-30- Us

92 7 0
                                    


Lumipas ang anim na araw ay wala na akong maayos na balitang narinig. Wala si Adria sa mansyon, ayon sa mga kasambahay ay sumama daw ito sa chopper na sinakyan ng ama nung gabing sinabi ni admiral na tutungo ito sa Manila. Dahil doon ay wala na akong ibang mahihingan ng balita maliban sa telibisyon na limitado lamang sa impormasyon. Ni hindi nalaman ng media ang nalaman ko sa opisina ni admiral.

Pumapasok ako sa trabaho na wala sa sarili. Ilang beses din nasita sa mga meeting dahil hindi ako nakikinig. Kapag nasa opisina naman ako ay TV o cellphone ako nakatutok.

Saturday nung hindi ako lumabas ng aking kwarto at nakaabang lamang sa telebisyon. Napasok na ng militar ang mga apektadong probinsya. Kasama na sa mga operation ang Navy at Airforce kaya unti-unting nababawi ang nasakop na probinsya. Narescue na din ang karamihan ng mga pamilyang naging hostage ng mga rebelde pero hindi maiiwasan ang patuloy na pag taas ng bilang ng mga namatay, militar man o civilian.

Gusto kong malaman kung anong nangyari sa mga  sundalong unang rumisponde pero walang naibabalita. May inatasan akong magmanman sa mansyon ng mga Carvajal sakaling makabalik na sina admiral pero walang balita hanggang ngayon.

Nakakabaliw, bakit ba sobrang apektado ko? Bakit hindi siya mawala sa isip ko?

Ipinakita sa TV ang listahan ng mga namatay na sundalo, iyon ang pinaka-kinatatakutan kong balita. Sa bawat balitang ipapakita ang ang pangalan ng mga bagong dumagdag sa listahan ay para akong mabibingi sa takot. Hindi ko alam kung ikakagaan ba ng damdamin ko kapag matapos isalaysay ang mga pangalan ng mga bayaning dumagdag sa listahan ay wala doon ang pangalan niya.

Umiwas ako ng tingin nung sumunod na ipinakita ang mga bagong labing nadala na sa Manila. Labing anim lahat iyon, lahat napatungan ng watawat ng Pilipinas. Andun din ang pangulo upang damayan ang apektang mga pamilya. Makakaya ko bang makita ang mga labi niya kung sakaling isa siya sa mga nasawi? Matatanggap ko ba iyon?

Suminghap ako at napapikit. 

Isang mahinang katok ang narinig ko. Hindi na nito hinintay na pagbuksan ko ng pinto. Tipid ang ngiti ni Gia.

"You look terrible Aio" Bumaling ito sa TV, commercial na iyon. Hindi ako kumontra nung patayin niya ang TV.

"Akala ko ba may lakad ka ngayon, dinner right?" kinuha niya ang tray at mga natirang pagkaing inakyat ng maid kanina.

Gusto ko siyang irapan, alam niya ang pag-uusap namin ni Silas noong nakaraang linggo at ang kasunduang dinner. Paano niya nasasabi yan gayong alam niya na nasa Mindanao at walang kasiguraduhan kung buhay pa yung ka-dinner ko dapat ngayon?

"He is here you know? Nasa baba at susunduin ka daw"

"Hindi nakakatawa" basag ko. Inabot ko nalang ako kabubukas na chips.

"Okay, so should I tell him to leave? Dahil abala ka sa pag bantay jan sa TV nag-aabang ng balita tungkol sa kanya? Or should I just ask him to come here so you'll believe me?"

Natigilan ako ako sa pag nguya, ibinaba ang hawak na bag ng chips. 

Nagpakawala siya ng malalalim na buntong hininga "He's safe Aio, parang hindi nga sumabak sa gyera. Go and see for yourself"

Mabilis akong umalis sa kama para bumaba sa living room. Iniwan ang hawak na chips sa dala niyang tray.

"Aio magbihis ka muna!"

CHASING YOU By LewisDaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon