SA MAY tapat ng Angeles Fried Chicken na bungad lang ng subdivision namin kami nagkita nina Howell. Actually, si Papa na ang nag-offer na ihatid kami gamit ang kotse papunta sa may venue. Dahil araw ng contest ay hindi na rin kami pumasok sa klase namin for the whole day. Ito ang perks ng pagsali ng contests-'yong exemption. Except doon, makatatanggap kami ng bonus sa performance sa subject namin kay Miss Gomez. Except pa roon, kung sakaling manalo kami ay may bonus pa kami sa paparating na exam.
Nasa tabi ako ni Papa sa may driver's seat habang nasa likod naman si Howell. Papa ko na nga ang nag-volunteer na ihatid kami sa may venue. Si Miss Gomez naman ay nag-text na nauna na siya sa amin sa school kung saan gaganapin ang quiz bee dahil malapit lang daw sila roon. Medyo kinakabahan pa nga ako sa mga mangyayari mamaya habang nakadungaw sa bintana at pinagmamasdan 'yong dinaraanan namin.
"Kapampangan ka ba, 'Tong, o Tagalog?" tanong ni Papa kay Howell na ang gamit ay hindi Tagalog.
"Kapampangan pu," sagot naman ni Howell na nakatingin sa direksiyon namin. At doon ay nagsimula na silang mag-usap na gamit ang Kapampangan language.
Hindi naman ako hirap makaintindi ng Kapampangan, lalo na at madalas na nakakausap ni Papa 'yong mga kamag-anak namin, pero nakaka-culture shock kasi halos lahat ng nakakasalamuha ko rito, sinasalita ang lengguwahe na iisang tao lang sa bahay namin ang gumagamit.
Pero mukhang mao-OP ako sa usapan nila kaya nanahimik na lang ako.
"Kumusta naman i Lyra? E naka naman panasakitan?" Naubo ako sa tanong ni Papa kay Howell. Wow, sinasaktan ko ba siya?
Natawa naman itong si Howell sa tanong at saka ko naman siya sinamaan ng tingin. Siguraduhin lang niyang matino ang isasagot niya kay Papa. "Ay, a...ali pu. Maganaka ya pu i Lyra, Sir Contreras."
"Tito Larry na mu. Ika naman, Tong. Paka-formal mu pa."
"Sigi pu, Tito Larry."
Nakaabot na ang sinasakyan namin sa may rotonda ng Angeles City kung saan maraming mga establisiyiemento ang nakatayo. Habang busy ako sa sightseeing, patuloy naman sa pa-uusap sina Papa at Howell.
"Matalino naman po 'yong anak n'yo." Finally, nag-shft din sila sa pagsasalita ng Tagalog.
"Medyo pasaway nga lang." Halos mamula ako sainis sa narinig mula kay Howell. Bakit? Bakit ganoon? Napatampal na lang ako ng noo sa ibinunyag ni Howell. Ilaglag ba naman ako?
"E, kanino pa ba magmamana ang anak ko? Siyempre, sa akin." Napangisip pa ako sa sinabing iyon ni Papa.
"Wow, proud na proud, a?" komento ko tuloy kay Papa.
"Of course. Pero 'yong ganda, malamang sa mama mo." Nagawi naman ulit ang atensiyon niya kay Howell.
"Kumusta studies? May girlfriend ka na ba?" pa-showbiz pa niyang tanong kay Papa. Lakas talaga niyang maka-Boy Abunda.
"Naku po, wala pa po. Wala pa po sa isip ko 'yan." Siyempre, nahihiya pang sumagot si Howell
"Ay, buti?" Napangiti si Papa habang napapaindak sa kantang pinatutugtog sa radio. "How Deep Is Your Love?" by Bee Gees kasi ang nagpe-play ngayon. "Parehas kayo ni Lyra na pina-prioritize ang pag-aaral."
Napatingin ako ulit kay Howell sa may bandang likod, at mukhang may ilalaglag na naman siya base sa mga nakaloloko niyang tingin sa akin. Oh, please.
"Actually po-" pinutol ko ang sasabihin niya at saka ko siya sinapawan. Utang na loob, huwag na huwag niyang ibubulgar ang tungkol kay Daryl.
"Ay, Pa, ang ganda po ng music. Lakasan po kaya natin volume ng speakers?" pagsabat ko sabay adjust ng volume.
"Okay na ang volume, a?" pagtatakang tanong ni Papa at saka ko naman siya pinagngitngitan ng ngipin. Lumingon ako ulit kay Howell at pinanliitan ko siya ng mga mata. Pahamak talaga itong si Howell kahit kalian.
![](https://img.wattpad.com/cover/245507148-288-k799410.jpg)
BINABASA MO ANG
Scope and Limitations
RomanceMahirap kalabanin ang namumuong nararamdaman para sa isang tao. Hindi mo malalaman kung papaano ka makaaahon kung patuloy kang nilalamon ng nararamdamang ito. Bukod sa mahirap itong alisin sa puso't isipan, walang kasiguraduhan kung masusuklian ito...