PRODUCTIVITY, NOPE. Procrastination, yes, At sino itong imbes na gumawa ng assignments ay mas inuna ang pagmu-movie marathon sa Netflix habang nasa kuwarto. Wow, parang walang iniisip na responsibility, a?
Ilang araw na rin magmula noong magsimula ang klase-at sa totoo lang, nami-miss ko pa rin ang mga kaibigan, kaklase, at lalo na 'yong mga kamag-anak naming naiwan sa Cavite. Oo, iba rin kasi ang feeling na kasabay ang mga kaibigan ko roon na papasok ng senior high school. Pero ang sabi ng ani Kuya, create new memories with new people you meet along the way. Nakapapanibago pa rin, pero unti-unti na rin akong nasasanay.
Nag-pause muna ako saglit sa panonood nang in-open ko ang aking cellphone at tiningnan ang messages ng classmates ko sa group chat namin. Pero ang bumungad ba naman ay ang sinend ni Daryl na isang GIF ni Snowball from The Secret Life of Pets. Except doon, wala na akong iba pang nakitang messages. Nag-chat na rin ako sa mga kaklase ko.
"Ang cute naman ng sinend niya, parang siya," bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang GIF.
Tiningnan ko na rin ang profile niya sa FB. Wow, stalker lang? Ang bumungad pa nga sa akin ay 'yong profile picture niyang nakasuot ng coat at naka-pose pa sa picture na iyon na I bet, nakunan sa isang party. Naks, lakas maka-pogi ng get-up niyang iyon.
Ano ka ba naman, magpapakarupok ka ulit?
Habang tumitingin pa sa profile ay nag-pop-up ulit ang mga bilog sa screen at saka ko naman siya chineck.
NEWTONIUMS GC
Howell:
Hey @Lyra
Napataas ang kilay ko sa message na iyon ni Howell na minention pa ako sa GC.
Howell:
Nutis me plis.
Yoohoo
Ano kayang trip ng isang 'to? Wala ba siyang sariling buhay?
Hindi ko na lang pinansin 'yong messages niya. Ayaw kong ma-stress, utang na loob!
Howell:
Sige na
Check my message request 🙂
Parang gusto kong magpalamon sa lupa sa ginagawa ni Howell. Ano kayang masasabi sa amin ng mga kaklase kong mukhang pinagpipiyestahan ang mga nakikita nila? Ang dami pa namang nagsi-sseen, at kasama pa roon si Daryl.
Napasinghal na lang ako at chineck ang message requests. Hindi kami friends ni Howell sa FB at wala akong balak. Ano siya, sinusuwerte? Duh.
Lyra:
Bakit, ano ba gusto mo?
Howell:
Wala lang.
Napakatino talagang kausap nito.
Lyra:
Ha-ha-ha, tatawa na ba ako?
Howell:
Edi gawin mo, wala namang pumipigil sayo
Lyra:
Please lang, hindi ako nakikipagbiruan.
Wala akong time diyan.
BINABASA MO ANG
Scope and Limitations
RomanceMahirap kalabanin ang namumuong nararamdaman para sa isang tao. Hindi mo malalaman kung papaano ka makaaahon kung patuloy kang nilalamon ng nararamdamang ito. Bukod sa mahirap itong alisin sa puso't isipan, walang kasiguraduhan kung masusuklian ito...