SCOPE | IV

21 3 30
                                    

LUNES, PANIBAGONG araw naman sa panibagong linggo. Wala namang masiyadong nangyari sa mga nakalipas na oras except sa iilang quizzes at announcement ng mga gagawing assignment. Compared talaga sa JHS, iba ang stress level na ibinibigay nila. Isabay pa ang quiz bee sa nagpadagdag ng responsibility ko bilang isang estudyante.

Kung noon, aligaga akong umuwi sa amin every dismissal, parang mas gusto ko pang mag-stay sa school para sa training namin ni Howell para sa quiz bee. Na-realize kong exciting din pala ang magsagot ng questionnaires. Maximum effort din ang kailangan namin, lalo na at sa Friday na ang competition. Ang bilis pala ng mga pangyayari.

Habang kinukuha ang mga libro ko sa may cubby hole sa dulo ng mga upuan bago lumabas, napansin ko ang pagkumpol ng mga tao at parang nagkaroon ng commotion. Na-curious ako at tiningnan kung ano 'yong mga nangyari.

Umagaw ng atensiyon ko si Daryl na papunta sa isa sa mga pintuan ng classroom namin at nilapitan si Laine na naglalakad papalabas. Wait, ano ang nangyayari?

"Sandali, Laine!" pagpipigil niya sa kaniya. Napatigil naman si Laine at napatingin kay Daryl.

"May ipakikita akong trick sa iyo," ang sabi pa ni Daryl sa kaniya at saka naglabas ng malaking panyo.

"I'm not prepared for this, pero sana, magustuhan mo." Naglabas siya ng panyo sa kaniyang bulsa. Pagkatapos ay iwinasiwas niya ito at sa isang iglap lang ay naging bouquet ito ng mga makukulay na bulaklak.

I already expected what happened next, pero pinanood ko pa rin habang parang tinutusok na ng sandamukal na karayom ang puso ko.

"Laine, puwede ba akong manligaw sa iyo?" Nagsimulang mangatog ang mga tuhod ko noong marinig ang mga sinabing iyon habang kasama ang maraming mga tao sa loob ng classroom. .

Natigilan naman si Laine sa mga pangyayari, at sa time na iyon, umaasa akong... sana, sana ay humindi siya. Ang sama ko naman, kung ganoon.

Pero ilang segundo lang ang lumipas, pagbuka ng kaniyang bibig ay mas nangibabaw ang tuwa sa kaniyang mukha sabay sabi ng, "Yes." Overwhelmingly pa nga niyang tinanggap ang bouquet at nasaksihan ko nga kung paano tingnan ni Laine si Daryl. "Yes!"

Habang umaalingawngaw ang malakas ng hiyawan ng mga kaklase ko sa mga nangyayari na para bang nanonood sila ng isang romantic film, saksak naman sa puso ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan sila.

Isang pelikula nga ang nangyayari ngayon, pero imbes na ako ang bida, ako 'yong side character na witness sa love story ng dalawang bida. At ako pa 'yong side character na may gusto sa bida, pero hindi rin pala na-reciprocate ang feelings ko sa bandang huli.

Asyumera nga ako ng taon. Iba pala sumampal ang reyalidad, ano? Sa gitna ng hiyawan at overjoy ng mga kaklase ko, pasimple na lang akong tumakas papalabas ng classroom. Iniwan ko na lang din si Howell na busy rin sa panonood sa romantic scene na para bang na-achieve na nina Daryl ang kanilang sariling happily ever after.

Ang galing lang. Ang galing ng pagkaka-align ng tadhana.

Naglakad ako papalayo habang pigil na pigil sa pagluha na anytime ay bubuhos na. Nakakawalang-gana tuloy magpunta sa practice.

Umumpo na lang ako sa may kalapit na building ng classroom namin at doon nag-moment. Iniyakap ko ang mga tuhod ko habang nagpapaka-sentimental.

Habang nagpa-flash sa utak ko ang mga nangyari, na-realize ko... na-realize kong bagay talaga sila.

Ano ba'ng karapatan kong makaramdam nito? Ano bang karapatan kong umiyak? Ang mag-drama? May karapatan ba akong umasa kay Daryl?

Scope and LimitationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon