-10- House

108 7 0
                                    

Sa excitement sa dala niyang mais ay mabilis kong inabot iyon upang dalhin sa kusina.

"You should rest, you can eat that later"

Nagkusa si Silas na i-steam ang ilang piraso ng mais nung nagpumilit ako. Ibinigay daw iyon nung matandang tinulungan namin sa palengke bilang pasasalamat. Totoong kahapon ko pa gustong makakain ng mais kaya hindi ako kumontra nung sinabi niyang lulutuin niya iyon.

Binuksan ko ang TV, sa kakasearch ng magandang palabas ay nakahanap ako ng movie na mapapanood.

"What? Mais ang substitute ng popcorn" sagot ko in a defensive tone. Naubos ko na kasi ang tatlong mais habang siya ay kalahati palang ang nakakain sa hawak na mais.

"You really like sweet corn?"

"Who doesn't?" sagot ko saka muling kumuha ng isa pa.

"Akala ko masama ang pakiramdam mo?"

Tumango ako "Pero medjo okay na nung naidlip ako sa byahe"

He smirked at that. Habang kumakain ako ay nag ring ang cellphone niya. Matapos sagutin iyon ay nagpaalam siya at may mga aasikasuhin pa raw.

Nung makaalis naman siya ay binalikan ko ang mga documentong kinunan ko ng litrato. Tumagal ang mata ko sa nakunan last will ng namayapang Romolo Carvajal. I zoomed it to double check if what I just read was right. At totoo iyon!

Romolo Carvajal is the father of Admiral Arbner Carvajal. Nakasaad sa last will nito ang total of ninety- five percent ng ari-arian ng mga Carvajal ay ipapamana sa mga anak nitong sina Abner at Zorina Carvajal, habang ang natitirang five percent na purong lupain ay mapupunta sa mga pamilya ng mga tapat at mga nanatiling magsasaka sa lupain ng mga Carvajal. May mga naka-saad na pamilya ng mga magsasaka doon. Lahat ng mga pamilyang nanilbihan sa plantasyon at umabot ng apat napong taong tapat sa mga Carvajal ay mabibilang sa mga makakatanggap ng karampatang lupain.

I know how big the land of the Carvajals. Five percent of their properties is not a joke!

Kung tama ang kalkula ko ay mahigit apat na pong taon na ang nakalipas, wala akong nababalitaan na binahagian ng mga Carvajal ang mga magsasaka ng lupa. Siguradong malalaman ko iyon kung sakali!

"I will send you a copy of a last will and I want you to check if this is real. It's a last will of late Romolo Carvajal stating that he is giving part of his land to all loyal farmers who worked under the Carvajals for forty years."

"Okay, I'll wait for the documents" she responded. Matapos ibaba ang cellphone ay muling kong binalikan ang last will. Kahit ilang beses kong basahin iyon, iyon parin ang nakasaad sa huling habilin ng matanda.

Napailing ako, kung totoo ito ay malaking alas ito para mamantsahan ang malinis na pangalan ng mga Carvajal sa probinsya. Klarong iyon ang nakasaad at mahigit apat na pong taon na ang nakalipas.

***

Nangyari ang mga posibilidad na sinabi sa akin ni Silas. Isang araw palang ang nakakalipas matapos ang auction na kinabilangan ng painting ko ay mas umingay pa ang tao hindi lang sa social media kundi sa mga national news. Ilang araw na iyon ang laman ng balita at hanggang ngayon ay hindi parin mabawasan ang mga reporters na gustong makakuha ng statement galing sa akin.

CHASING YOU By LewisDaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon