SCOPE | XVI

30 2 4
                                    

NATAPOS DIN ang Talent Night at masasabi kong naging successful buong event. Nagbunga rin ang efforts na ibinigay naming committee para maisaayos ito. Nakapapagod man, naging worth it naman lahat.

After ng event proper ay nag-decide ang buong SSC officers na mag-treat para sa amin diyan lang sa isa sa mga fast food restaurant sa malapit na hanggang sa kailaliman ng gabi ay bukas pa rin.

Iyon nga lang ay hanggang ngayon, nandito pa rin ang feelings kong hindi mailabas-labas kay Howell. Sa buong araw yata na magkasama kami ay never man lang kami nagpansinan. Ni magbigay ng derektang eye contact ay hindi namin magawa. Pero hindi ko na talaga kayang panindigan ang pagkakaroon ng cold treatment ko sa kaniya. Parang gusto ko na ngang ibaba ang pride ko at maayos na ito, lalo na at ako naman ang may pakana nito.

Dahil kakaunti na lang ang kumakain sa mga oras na ito, lalo na at alas-diyes na ng gabi, halos i-occupy na namin ang buong establisiyemento.

Habang nagsasaya at nagse-celebrate sila, halos bagabagin na ako ng konsensiya ko habang pasimpleng tinitingnan si Howell na may matalim na tingin sa akin. Bakit sa pagkakataong ito pa mukhang masisira ang pagkakaibigan namin.

Bakit ba kasi napaka-selfish ko sa pagtago ng pesteng feelings na ito.

"O, hindi mo uubusin 'yang kinakain mo?" tanong sa akin ni Gil na katabi ko sa mesa dahil hindi ko magalaw-galaw 'yong chicken meal. 'Yong fries lang yata ang nagagalaw ko magmula nang pagka-serve. Wala yata akong ganang kumain ngayon.

"Sus, baka busog na siya," komento ni Howell nang may malamig na tono. Tapos ay napangisi pa siya na para bang mina-mock ako. "Busog na ang utak sa dami ng iniisip." Hindi ko na lang siya pinansin at saka itinuloy ang unti-unting pag-inom ko ng Coke Float.

I was feeling upset that time. Hindi ko alam ang gagawin lalo na at nakadadagdag sa suffocation ko dahil maraming tao ay ang mga thought na bumabagabag sa akin. At kasama ko rin si Howell na nakapagti-trigger sa akin ng ganitong feeling.

Napahigpit ang kapit ko sa mga kamay ko at hindi maiwasan ang pagbulalas ko. Natigilan ang ilang mga kasama ko sa pagkain nila at tumingin sa akin. "Excuse me lang, a? Gusto ko lang magpahangin saglit," pagpapaalam ko sa kanila. Pumayag naman ang SSC president at saka ako tumayo at dumeretso palabas.

Nagtungo ako sa malapit sa parking lot at doon nag-moment habang pinagmamasdan ang mga maliwanag na ilaw sa gabi at ang mga iilang sasakyan na dumaraan sa mga oras na ito. Ang sabi nga, mas abala ang Balibago sa pagsapit ng gabi. Pero kahit ganoon, ramdam ko ang katahimikan. Isama pa ang banayad na pagwasiwas ng hangin sa aking mahabang buhok.

Patuloy ang pagmumuni-muni ko sa labas habang nakatayo nang napansin kong may lumapit sa aking banda. Napatingin ako at nakita si Howell na seryoso ring nakatingin ang mga mata sa akin.

"Bakit ka nandito?" Napairap naman ako sa kaniya kasabay ng pagkrus ng mga braso ko. Bakit kailangang nandito rin siya?

"Masama bang magpahangin?" pangangatuwiran pa niya

"Why acting like territorial? Sa iyo ba ang space na ito para ipagkait sa 'kin?" patuloy pa niya sa pagtatanong nang may seryosong tono.

Napataas ang boses ko nang luningon ako sa kaniya. "Bakit ang defensive mo?"

"E, bakit mo ba ako iniiwasan?" Pero hindi ko rin in-expect ang pagtaas ng boses ni Howell na nag-echo sa kaloob-looban ko. Talagang nakapanghihina 'yong ginawa niyang iyon sa akin. May bigat itong hindi ko alam kung papaano ko ipaliliwanag.

Scope and LimitationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon