SCOPE | XIV

16 2 0
                                    

PAPUNTA KAMI ni Howell sa may auditorium para sa parang practice na gagawin para sa Talent Night right after school. Isang linggo na kasi ang natitira bago ang main event kaya todo na ang preparations na ginagawa naming mga committee para dito. May times pa ngang inaabot na kami ng gabi sa mga pa-dry run at pagsasaayos ng stage ng auditorium para sa gagawing event.

Kanina ko pa pansin na sobrang joyful ng aura ni Howell na parang masayang uod ang vibe magmula kanina. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain niya kaya naging ganito siya katuwa habang pangiti-ngiti nang walang dahilan. Sana all, motivated sa buhay.

Ang ipinagtataka ko lang din ay 'yong mga makahulugang ngiti nina Gino kay Howell. Wait, ano kaya ang mayroon?

"Guess what." In-approach niya ako habang papunta sa auditorium na medyo kailangang lakarin mula sa school building namin.

"Ano 'yon?" tanong ko naman nang may kuryosidad.

Pero hindi ko in-expect ang mga susunod na salitang maririnig ko na mula sa kaniyang bibig.

Naging seryoso siya saglit at saka natigilan sa paglalakad. "Umamin na ako kay Marcie."

Limang salita, pero parang natigilan din ako sa narinig. Bigla ring tumigil ang pag-ikot ng mundo ko at nakaramdam ng panlalambot ng mga paa ko.

"Oh..." Hindi ako makapagsalita nang maayos at nanginginig ang mga ngipin ko. Pero nagpaka-masokista na naman ako ulit dahil gusto pang malaman kung ano ang susunod niyang sasabihin.

"Nice, buti?" tanong ko habang sinusubukan kong panatilihin ang composure ko.

"Na-realize ko nang bakit ko pa sasayangin ang opportunity na iyon? Ayaw ko na rin namang grumaduate si Celine at aalis nang hindi ko nasabi sa kaniya na matagal ko na siyang gusto."

Napatingin siya sa akin, "Pero may chance naman daw ako sa kaniya." Habang patuloy siya sa pagdadaldal ay narito lang ako at nakangiti para sa kaniya kahit napipilitan lang.

"Like, may feelings din pala siya sa akin. Pero hindi pa siya ready makipag-commit." Para naman akong sinampal noong katotohanang iyon na narinig ko. Aangal pa ba ako kung ganoon? "May gusto na rin pala siya sa akin kahit noong una pa, pero naiintindihan kong ayaw niya munang i-entertain itong feelings niya, lalo na sa current state niya ngayon."

Mukhang too late na talaga. Wala na... wala na akong pag-asa para sa kaniya.

Ang galing lang na paglaruan ako ng lecheng tadhanang ito. Bakit ba nahuhulog ako sa mga taong may ibang nilalaman ang puso nila? Una, si Daryl, tapos si Howell naman ngayon.

"Willing to wait naman ako kahit ilang taon pa iyan. Gusto ko pa kasing grumaduate muna ng college bago ko pa siya suyuin talaga." Hindi ko na siya tiningnan through eye contact. Ayaw kong tingnan ang mala-tore niyang height, ang mestizo niyang balat, ang kaniyang mapupungay na mga pilik-mata.

"Sinabi ko naman na okay lang sa akin na mag-stay muna kami like way we were like before, sa kung ano ang mayroon sa amin hanggang ngayon. At least, I have the assurance, kaysa naman umasa ako sa wala, 'di ba?"

"Oo nga... good for you. Congratulations," iyon na lang ang sinagot ko bago pumasok sa loob ng auditorium.

Ang daya lang na kung siya, masaya at motivated tapos ito akong ampalaya habang tumutulong sa pag-set-up ng flow ng dry run ng event. Kita talagang ganado siya sa pagre-rehearse para sa special number nila habang ito naman akong nawawala sa focus sa mga pinagagawa sa akin.

Habang pinagmamasdan si Howell ay sinusubukan kong pigilan ang pag-iyak ko. Hindi naman kasi ito ang tamang oras para mag-emote at mag-drama. Ayaw kong masira ang beauty ko dahil lang sa mga nangyari ngayon.

"Uy, okay ka lang?" Bigla namang nakahalata si Niel na isa sa mga kasama kong class officer na from ABM. Inayos ko naman ang sarili ko ar saka ngumiti.

"Yes, okay lang. Medyo masama lang pakiramdam ko," pagdadahilan ko na lang. Kainis, papaano ko ba itatago ito?

"Please welcome, our very own class officers to give you a special number for this program," pag-a-announce noong mga emcee, signal na rin para magsimula nang mag-perform sina Howell kaya dumeretso na sila sa stage habang nasa backstage naman kaming ibang mga nag-o-organize at pinanonood ang mga kaganapan. May mga iilang estudyante rin na nanonood ng practice namin sa may ibaba ng stage.

Pagka-ready nila ay pinatugtog na ang speakers at saka nagsimula na silang sumayaw na ang music ay I Lay My Love on You ng Westlife.

Napakasuwabe ngang gumalaw ni Howell na nakaposisyon sa gitna. Papatayin ka talaga sa kilig sa killer dance moves niya. Palibhasa, magaling talaga siyang sumayaw at puwede siyang maging member ng isang dance group.

Sa sobrang talented niya ay sino ba ang hindi mahuhulog sa kaniya? Napakasuwerte nga ni Celine sa taong ito. Sa tuwing naaalala ko tuloy sila ay hindi maiwasan ang pagpiga ng puso ko.

Habang patuloy na pinanonood si Howell at ang kaniyang dance moves ay napatingin ako sa may harapan ng stage on my peripheral vision at saka ko nakita si Marcie na nanonood din pala sa harapan. Hindi maiwasan ng puso ko na madurog pagkakita sa kanila, lalo na 'yong gestures na ipinakikita ni Howell sa kaniya.

Sige pa, lokohin mo pa ang sarili mo, Lyra. Magdusa ka sa nakikita mo. Diyan ka naman kasi magaling, e.

Kaya ang ginawa ko ay bumalik na lang sa backstage at iniwasan na lang sila. Ayaw ko pa namang tumakas lalo na at may pinagagawa pa. Kainis. Nakakainis talaga.

Bumalik ako malapit sa backstage para panoorin naman ang performance nina Geneva at Karl na dalawa sa mga magpe-perform. Si Karl ang pianist habang si Geneva naman ang kakanta ng On My Own na version ni Lea Salonga. Kompleto pa with costume ni Eponine ang suot ni Geneva habang nagpe-perform.

Pero habang pinakikinggan ko ang pagkanta niya, parang inaatake ako ng bawat linya ng kanta niya. Feeling ko ay medyo naka-relate ako sa lyrics. 'Yong tipong ngayon lang nagme-make sense sa akin 'yong lyrics ng kanta mula noong una ko siyang napakinggan.

"And I know it's only in my mind. That I'm talking to myself and not to him."

Hindi ko maiwasang isipin si Howell at 'yong ako lang ang mag-isang nagkikimkim nitong feelings ko para sa kaniya. Hindi siya mawala-wala sa isipan ko kahit wala sa kaniya ang puso ko at na kay Celine naman ang kaniya.

"I love him, but only on my own..."

Ang hirap lang na ako itong nasa sulok, nag-iisang nagmamahal sa kaniya nang hindi niya nalalaman.

-30-

Scope and LimitationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon