-25- Project

91 6 0
                                    


Ten months had past when I decided to go back to La Hermosa. Noong mga naunang buwan  kinailangan ko pa ng panahon para mas tatagan ang sarili bago muling harapin ang mga taong naiwan ko sa La Hermosa. Pero habang lumilipas ang mga buwan ay napagtanto ko na gaano man katagal kong iwasan ang La Hermosa ay hindi ang tagal ng panahon ang makapagbibigay sa akin ng tapang upang muli silang harapin. Ngayon ko man sila harapin o sa susunod na taon ay pareho parin ang pangambang mararamdaman ko.

Mas madali siguro kung nagawa kong gawing bato ang aking puso. Na hindi ako nagpadaig sa aking emosyon. Nagpunta ako ng La Hermosang balot ang aking puso ng galit at poot pero umalis ako doon na malaya pero wasak ang puso. Nagawa kong maipakulong ang mga nagkasala sa aking pamilya pero kapalit nun ang panibagong sakit na aking kikimkimin.

"I don't want to tell you this but you have to go back to fix all the assets and properties your family left you. Your family lawyers had been contacting you for months now" si Gianna.

Isinara ko ang laptop at bumaling sa kababalik lang na si Gianna. Gagraduate na siya ngayong taon sa kursong Mechanical Engineering. Kasalukuyan lang nitong tinatapos ang pagiging apprentice sa isang malaking construction company.

"Naayos na ni Atty. Alvar ang mga properties ng pamilya mo na iniwan sayo dito at sa labas ng bansa pero kailangan mo paring bumalik sa La Hermosa para asikasuhin ang mga naiwang lupain. Ang ekta ektaryang plantasyon niyo ay ilang taon nang naabanduna. Sa tagal na walang lumalabas na tagapag mana ay kung sino sino nalang ang nag-ari, nagsitanim at nagpatayo ng mga barong barong sa lupain niyo."

"Alam ko iyan Gianna, at nakapag desisyon na din ako na sa susunod na linggo ay babalik ako sa La Hermosa" sagot ko.

Ibinaba niya ang hawak na kape.

"You're going back?"

Tumango ako saka tumayo.

"The house I prepared is done. Wala sa katiting ng laki ng aming mansyon pero moderno at may sapat na laki para sa atin. Eight bedrooms is enough right?"

"You're going back... alone?" wika niya na hindi pa makapaniwala sa una kong pahayag. 

"Isasama ko si Atty. Alvar at maghahire ng ilang maids." dagdag ko upang bigyan siya ng panahon upang paniwalaan ako. 

Matagal niya akong tinitigan bago muling sumimsim sa kanyang kape. Inayos din ang bumabang eyes glasses at nilagay sa likod ng tenga ang nakawalang buhok. Napangiti ako dahil matagal na din nung huli ko siyang makitang ganito ang ayos. 

Only people who are very close to her can see this side of her. Simple, messy but still very pretty. Nitong mga nakaraang linggo ay sobrang busy niya kaya kapag nasa bahay lang siya ay hindi na siya nag-aayos at nagkukulong lang sa kanyang kwarto abala lalo pa't papalapit na ang kanyang graduation. Lumabas lang ito ngayon para mag kape pero babalik ulit sa kanyang kwarto maya maya. 

She nodded like she finally understood what I'm planning to do. 

"Hire body guards too, titignan ko kung magagawan ko ng paraan upang mapayagan akong mag leave kahit ilang araw lang para masamahan kita pabalik"

"Hindi na Gia, papalapit na ang graduation mo."

"Hindi kita hahayaang mag-isang humarap sa mga Carvajal"

There she said it. Sa una palang ay iyan ang pareho naming iniisip. Kung ang pag-aayos lamang ng mga naabandunang mga ari-arian namin ay madali lamang gawin iyon. Pero kaakibat ng pag-aayos ng mga iyon ay ang muling pagharap ko sa mga Carvajal.

I ignored her and opt to switch the topic. Binuksan ko ang aking nakalapag na laptop at hinanap ang lumang business proposal na nakuha ko sa mga files ni tita noon.  

CHASING YOU By LewisDaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon