PROLOGUE

50 4 22
                                    

PROLOGUE

Is it possible to fall in love to someone you just met in your dream?

What if that someone is just next to you? What will you do?

I'm here in the park, sitting on a bench while watching the sun go down.

Nag-decide akong lumabas to unwind. I just want to rest for a while.

I want peace of mind.

I closed my eyes and felt the peace embracing me.

Napabuntong hininga ako.

"Nakakapagod ang umintindi ng paulit-ulit," bulong ko sa sarili.

I felt a cold wind touches my skin. Napapikit ako sa lamig at kasabay non ang pagyakap ko sa sarili.

Then I felt someone sitting beside me. Marahan akong nagmulat ng tingin but I didn't bother to take a glance on him just to know who he is, I just don't mind. As long as he's not bothering me it's fine for me.

But it took few minutes after ng maramdaman kong may inilalahad siya sa akin. I lowered my gaze to see what it is, a jacket. Nangunot ang noo ko at doon na ako tuluyang napatingin sa kanya.

I was stunned for a couple of seconds.

"Hey?" He said while waving his hands.

"O-Oh I-I'm sorry," I said in embarrassment.

Damn! Hindi ko man lang namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya.

"Nah It's fine. I know I am that handsome to make you stare at me," he said with a smirk on his face.

I was shocked by what he had said.

Seriously?! Nanliliit ang mga matang tinitigan ko siya.

Nagpakawala siya ng isang matipid na tawa.

"Hey! I was just joking," he chuckeled "But on behalf.." pambibitin pa nito "it's obvious," then he winked.

Muntikan na akong mabulunan. "Hindi ko akalain na may nilalang pala ang Diyos na ganito kahangin," bulong ko sa isang tabi. Ngumiti na lang ako pag kaharap sa kanya.

Hindi niya siguro narinig kaya hindi siya nag react.

Iiling-iling nalang akong pinagmasdan ang lubog nang araw, medyo madilim na rin ang paligid.

"Hey, take this." he said as he break the silence at inabot niya ulit yung jacket sa akin.

Tinignan ko ng ilang segundo ang jacket at tumingin uli sa kanya. Ngumiti ako bago magsalita.

"I don't usually borrow on someone who's a totally stranger to me. Thank you but I'm fine, Mister." I said na diniin pa ang pagkakasabi sa uling kataga.

He suddenly looked at his side and it looked like he was saying something.

"Maganda ka sana kaso mataray," he whispered.

"Hey, are you saying something?" I asked with confusion.

"Nothing, wala akong sinasabi what I mean is..." kakamot-kamot sa ulong sabi nito na hindi na magawang dugtungan ang sasabihin.

"I thought you were saying something na mataray ako."

He was shocked na napatakip pa ng bibig niya and I just looked at him with my eyes saying anong-nakakagulat-sa-sinabi-ko?

"Nakakaintindi ka ng tagalog?!" inabot na ng semana santa bago siya magsalita ulit.

"Obviously," taas kilay na sabi ko "Anong akala mo sa 'kin?" Mukha bang galing ako sa ibang planeta para hindi makaintindi?  Nailing nalang ako sa naisip.

"Pinahirapan mo pa akong mag english-english marunong ka naman palang mag tagalog," he said and suddenly punched me not so hard in my right arm.

Nagulat ako sa ginawa niya.

Bigla ba naman niya akong suntokin ng mahina sa braso na parang matalik na kaibigan ko ang isang 'to?! Close kami?! Close?!

Kapal ng mukha. Parang namang close kami kung makasuntok siya sa braso ko!

Tinignan ko na lang siya sabay sabing..

"Anong pake ko? Sino ba naman kasing nagsabing mag-english ka?" mataray kong sabi.

"Aba! Malay ko bang marunong ka mag tagalog," may halong pagka irita sa tono ng pananalita niya.

"Oh tapos?"

"Langya yan! Wala naman kasi sa mukha mo na marunong ka magtagalog," Then he suddenly laughed and I just stared at him.

Parang sira naman 'to. Parang kanina lang naiirita siya tapos biglang tatawa.

Baliw na ata 'to? Kung dalhin ko na kaya siya sa mental? Tingin niyo? Dali sagot!

Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya. 

May itsura din ang isang to 'di maitatanggi na gwapo nga siya. 

Hindi ko na naman namalayan na tumigil na siya sa kaka tawa. Bigla ay pinamulahan ako at napatingin sa ibang direksyon.

Tumingin siya sa 'kin ng nakangiti at binibigay ulit ang jacket.

"Kunin mo na 'to halata naman kasing nilalamig ka na kanina pa," at napatingin siya sa brasong nakayakap sa akin kanina pa.

Marahan kong kinuha na lang ang jacket para tumigil na siya.

"Thank you." I said ng makuha ko na ang jacket.

He just gave me a genuinely smile.

Inabot ko nalang ang jacket at sinuot para tumigil na rin siya mangulit.

When I finally wore the jacket I just stared on the sky. Lumalalim na ang gabi. Pero wala pa rin akong balak umuwi. Pumikit ako para damhin ang simoy ng hangin kahit malamig ang ibinubuhos nito masarap pa rin sa pakiramdam.

"Zien... Zienebea. My name is Zienebea." I said out of no where. Minulat ko ang aking mga mata at nakita kong nakatingin na siya sa 'kin.

"I'm--"

He was about to say his name when suddenly...

"Zienebea?" rinig kong pagtawag sa akin ng pamilyar na boses.

Marahan kong iminulat ang aking mga mata.

Sa pag mulat ko, hindi ko maiwasang mapangiti ng tuluyan kong makita ang kanyang mapupumangay na mata at walang kupas na kagwapohan na kailanman ay hindi ko magagawang pagsawaan.

The man of my dream.

I thought, my dream will always be just a dream. But then, he came to my life.

He became the dream of my life.

"I love you." I muttered.

DREAMWhere stories live. Discover now