HOW TO uncrush someone? Papaano ba alisin ang feelings sa isang taong may iba nang gusto, tapos may probability pa na maging sila ng taong iyon?
As if parang magic lang na puwedeng mabura ang feelings mo sa taong iyon? Kung puwede lang na i-control ang feelings na ito, e. Aside sa palaging sumusulpot si Howell sa tuwing pumapasok sa school, sumusulpot din siya sa isipan ko every now and then. Akala ba nila, madali lang sa akin ito?
Busy namang nakikipagkuwentuhan ang Kuya ko at 'yong dalawa naming bisita sa may sala-sina Kuya Gil na kapitbahay namin at si Kuya Ezra na classmate ni Kuya Gil habang kumakain ng chips. Medyo nao-OP lang ako sa usapan ng tatlo, especially na college life nila ang pinag-uusapan nila.
Sana all talaga, chill lang sa buhay.
Napairap na lang ako sa sofa habang nagchichikahan sila sa may lapag. Makapag-cellphone na nga lang. Kainis.
Nag-browse na lang ako sa FB para ilabas ang stress na mayroon ako, kahit napaka-toxic din kung minsan ng mga lumalabas na news feed ko. Oo, kailangan man ng positivity sa buhay pero lumilingon din dapat tayo sa mga nangyayari sa society natin.
Habang tumitingin ay bumungad din sa akin 'yong isang picture na pinost ni Howell na may caption pa na: "Long message ahead, please take time to read."
Parang sinaksak naman ng kutsilyo ang puso ko pagkakita sa picture, siyempre picture iyon nina Marcie na kasayaw ni Howell na kinuhanan noong 18th birthday niya. They looked dazzling, lalo na at bagay kay Marcie ang sparkling blue gown niya. Habang si Howell naman ay napakaguwapo sa suot niyang gray na coat at naka-laid back din ang pagkakaayos ng kaniyang buhok.
Talagang kita sa mata ni Howell ang sincerity habang isinasayaw niya siya.
Siyempre, dahil masokista ako at gusto ko ang nasasaktan, binasa ko ang pagkahaba-habang caption ni Howell sa post niya.
"To my dearest Celine,
I will never forget that day-the day I witness your transition to adulthood. I would say I am a dire spectator of all of the trials, tribulations, joys, and success as you progress in this roller-coaster ride they called life. I am very proud of what you achieved right now, and it is a greatest honor to be part of your journey. All I can see in your astral eyes as we shared that dance on that night are dreams, aspirations, and beauty that lies underneath...
As a new chapter unfolds in your life, just remember that no matter how many people you will meet along the way, I will still be here by your side, as a companion-an ally-a friend."
Ang hirap talaga kapag 'yong taong gusto mo, umaasa rin sa iba. Ang hirap ng unrequited feelings, lalo na at isisiksik ko ang sarili ko sa puso ng taong alam kong never naman akong mapapansin at magugustuhan.
Bakit ba kasi ganito?
---
Ilang months na pala since lumipat kami rito sa Angeles, at nasanay na rin ako sa atmosphere ng lugar na ito, kahit nami-miss ko rin 'yong sariwang hangin, 'yong mga halaman, at ang mga familiar na face sa lugar namin sa Cavite. Pero kahit ganoon, naiibsan din ang homesickness ko sa mga taong nakilala ko rito at pinaramdam na welcome ako sa lugar na ito.
Dismissal, pero nag-decide muna akong tumambay sa library para dito tapusin ang isang assignment na pinagagawa sa amin. Maaga rin kaming na-dismiss dahil nagkaroon ng emergency. Kaya instead na umuwi muna ay mabuti nang dito ko na tapusin ang ibang assignments ko. Makapaghihintay naman ang K-dramas.
Siyempre, kasama ko si Howell na tinutulungan akong mag-solve kahit medyo magulo nga lang mag-explain ang isang 'to. Ewan, baka kasi nagmamadali. May lalakarin yata sila, ang sabi pa niya.
BINABASA MO ANG
Scope and Limitations
RomanceMahirap kalabanin ang namumuong nararamdaman para sa isang tao. Hindi mo malalaman kung papaano ka makaaahon kung patuloy kang nilalamon ng nararamdamang ito. Bukod sa mahirap itong alisin sa puso't isipan, walang kasiguraduhan kung masusuklian ito...