba kamukha talaga ni Mike?"

Nakita ko siyang hawak ang anak namin. Hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha sa lahat nang napagdaanan namin. Tiningnan ko ang anak namin na hawak niya.

Natahimik sila lahat habang nakatingin sa akin.

" Jasmine,.."

Ibinigay niya sa akin ang anak namin. Hindi ko maitindihan ang labis na kaligayahang nadarama sa mga oras na ito.

Nang nasa mga kamay ko na ang anak namin ay napaluha pa ako lalo.

" Baby.."

Umiiyak ako habang hawak siya. Hindi ko akalain na ganito pala kasaya sa feeling ang mahawakan siya sa wakas. Tiningnan ko si Mike at napapaluhang nakatingin siya sa amin.

Lumapit ang mommy sa akin at hinaplos ako sa pisngi. Nasa likod niya si daddy na kanina pa ang lapad ng ngiti sa apo niya. Masaya rin silang nakatingin sa akin.

I am so lucky to have a very supportive parents like them.

Tumingin ulit ako sa anak ko. Wala akong pagsidlan sa kaligayahang nadarama.

" Jasmine..kumusta na ang pakiramdam mo?"

Tiningnan ko siya. Hindi ko alam kung anong isasagot sa tanong niya. Aren't we supposed not doing this? Tinawagan ba siya ng parents ko?

Baka dumating lang siya para makita ang anak ko. Tama, yun naman talaga ang totoo niyang dahilan kaya siya andito. Napalunok ako at alanganing ngumiti sa kanya.

Pero kahit na ano pa ang sabihin ng isip ko, alam ko rito sa puso ay napakasaya ko dahil andiyan siya sa tabi ko. Hindi ko maikakaila ang labis na tuwa nang makita siyang hawak ang anak namin.

" Nako Jasmine ha, manang mana talaga kay Mike ang bata. Nako..hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na mag-asawa na kayo. "

Namumula akong tumingin ulit sa bata. Nakakahiya ang sinabi sa akin ni Bubbles.

Tama nga siya. Hindi maipagkakaila na si Mike ang ama. Kamukhang kamukha kasi nito ang anak namin.

" Tumahimik ka nga Bubbles. .wag mo nga asarin si Jasmine."

Lihim akong nagpasalamat sa sinabi ni Carlo.

" Excuse me po, mam. .kailangan niyo pong e breast feed ang anak niyo. Importante po na ang unang gatas na mainom ng bata ay galing po sa inyo." Saad ng nurse sa akin.

Napatda naman ako sa sinabi ng nurse.

Alanganin akong tumingin sa mommy. Humihingi ng tulong ang mga mata ko sa kanya. Kinakabahan ako sa bawat gagawin bilang ina sa anak ko. Nakakapanibago ang ganito sapagkat hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagiging ina sa kanya.

Narinig kong tumikhim si Carlo. Mukhang na gets naman nila ang ibig nitong sabihin. Nakita ko si Jun na ngumiti sa akin.

Ngumiti rin ako sa kanya. Napansin kong napangiwi pareho si Mike at Abbygail sa pagngiti namin ni Jun sa isa't isa.

Tiningnan ko si Abbygail na nakahalukipkip sa tabi at halatang aburido na sa nangyayari. Tiningnan ko ulit si Mike pero nakatutok na ulit ito sa bata.

Hindi ko mapigilan ang hindi malungkot. Andito na sa tabi namin si Abbygail. Sigurado akong tuwang-tuwa siya na andito na ang pinakamamahal niya.

" Be a good mother, Jas. "

Mahina akong tumango kay Jun.

Agad na silang tumalikod at naiwan ako at ang mommy at si Mike.

Nakakunot ang mga noong tumingin ako kay Mike.

" Bakit?"

Napaawang yung bibig ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na hindi talaga siya aalis.

" Mike, mukhang nahihiya si Jasmine. Fidel, samahan mo muna ang manugang mo sa labas."

Mas lalong bumuka ang labi ko sa sinabi ng mommy.

" Sige po, mommy."

Mabilis akong napalingon kay Mike. Mommy? Tinawag niyang mommy ang mommy ko?

" Son, halika muna sa labas. Jasmine princess, kaya mo yan."

Nakangiti silang lahat sa akin.

Bakit parang at home para sa kanila si Mike?

Paanong sa isang iglap ay nakuha niya agad ang loob ng mga magulang ko?

Nawala lang ako sa labis na pagtataka nang narinig kong umiiyak ang anak namin.

Agad ko siyang niyugyog at sinimulang padedehen sa tulong ng mommy.

CRAZY FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon