-35- Alive

99 5 0
                                    

"T-tita" nanginig ang mga labi ko pagkabiglas ng mga salitang iyon. Mabilis din ang pag labo ng paningin at nag-unahan ang mga luha. Tipid siyang ngumiti at itinaas ang mga kamay para sa isang yakap. Walang anomang nilapitan ko siya para yakapin. Mahigpit, mainit at may hindi maipaliwanag na saya ang naramdaman ko nung sa wakas ay mayakap ko na si tita. Sinubukan kong pigilin ang iyak pero hindi ko na napigilan nung kumawala ang mahihinang hikbi hanggang sa humagulgol na ako.

Ramdam ko din ang pag-iyak ni tita pero pinanatili parin nito ang pinong galaw at matapang na pustura. Matapos ang ilang minutong nakayakap ako sa kanya ay siya na mismo ang kumawala. Ngumiti siya at pinunasan ang mga luha ko.

"Tita ikaw ba talaga yan?"

Tumango siya at muling ngumiti. Pinunasan din niya ang mumunting mga luha saka ako tinitigan.

"Yes, this is me Amara. I've been dying to meet you. I can't believe you're in front of me now." muling pumatak ang mga luha niya.

Tiningala ko siya at tinitigan ang mga pagbabago sa mukha. Mula sa kaliwang panga pababa sa leeg ay nasunog ng apoy. Bumaba rin ang paningin ko sa kanyang mga kamay na nakahawak sa aking mga pisngi. Umabot din ang peklat hanggang sa kanang kamay niya. Ang kanyang magandang mukha ay gaya parin ng dati pero halata ang iilang parteng dumaan sa operasyon.

Sumikip ang dibdib ko matapos makita ang mga iyon. Her skin used to be so soft and flawless. Kinaiinggitan pa namin noon iyon ni Gia dahil kasing puti ng gatas at kasing kinis ng balat ng sanggol.

"Tita" hindi ko napigilan ang muling pag hagulhol matapos pasadahan ng tingin ang kabuoan niya. Hindi ko pa nakikita ang kabuoan ng pinsala sa kanya ay nanghihina na ako. Specially that I know how beautiful it was years ago.

"Oh, Aio" muling yakap niya sa akin para patahanin.

"It's just a scar honey. I'm okay now. What's important is we both survive. Thank you, thank you for surviving" bulong niya habang mahigpit ang yakap sa akin.

Emosyonal ang pag-uusap namin ni tita. Ni hindi ko masabing nag-usap kami dahil puro iyak at yakap ang nangyari. Hindi ko magawang magsalita dahil inuunahan ako ng mga hikbi. Ang dami dami kong gustong sabihin sa kanya, andami kong tanong pero hindi ko mabigkas.

Hinayaan niya akong kumalma, niyakap lamang niya ako hanggang hindi ko namalayang nakaidlip pala ako. Nagising akong komportableng nakasandal sa sofa. Una kong nasilayan ang bodyguards ni tita na nakatayo hindi kalayuan ko. Sa malaking bintana ay nakatalikod si tita habang may kausap sa cellphone.

"Yes, will I expect the papers tomorrow?"

"Good. Thank you, attorney"

Matapos ibaba ang cellphone ay bumaling ito sa bodyguard.

"He will be released this Friday. Huwag niyong hayaang makauwi pa iyon sa pamilya niya" walang emosyong wika ni tita.

Inayos ko ang pag-upo, may konting tuwang naramdaman ngayong naririnig at nasisilayan kong muli kung gaano kastrikta si tita. Tumikhim ako para ipaalam na gising na ako. Bumaling sa akin si tita, hindi na ako nagulat na kahit makita ako ay hindi parin nabago ang walang ekspresyon niyang mukha.

Somehow, natutuwa ako na sa kabila ng nangyari kay tita ay sobrang ganda parin niya. I'm sure she's been to multiple surgeries but this was already her face years ago. She didn't age for a bit!

"Good thing you're awake. I was just about to leave." She said.

Kumurap ako saka mahinang tumango. Tumango din siya saka lumapit sa akin. Nakatitig ako sa mga sapatos niyang papalapit sa akin.

" I arranged a dinner for us later. We still have a lot to discuss hija. I hope you're emotionally prepared by then?"

Tumayo ako at tumango.

CHASING YOU By LewisDaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon