32: Marjun Angelou dela Cruz

156 8 0
                                    

"Epal na kapatid"


" Looks like you're having a happy marriage with her." He is intently staring at me while saying it. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip nito.

Pero paniguradong naghahanap na naman siya ng maipang-iinis sa akin. Well, his presence is more than enough to piss me off.

Nasa gilid kami ng swimming pool nakatambay ngayon habang hinihintay matapos si Abbygail sa pagluluto. Iniabot ko sa kanya ang glass of wine at lumagok muna ako bago ko siya sinagot.

" Of course. I am very happy. Wala talaga akong pinagsisihan na siya ang ipinakasal ng lolo para sa akin."

Ngumiti lang siya ng kaunti. Medyo naningkit pa ang mga mata ko sa nakikitang pagtiim bagang niya. Nag-eenjoy na yata akong inisin siya ngayon.

Matagal kong pinangarap na makaganti sa mga pangungutya niya sa akin noon. Ngayon na yata ang tamang panahon para maisakatuparan ko 'yun.

"Well, Abbygail is more than enough. She's worth it, right? Isn't she? "

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano bang ibig sabihin nito?

" Bakla ka pa rin ba? I bet kahit sinong bakla ay titino talaga pag siya ang asawa."

Nawalan yata ng kulay ang mukha ko. Nagsimula na naman siya. Kung inaakala niyang masisindak ako sa mga pang-iinsulto niya ay nagkakamali siya.

" Bakit? Sa tingin mo, di ako kayang mahalin ni Abbygail maging sino man ako?"

Tumawa lang siya ng kaunti at uminom na ng wine.

" Women are unpredictable. They can easily fall for you on the first day, but when they realize that you have nothing anymore to offer ay bigla nalang sila magbabago. Abbgygail is surely one of those who would not settle for a man like you."

Ngumiti siya sa akin ng nakakaloko. Huminga ako ng malalim at lumagok na rin sa wine na iniinom ko. Na tense yata ako kaya naubos ko kaagad. Nagsalin ako muli ng wine.

" What do you mean she would not settle for a man like me? Do you think ganoon siya kababaw?"

" Kung hindi dahil sa pera natin ay hindi naman siya magpapakasal sa iyo. Walang matinong babae ang magpapakasal sa bakla."

Tiningnan ko siya. Hanggang ngayon napakadissapointing pa'rin ng ugali nito. Okay lang na insultuhin niya ako kasi sanay naman ako sa mga pangungutya niya sa akin simula noong bata pa kami. Pero ang insultuhin niya ang asawa ko ng ganito ay di ko yata maatim pakinggan.

" Alam mo kuya kung ikaw ang napili ng lolo na ipakasal kay Abbygail, I bet hindi ganyan ang sasabihin mo. Maswerte pa rin si Abby na ako ang napakasalan niya dahil kahit kailan ang baklang katulad ko ay hindi ganyan ang pagtingin sa kanya. Salamat nalang pala sa yaman natin dahil napunta siya sa tamang tao."

Tumawa naman ito. Pero alam ko naiinis na siya. Sege lang. Akala mo damuho ka ha. Akala mo magpapatalo ako sayo.

"Tamang tao? Pano mo naman nasabi yan? Kaya mo nga bang ibigay sa kanya lahat? I bet you still never have sex with her?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Naikuyom ko bigla ang kamao. Below the belt na itong pan-iinsulto niya ah. Kung di ko lang siya kapatid ay kanina pa ito nakatikim sa akin. Pinigilan ko nalang ang sarili na huwag magpadala sa mga pang-iinis niya.

" Oh, kung nag sex na kayo. Ang tanong masaya nga ba siya?" Tumawa na siya sa akin. Naningkit yung mga mata ko sa kanya.

" Hindi lang sex ang basehan sa matibay na relasyon."

Isa nalang talaga masisipa ko na siya ng tuluyan dito sa bahay.

" Really? Tell that to the saint little brother."

Lumapit siya sa akin at tinapik ako sa balikat.

" You know what Jun. .pag namatay ang lolo sigurado akong hihiwalayan ka rin niyan. Get to your senses. Sooner or later makakabalik ka na sa dati mong buhay bilang isang bakla. At sa wakas magiging malaya na rin si Abbygail mula sayo. As for now, try harder to be a good lover para di ka niya iwan agad."

Pinisil niya ang balikat ko matapos sabihin 'yun. Miguel dela Cruz will always be Miguel dela Cruz. Sinasabi talaga nito ang gusto nitong sabihin. He really knows how to make people uncomfortable with him. He radiates power and domination.

Parang nabalik ako sa pagiging bata sa mga sinabi niya. Na sa tuwing pagbabantaan niya ay iiyak nalang sa isang sulok.

For a gay like me, he is my first bully. Siya ang pinakapuno't dulo ng lahat ng mga frustrations ko sa buhay.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang trato niya sa akin. I understand that he is just a homophobic type of person pero ewan parang nabuhay lang ito para inisin ako.

Kung sa atensyon sa mga magulang ay di naman ako nakikipagkompetensya sa kanya. Kung sa yaman lang din naman namin ang dahilan ay hindi ako mag-aaksaya ng panahon para makipag-agawan. He can have everything at wala akong pakialam doon.

" Why you hate me this much, kuya?"

Natigilan naman siya sa tanong ko. Parang lumambot bigla ang mukha nito. Napakunot naman ang noo ko sa biglang pagbabago ng kanyang ekspresyon.

Ibinaba nito ang hawak na glass of wine sa mesa malapit sa pool at malungkot akong tiningnan. Ano bang nangyayari rito?

" Believe me or not. I don't hate you that much. I just hate the fact that I was born first in this family."

Napaawang naman bigla yung bibig ko. I see frustrations in his eyes. Kailan pa siya nagkakaganito?

Why all of a sudden parang nahihimigan kong hindi na ito masaya? For someone as dependadble and mighty like him, it does not suit him making all the fuss of complaining.

Ngumiti siya ng kaunti sa akin at mga ilang sandali pa ay napatingin ito sa relo nito.

"I should get going. Gusto ko sana mag dinner kasama kayo kaya lang mukhang may gagawin pa ako. Ipagpaalam mo nalang ako kay Abbygail."

Agad naman siyang tumalikod pagkawika nun. Naiwan tuloy akong ewan ano ba dapat ang maramdaman ko? Napahawak ako sa batok ko.

This day felt so exhausting. Ngayon lang nag sink in sa akin ang pagod sa maghapong pagtatrabaho sa opisina. Napabuntong hininga nalang ako ng malakas.

Damn you Miguel dela Cruz. Epal ka talaga.

CRAZY FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon