KINABUKASAN DIN ay nag-start na ang training namin for the quiz bee. Every after dismissal ang training namin, kaya medyo nakaka-sad lang na hindi ko mapanonood 'yong K-drama series na sinusubaybayan ko.
Habang kanina pa ako nagkakamot ng ulo sa yamot sa sinasagutang questionnaires ay todo dada naman itong kasama ko sa loob ng library. 'Yong totoo, wala bang salitang "silence" sa bokabularyo niya?
Parang ako na tuloy ang nahihiya para kay Howell. Kinakabahan na nga ako at baka masita kami ng librarian at paalisin kami. Saan kaya kami pupunta nito?
Nag-focus na lang ako sa pagsagot sa napakaraming questions na nasa photocopied questionnaires na provided sa amin ni Miss Gomez. Medyo mahihirap nga lang ang mga tanong, lalo na at halos hindi pa namin nadi-discuss from junior high ang mga tanong na nakalagay.
Halos mga under general knowledge ang mga sinasagutan namin na parang galing pa nga sa mga college admission test ang items.
We were given 40 minutes to answer all of the questions under three categories: Math, Science, and English. Pero siyempre, inuna ko na 'yong pinakamahirap sa lahat-'yong Math na halos kaltukin ko na ang ulo ko sa pagsasagot ng Trigonometric equations. Partida, wala pa ako sa part two and three, pero mukhang mauubos na ang oras ko sa Mathematics.
"Eureka, Howell! Ang galing mo talaga," bulalas nitong si Howell habang tuloy-tuloy lang sa pagsagot. I peeked on his paper at napakabilis nga niya at patapos na siya sa Mathematics section na sinasagutan niya rin ngayon.
"Ano, Lyra the Hobbit, buhay ka pa ba diyan?" tanong pa niya na mas nagpapakla ng aking mood. Hobbit pala, a?
Howell never fails to make me pissed.
Hindi ko na nga napigilan ang sarili ko at nagwika, "Puwede, sumagot ka na lang? Hindi ka nakakatulong." At iyon, tumiklop ang unggoy at nagpatuloy na lang sa pagsagot.
Ang ipinagtataka ko na nga lang, sa kabila ng kadaldalan niya ay as nauna pa siyang makatapos kaysa sa akin. Ang mas nakagugulat pa ay naka-perfect pa siya sa sagot niya. Oh, well... matalino naman kasi si Howell; lagi kaya siyang active sa klase lalo na kapag nagpapa-recitation ang teachers namin. Magaling din siya sa reporting, Math wizard pa! Kung puwede lang sanang hiramin ang utak niya nang matapos ang sinasagutan ko.
Mukhang namali yata ng pagpili si Miss Gomez sa mga isasabak sa quiz bee.
"Alam mo, Lyra, chicken lang ang contest na ito. I can handle this in no time," may pagka-arogante pa niyang satsat kaya inirapan ko na lang siya. Gusto ko pa sana siyang i-correct na dapat "we" ang gagamitin niya at hindi "I", pero mukhang self-centered at conceited ang unggoy. Pumupuro na talaga ang isang ito, naku!
Ayos na sana kung matalino or magaling siya, pero 'yong kahanginan niya, iyon ang bawas-bawasan niya. Nakakabwisit lang kasi.
"Okay. Sabi mo iyan." Umirap na lang ako at saka nauna na lang. Bahala na talaga siyang mag-isa niya.
"Huwag kang mag-alala, hindi naman kita sasapawan," sabi pa niya saka ini-snap ang kaniyang mga daliri. "Because you will never, ever beat me."
"A, gano'n? E 'di, ikaw na," sabi ko.
"Besides, alam ko na rin namang talo ako. E, sa pahanginan, first place ka na. Ano pang laban ko?" pagpaparinig ko. Nakakainis ang isang ito. Hindi ko hangad ang competition pero nakakainis ang mataas na confidence sa sarili ng isang ito. Lumakas tuloy ang hangin na sumabay pa sa pagkulimlim ng kalangitan.
"Peace lang, ikaw naman," sabi pa niya sabay ngiti nang nakaloloko. "'Wag kang hot diyan, Lyra."
"Mauna na ako, a? Magre-review pa kasi ako," pagsinghal ko sabay ngiti nang may kaplastikan sa kaniya at saka na lang iniwan ang mokong at lumabas ng gate. Nagbabadya na rin ang malakas na pag-ulan.
BINABASA MO ANG
Scope and Limitations
RomanceMahirap kalabanin ang namumuong nararamdaman para sa isang tao. Hindi mo malalaman kung papaano ka makaaahon kung patuloy kang nilalamon ng nararamdamang ito. Bukod sa mahirap itong alisin sa puso't isipan, walang kasiguraduhan kung masusuklian ito...