41: Mike Santillan

154 7 0
                                    

"Cross fingers"


" Hello Mike."

Naikuyom ko ang isa kong kamao nang marinig ang boses niya. Buong buhay kong kinatatakutan marinig ang boses na ito.

Biglang lumamig yung ekspresyon ko sa mukha at naging blangko nalang lahat ng emosyon ko.

" Cindy will stay there as long as you two will get married. Her parents already agree for this set up."

Tumigas ang panga ko at gustong-gusto ko na talagang sumigaw. All this time, he always control my life.

" Wag kang gagawa ng anumang kapalpakan Mike."

Malamig ang boses niyang saad sa akin at kahit hindi ko siya nakikita alam kong malaki ang disgusto nito sa akin bilang bastardong anak ng asawa niya. Napahigpit ang hawak ko sa aking cellphone.

" Mike? Nakikinig ka ba?" untag niya sa akin.

" Oo naman papa."

Malakas ang buntong hiningang pinakawalan ko nang ibaba ang aking cellphone.

Napatingin ako sa buong kwarto ng magiging anak ko. Napangiti ako ng mapait nang tingnan ang magandang drawing ni Jasmine sa wall ng kwartong ito.

Tama si Carlo. Mali itong ginagawa ko kay Jasmine. Ngayon lang talaga nag sink in sa akin ang lahat kung gaano ako nagpadalusdalos sa aking desisyon.

Paano ko nagawang mangako sa kanya kung sa huli alam kong mahirap palang tuparin 'yun? Pero paano ang magiging anak ko?

Anong gagawin ko para hindi siya tuluyang mailayo sa akin?

Si Jasmine? Kaya ko bang pakawalan siya kung alam kong nahuhulog na 'yung loob ko sa kanya?

Yes, I love her.

Akala ko hindi na mapapalitan si Abbygail dito sa puso ko.

I love her so much to the point it made me selfish enough to keep her in this place.

Lumabas na ako ng kwarto at pumasok na sa aming kwarto ni Jasmine. Pero nagulat naman ako sa nakita.

She is getting her clothes in the cabinet. Pinapasok na niya ito sa maleta niya at mariing umiiyak.

Seeing her hurting like this makes me want to regret of pursuing her to come with me in this place.

Tama si Carlo. Ang selfish ko na sirain ang kinabukasan niya para lang sa mga pangako kong hindi na matutupad.

Gusto ko siyang lapitan pero umurong yung mga paa ko.

I can't blame her. This is not the life I promised her.

Pero bakit ayaw ko pa rin siyang pakawalan. I don't want to lose her. Nasasaktan akong makita siyang nasasaktan dahil sa akin pero bakit hindi ko siya magawang e-let go?

Please wag kang umalis. Wag mo akong iwan. Please stay.

Sinasabi 'yun ng isip ko habang naka cross fingers.

Pag di ka umalis ay hinding-hindi na talaga kita pakakawalan.

Ewan ko ba pero parang narinig niya yata ang sinasabi ng isip ko nang bigla ko siyang nakitang tumayo.

Akala ko nakita niya ako pero pinahid lang niya ang mga luha niya.

Ibinalik niya yung mga damit sa aparador namin pati na'rin ang maleta.

Pagharap niya ay nakita niya ako. Pareho pa kaming nagulat sa isa't isa.

CRAZY FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon