-18- Blame

95 6 0
                                    


"Simon Madrigal?" Gusto kong matawa sa nalamang balita. Sumandal ako saka binuklat ang ang laman ng envelope na iniabot ni Gianna.

Si Atty. Simon Madrigal ang ama ni Deo, dating kasintahan ni Zorina Carvajal, may-ari ng isa sa pinakamalaking Law Firm sa bansa at kilala bilang abogadong nagpakulong sa ilang matataas na tao sa bansa. Ang katotohanang ito sa pagkatao ni Deo ay nanatiling lihim hanggang ngayon.

"Nahirapan kami sa pagkumbinsi pero kahapon lang ay kinumpirma niya ang pagtanggap sa kaso ng mga magsasaka."

Mahinang tumango ako.

"Does he know? That it was me?"

Umiling si Gianna "Hindi Aio, iyon ang huling baraha ko kung sakaling tanggihan niya ang kaso. Mabuti at hindi naman kailangang ipaalam sa kanya kung sino ka"

My auntie Shiva trust this Simon more than anyone. Kaya siya ang napili kong abugado, maliban sa koneksyon niya sa mga Carvajal at galing niya bilang abugado ay malaki din ang tiwala ni tita sa kanya.

"I guess he accepted the case because he is one of the few people who knows the Carvajals. We're almost there Aio"

Ang mga binigkas niyang iyon ay nagbigay sa akin ng kakaibang takot. Takot at sayang pinaghalo, hindi ko akalaing posible palang makaramdam ng ganon.

Yes, we're almost there.


***

As expected, nag-alburoto sa galit si Zorina Carvajal nung malaman na si Atty. Madigal ang hahawak sa kaso ng mga magsasaka. Ayon kay Gianna ay nagwala daw ito at nagsisigaw sa mansion, nagbasag ng mga gamit at kung hindi lang dumating ang anak ay baka maging mga taga silbi sa mansion ay napagbuntunan din nito ng galit.

Laman na naman ng balita ang pamilya Carvajal dahil sa ipinaglalaban na lupain ng mga magsasaka. Pinaunlakan din ni Atty. Madrigal ang pag-interview ng mga media at nagbitaw ito ng salita na gagawin niya ang lahat para maibigay ang lupaing para sa mga magsasaka. Dahil sa reputansyon ni Atty. Madrigal at mga naipanalo nitong kaso laban sa makakapangyarihang mga tao ay maraming naniniwala na mayaman man at makapangyarihan ang mga Carvajal ay mananalo parin ang mga magsasaka.

"Iwasan mo muna ang pag labas sa skwelahan at baka maulit ang nangyari sa cafe. May mga inilagay na kaming tao sa skwelahan niyo para hindi kayo malapitan ng mga rehelista. Tawagan mo ako agad kung nagkaproblema " bilin ni Silas habang binabaybay namin ang highway patungo sa skwela.

"Yes Silas, ako na ang bahala kay Adria" sagot ko.

He glared at me.

"Hindi lang si Adria ang inaalala ko dito Aio."

I sighed.

"Alam ko ang ginagawa ko okay? Hindi na mauulit ang nangyari noon sa cafe." Dahil sino ba ang may kagagawan ng lahat ng ito? Sino ba ang nagplano lahat ng ito?

Umiling na lamang ito at inabot ang kamay kong saka inilipat sa kanyang hita.

"And no boys too"

"What? Anong boys?"

Sinulyapan niya ako "I may not be with you all the time but I know what you're doing and who you're with when I'm not around Aio"

Hindi ako nakasagot. What?

He skillfully park the raptor, ni hindi ko namalayang nasa school na pala kami.

"Pinapasundan mo ba ako?"

Humalakhak siya saka umiling.

"Sinong boys? Mga kaklase ko lang naman ang nakakausap ko"

"Boys, I mean all boys Aio"

CHASING YOU By LewisDaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon