SCOPE | VII

20 3 31
                                    

ALAM N'YO 'yong feeling na kahit napaka-mundane at typical ng mga nangyayari sa bawat araw ay may bagay ka pa ring ina-anticipate na mangyari. Hindi naman ito 'yong may UFO na lilitaw at saka ka i-a-abduct at dadalhin ka ng aliens sa ibang planeta, o kaya may matutuklasan kang cabinet at pagbukas mo ay dadalhin ka sa ibang dimension.

Sa araw-araw na pagpasok ko sa school ay para bang mayroon akong ina-anticipate. 'Yong bagong lessons ba na pag-aaralan namin? 'Yong panibagong kuwento ba sa akin nina Jeannie? Hindi ko alam.

Pumasok ako sa classroom na para bang naninibago. Para bang nawalan ng ingay? Of course, maingay pa rin ang buong klase habang paupo na ako sa upuan ko.

"Buti, wala pa ang mokong na iyon?" bulong ko sa sarili ko na dinig ko pa rin sa kabila ng ingay. Pero nakakapanibago lang... Usually naman ay nauuna lagi si Howell na pumasok kaysa sa akin. Oh, baka nauna lang ako sa kaniya.

Pero paglipas lang ng ilang minuto, wala pang Howell na nagpapakita. Papunta na kaya iyon dito? Baka na-traffic lang. As usual ay tuloy pa rin sa mga ginagawa nila ang classmates ko hanggang sa dumating si Miss Gomez.

"Howell," pag-a-announce ni Miss Gomez sa klase. Halos lahat ay nagbubulong-bulungan at nagtataka. Hanggang ngayon din ay may espasyo pa rin sa upuan ni Howell. Nasaan na ba kasi siya? Wow, kailan pa ako nagging concerned sa lalaking iyon?

Nagawi ang attention ko sa pagtaas ng kamay ni Gino.

"Miss, absent daw po siya ngayon. Nilalagnat daw po."

Oh, may sakit pala. Kaya pala ni anino, hindi ko maramdaman.

Tila humaba nga ang takbo ng oras habang umuusad ang klase-naging stationary-ayaw gumalaw at para bang nakababagot.

"Uy, miss mo na, 'no?" Sumabay pa itong pang-aasar ng katabi ko kaya ko siya sinimangutan.

Kay-aga-aga ba naman ay bina-badtrip niya ako.

"Ay, sus. Deny pa! Huwag mo akong madaan-daan diyan," pabulong pa niyang hirit sa akin habang nakikinig sa klase na naging dahilan pa para pagalitan kami ng teacher namin.

Sa paglipas pa ng mga oras ay mas naramdaman ko ang kawalan ng motivation. 'Yon bang robot na naubusan ng baterya? Bakit nga ba kasi ako nagkakaganito ngayon?

Doon ko lang na-realize na nakaka-miss pala ang kakulitan ni Howell. Nakaka-miss ang presensiya niya, sa totoo lang. Ang nakakainis pa ay kahit sa isipan ko ay ayaw niya akong lubayan. May pagkakataon ngang may isa akong napagkamalang Howell sa campus. Ganito na ba talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya?

---

Mag-isa na lang din akong kumakain ng lunch sa canteen na nayayamot. Kung kailan naman kasi wala si Howell, sumabay pa sina Jeannie at Claire na hindi available dahil may training sila for the press con. Napaka-lonely ng set-up ko tuloy ngayon.

"Hey, puwedeng makitabi?" Napatingala ako sa narinig at nadatnan si Laine na lumapit sa akin na may dala-dalang tray. Maaliwalas ang mga ngiti niya dahil siguro ang ganda ng love life niya ngayon. Naging conscious tuloy ako sa sarili ko ay napangiti rin sa kaniya nang napaka-awkward. E, sa ganda rin niya, nagmukha tuloy akong alikabok. Iba rin ang nagagawa ng love sa ibang tao.

Kahit hindi sure sa puwedeng mangyari ay sumagot pa rin ako, "Sure." At saka ko naman inalok ang katabing upuan ko.

"Bakit parang malungkot ka?" komento niya sa akin habang iniikot-ikot ko ang iniinom kong chocolate drink.

"Ay, bakit?" Napangiti akong nang kay-awkward.

"A, wala kasi si Howell." Inirapan ko na lang si Laine. Aba, may pagka-chismosa rin pala ang isang 'to.

Scope and LimitationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon