C H A P T E R 42

920 17 0
                                    


---

I was brought back to present time with a heavy head after the long reminiscing of the past I had. Dawn entered Avani's hospital room and spoke, "Na process ko na ang bills for this hospital then bukas na daw ililipat si Ma'am sa hospital niyo," aniya nang maisara ang pinto.

My wife survived. Pagkatapos akong suntukin ng ama niya ay dali-dali silang pumasok sa E.R. at umiyak ng todo dahil sa flat line na nakalagay sa monitor at sa tahimik na mga nurses at doktor. Nanghihina akong pumasok sa loob at parang mababaliw na nakatulala sa walang buhay na katawan ng aking asawa.

Tinawag ko ang lahat ng Diyos sa langit para sana ay humingi ng himala nang biglaang umiyak ang ina niya at napadapo nanaman ang kamao ng ama niya sa pisngi ko at walang tigil na sinisisi ako sa nangyari sa anak nila. Inawat nila ang galit na galit na Mr. Andreo ngunit hindi ito nagpatinag. Walang pigil ang pagsuntok niya sa akin at nagpasalamat ako nang humina ang lakas niya at hindi nagtagal ay tumigil na.

Parang himala na dininig ng mga Diyos ang panalangin ko ay napasigaw ang ina ni Avani sa gulat nang makita ang monitor na bumalik sa dati nitong umaalon na linya. Labis na na-alarma ang mga taong naroon at hindi makapaniwalang nagsasagawa ng check up kay Avani kung tunay ngang tumitibok na ang puso niya at nakumpirma ngang nabalik si Avani na labis na ikinasaya naming lahat.

"Salamat Dawn," I smiled and she just gave me a nod at tumungo sa tabi ng amo niya. I took my phone out my pockets and sent a message to my mother.

To: Mother knows best🙆
Mom, will you and Dad please take good care of Stella for me? Kahit sa ngayon lang po.

After sending that text, I received a call from her. I excused myself out of the room and took the call. I tried as best as I can to sound fine even if I'm not just to not make her worry about me. "My son, don't worry about Stella. Kami na ng Dad mo ang bahala sa kaniya, si Avani ang alalahanin mo," she spoke to the other line.

"Opo, thank you mom," I replied with a smile. I'm grateful having this kind of mother, she really is the best. "Zach darling, I know na sinisisi mo ang sarili mo sa mga nangyari. Stop blaming yourself okay? It's nobody's fault," she added.

I tried to absorb everything she said and told myself that it is indeed not my fault but Avani's parents came inside the room that made me change my mind in an instant.

"Nandito ka pa pala," ani ng ama ni Avani na ikinayuko ko. "Andreo, he's still our daughter's husband. Umayos ka nga," pagtatanggol ni Mrs. Lia sa akin mula sa galit niyang asawa. "Tss," he threw a disgusted look at me as they took their way towards their daughter's side and mesmerized her beauty behind the tubes on her face.

Napatingin ako sa asawa kong mahimbing na natutulog. Sana ay maawa ang Diyos at nang magising na siya para naman hindi lang ako kundi kaming lahat ay makapagpahinga na sa kakaisip sa kalagayan niya. Kahit anong pilit ko mang isaisip ang sinabi ng ina ko na hindi ko kasalanan ang nangyari, at the end of the day ay naghahari pa din ang mga masasakit na salita ngunit katotohanang pinagbibintang ng ama ni Avani na ako nga ang may kasalanan ng lahat ng ito.

Another set of flashbacks...

"Sa tingin mo ba magugustuhan niya 'yon?" tanong ko sa katabi kong si Trevin na sinamahan ako sa isang jewelry shop para bumili ng promise ring na ibibigay ko kay Avani bukas sa araw ng graduation niya. We've been a couple for a year now and I am dedicated to marry her when time comes.

The day of the graduation came and the awardees felt roller coaster of emotions with what they've been through after years of studying. "Steele, Avani C," saad ng facilitator sa microphone at napuno ng sigawan at palakpakan ang paligid nang umakyat sa stage si Avani. "Woohoo!!!" walang pigil naming sigaw habang malakas na pumapalakpak at panay ngiti naman si Avani na kinukunan ng picture ni Trevin.

REMEMBER (R SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon