-15- Faces

101 6 0
                                    

Dalawang araw ang pinalipas namin bago ako pinayagang pumasok ni Silas. Kung noon ay sa labas lang ako ng gate ibinababa ni Silas sa tuwing hinahatid niya ako, ngayon ay literal na sasamahan ako nito hanggang sa labas ng classroom. Napapayoko nalang ako dahil sa mga matang nakatingin sa amin. Nakasalubong pa namin si Mrs. Torres, yung instructor na pansamantalang pinalitan ni professor Robles sa hallway. Kinausap siya ni Silas at dahil naka-akbay sa akin ang huli ay nagtanong ang guro.

"Naghatid lang ng asawa ma'am, nagpupumilit pumasok eh" pabirong sagot niya pero halos matunaw ako sa hiya!

To my surprise the old woman actually smiled! That was the first I saw her smile! Kinakatakutan nga itong gurong ito sa sobrang sungit at strikto pero ngayon makikita ko lang na kaya pala siyang pangitiin nitong si Silas?

Bumaling sa akin si Mrs. Torres, bumalik yung masungit at mataray niyang paningin.

"Hindi ko alam may asawa ka pala Aio"

"Ayaw niyang gamitin ang apilyido ko ma'am"

Siniko ko si Silas para itigil niya ang biro niya.

"Nagbibiro lang po siya ma'am" ngiti ko na hindi manlang niya sinuklian.

Napalingon kaming tatlo nung may tumawag kay Silas. Isa sa mga instructors din iyon mula sa ibang department.

Nag-angat ng tingin si Mrs. Torres kay Silas. "Sa klase nila ang tungo ko, mapapanatag ka ba kapag ako na ang makasabay niya hanggang sa unang klase niya? Mukhang mangangamusta si Mr. De Guzman, magsisimula na ang klase ni Aio"

Tumango si Silas saka bumaling sa akin. "Susunduin kita mamayang hapon"

Tumango ako saka sumunod kay Mrs. Torres. Walang nagsalita sa amin habang binabaybay ang mahabang hallway. Mas lalong naging awkward iyon nung may mga nakakasalubong kaming iilang estudyanteng bumabati sa kanya pero hindi manlang niya sila binalingan. Sasagot lang ng "good morning" pero diretso parin ang tingin.

Natigil ako nung tumigil ito sa paglalakad saka tumingin sa malawak na soccer field ng eskwelahan. Wala akong nagawa kundi tumigil din at tumingin sa malawak na field.

"The history always repeat itself" she said after.

"Ma'am?"

"Ilang taon na ako sa lugar na ito Ms. Del Valle. Sa ilang taon na iyon ay tatlong generasyon na din ang nasaksihan ko."

Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin kaya nanatili akong tahimik.

"Our name is one of the basis to determine the clan we came from but sometimes, looks are much more reliable to identify who we are. You look exactly like her, you can't hide the blood of the Monreals in your veins miss Del Valle"

Mapalunok ako at kumurap pinipilit na manatiling kalmado.

"M-ma'am?" Pag patay malisya ko.

Ngumisi siya saka tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad habang ako ay nanatiling nakatayo at nakatingin sa malawak na field.

Hindi ko kailan man inakala na ang isang gurong ni hindi binabalingan ang mga tao sa paligid ay siyang nakakapansin sa mga pinakamaliit na bagay.


***

"Dapat lang sa kanya iyon, pati iyong si Aio. Dahil ginusto nilang madikit sa mga Carvajal, nararapat lang na madamay din sila. Nakikinabang din naman sila"

Mabilis ang pag baling ng mga mata ko sa grupo ng mga babaeng masasabi kong sinadya talagang lakasan ang pinag-uusapan para magparinig. Katatapos lang ng huling klase ko sa umaga at ngayon ay iiwan ang mga libro ko sa locker bago tumungo sana sa cafeteria para sa lunch.

CHASING YOU By LewisDaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon