SCOPE | XIII

12 2 0
                                    

"KAILAN MO ba balak umamin kay Howell?" tanong sa akin ni Jeannie habang nakatambay kami kasama rin si Claire sa learning commons para mag-aral. E, ilang araw na ang nakalilipas nang mag-resume ang klase namin.

Pero sa halip na mag-focus ay walang ibang ginawa ang mga kasama ko kung hindi ang guluhin ako.

"Hindi ko alam," naguguluhan kong tanong sabay yuko.

"E, hanggang kailan ka ba magpapaka-Sang'gre Denial diyan sa feelings mo?" Si Claire naman ang nagtanong. Hanggang kailan nga ba?

Seryoso kong tiningnan silang dalawa na nakaharap sa akin at saka nagwika, "Ano pang silbi no'n kung iba naman 'yong gusto niya?"

"Girl, lahat ng bagay sa mundong ito, may principles ng inertia." Nag-explai. pa si Claire sa akin.

"The object will remain at rest unless the object is acted upon by an external force." In unison pa naming tatlo na binigkas iyon nang may bored na mukha.

Bigla ulit nagpaliwanag si Jeannie sabay hawi ng kulot na buhok niyang naka-ponytail, "Walang mangyayari kung hindi mo susubukan. Mas okay nang mag-try kaysa sa wala kang ginawa at magsisisi ka na lang sa bandang huli." Oo, may point itong si Jeannie. Bakit ba ayaw kong subukan kung puwede naman?

Kung sanang ganoon lang din iyon kadali. Kung sanang walang mabigat na responsibility akong mabe-bear sa move na gagawin ko.

"Pero hindi pa ako ready, e. Hindi ko pa kayang i-sacrifice ang kung ano mang meron kami for the sake of my feelings."

Ang hirap makipag-tug-of-war sa puso at isipan ko. Parang lahat sa kaloob-looban ko, gustong magpabida; ayaw yata nilang magpatalo. Gusto ko nang umamin dahil si Howell talaga ang isinisigaw ng puso ko, pero ayaw ko pa dahil friendship namin ang magiging sangkot dito.

"So, kailan ka magiging ready? Kapag naging magjowa na sila? Kapag may bumagsak nang malaking asteroid sa Earth?" pagre-react pa ni Jeannie na patuloy sa pagdaldal. Kasabay pa kasi ng pagdaldal nila ay ang pag-iingay ng thoughts sa utak ko.

"Ewan ko nga ba diyan kay Lyra. Galaw-galaw rin!" hirit naman nitong si Claire sabay roll ng mga mata.

"Ewan ko sa inyo. Bahala kayo diyan!" Inirapan ko na lang ang mga bruha. Pasalamat sila at natitiis ko pa rin sila. Joke!

"Ay, wow! Nandito kami para mag-advice sa iyo, tapos gaganiyanin mo lang kami?" nagsimula namang mag-drama itong si Jeannie na tsina-channel ang pagiging FAMAS o Gawad Urian best actress award-winning performance niya. "Claire, ayaw ko na! Suko na ako sa babaeng ito."

"Tara na nga, makaalis na rito. Bahala na lang ang isa diyang mamroblema kay Howell." Tiningnan naman ako ni Claire nang may pang-aasar. "Good bye, Lyra. Salamat na lang sa lahat." At saka naman nila ako inirapan.

"A, ganoon? Sige, iwanan n'yo na ako. Sanay na rin ako, duh!" pag-react ko na lang.

Pero sa totoo lang, malaki ang pasasalamat ko sa dalawang 'to na palaging nandiyan sa akin lalo na sa pagda-drama ko kay Howell. Masaya ako at nakilala ko sila.


Habang nag-aayos ng mga gamit bago umuwi ay biglang lumapit si Howell sa akin na para bang may gustong ipagawang favor.

"Uy, Hobbitsky, free ka naman after school, 'no?" pagtatanong niya at saka ko siya tiningnan saglit.

"Ay, bakit? Ano'ng meron?" tanong ko nang may pagtataka sa mukha ko kahit sa kaloob-looban ko ay gusto ko nang magsisisigaw.

Ngumiti siya nang kay-tamis at saka naman nagsalita pa ulit kasabay ng pagkamot niya ng ulo, "A... wala lang. Invite sana kitang kumain sa labas.

Bigla akong naistatuwa sa tanong niya. Bakit kung kailan nasa gitna kami ng maraming tao ay itatanong niya ito sa akin?

Scope and LimitationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon