C H A P T E R 10

1.8K 65 20
                                    

---

I'm in the kitchen. Nagluluto ako ng sinangag para kainin ngayong umaga para almusal. Zach is in my room, taking a bath because he said he's going somewhere but won't be long.

"Smells good but unhealthy," he appeared in my back. "Wala akong pake, gutom ako," pagdedebate ko. Bumuntong hininga lang siya at tinulak ako ng mahina at ginawa ang trabaho ko.

He's on his office attire pero nasira ang image niya at naging chef. Napagdesisyunan kong umalis na lang sa kusina at magtungo sa sala para manuod ng Phineas and Ferb. Ilang episodes din ang napanood ko nang may humatak sa akin papuntang kusina.

In the table there were my cooked sinangag, egg and hotdog, a salad again, and a pancake with nutella I think? "Ano 'to?" I asked referring to the pancake which I'm not really sure if it has nutella in it.

"Oh that? A French Crepe. They really are delicious gaya ng gumawa sa kanila," sambit niya at kumindat pa habang nilalagyan ang plato ko ng sinangag at itlog. Kasunod non ay tinaas-baba pa ang mga kilay niya.

"Does that mean na maki-creep out ako kapag kinain ko 'to?" I tried to sound shock and he just gave me a bored look.

"Next joke please," aniya at umaktong humihikab. "Nakakatawa kaya 'yon." I rolled my eyes at him.

Nagsimula na akong kumain at siya din ay sinamahan ako sa almusal. Nauna siyang natapos at kinuha ang mga gamot ko at kumuha rin ng isang basong tubig.

"Thanks."

Inayos ko na ang pinagkainan namin at hinugasan 'yon. "Ako nalang diyan, you might stress yourself," pagboboluntaryo niya and I chucked. Why is he treating so delicately of me out of nowhere?

"Kaya ko naman. Nakabihis ka na at baka mabasa pa yang suot mo at ano ka ba, this won't give me a single sweat ano."

Matagal niya pa akong tinignan at bumuntong-hininga. "Fine."

Tinapos ko ang paghuhugas at natagpuan siya sa malaking salamin at inaayos ang sarili niya. I approached him and gave him a hand.

"Let me help." Inagaw ko ang necktie sa kaniya at inayos ito habang siya naman ay tumitingin lang sa mukha ko.

"Staring is rude," I chuckled. "Who's staring at whom?" aniya at bumaling sa salamin, acting so innocent like he did nothing.

I just chuckled as he kept on staring at me. "You can be a good wife someday," he commented. Napatingin ako sa kaniya na hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Marunong lang magtali ng necktie, good wife na agad? Isa pa, wala rin naman akong plano mag-asawa," natatawa kong saad at agad naman siyang sumagot.

"Kahit ako pa na isang poging doktor at poging nilalang ang magiging asawa mo?" Inayos niya pa ang buhok niya at nag-pose gaya ng sa mga models sa magazine.

"Kahit alien pa yan, wala akong planong mag-asawa. Ikaw pogi? Saang banda ba? At nilalang? Hindi ko nga alam kung tao ka nga ba talaga." Mas natawa pa ako habang sinusuri ang mukha niyang walang ni anong emosyon sa mukha.

I halted when he didn't utter a word and received his stares. He grabbed me and owned my lips to which I didn't want to respond but failed when he pinned me slowly to the wall.

REMEMBER (R SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon