-8- Corn

102 6 0
                                    

Isa sa mga napiling isasama sa exhibit na sasalihan ng school ang Face of Shiva. Gusto pang isama ni Mrs. Ignacio yung portrait ni Adria pero tumanggi kami ni Adria dahil una palang ay nagkasundo na kami na hindi iyon isasali kahit pa mapili ng school.

Habang binabaybay ang daan patungo sa resort kung saan gaganapin ang exhibit ay inaaliw ko ang sarili sa pagkamangha sa mga naglalawakang lupain ng mayayamang ankan ng probinsya. The fields were planted with either root crops, rice, coconuts, corn, tobacco or field for livestock production.

"Kuya, sino pong nagmamay-ari ng malawak na plantansyong ito?" napansin ko kasi na tila wala nang katapusan ang napakalawak na bukid na puno ng palay at iba't-ibang mga tanim. Ang mga nadaanan namin kaninang mga taniman ay kapansin pansin pa ang hatian ng bawat lupain. Ngayon ay mukhang iisa ang may-ari.

Saglit na nilingon ako ng tricycle driver.

"Mga Carvajal po ma'am. Maliit lang na parte ito ng lupain nila. Ito lamang ang nakikita dahil ito ang malapit sa highway."

"Maliit na parte?"

"Kapag sa kabilang highway ma'am, makikita doon ang papasok sa lupain nila. Aabot pa iyon hanggang sa kabilang probinsya"

Napangisi ako sa narinig, naalala ang impormasyong pinadala ng aking investigator tungkol sa kasalukuyang mga ari-arian ng mga Carvajal. Bakit pa ba ako magtataka gayong alam ko naman na na sila ang nag mamay-ari ng pinakamalawak na plantasyon sa buong probinsya? At Abra lamang ang pinag-uusapan dito, hindi pa kasama ang lupain nila sa mga ibang parte ng rehiyon.

"Pati nga itong highway ma'am kasama sa lupain nila noon. Idinonate lang para makatulong sa ikauunlad ng probinsya. Dati, nung wala pa itong highway bumabalik pa kami sa centro bago makarating sa Palispis. Ngayon, pwede nang dumiretso sa iba't-ibang baranggay na hindi bumabalik sa centro."

I was caught of guard. Nagbibiro ba siya? I know a powerful family who owns a huge land in Tarlac. Their land was also affected for the development of expressway that connects three regions of Luzon. But they didn't donate their land, they sell it!

Hindi lang siguro well informed itong si manong. Paanong idodonate ng mga walang pusong mga Carvajal ang parte ng ekta-ektaya nilang lupain?

Nagpatuloy ako sa pagtanaw sa walang katapusang patag na lupain. Humina ang pagpapatakbo ni mamang driver nung marating namin ang isang barangay. Humalo kami sa mga bumabyahe ding mga tricycle. Habang dumadami ang kasabayang tricycle ay parami nang parami din ang tao. Palengke na ata tung dadaanan namin. Sa gilid ng mga pwesto ay napasin ko ang isang matandang may dalang karitong naglalaman ng patong patong na mga sako ng mais. May kasama itong dalawang bata. Kausap nito ang isang matabang lalaki na nagtitinda ng mga iba't-ibang klaseng mga gulay.

"Kung gusto mo sa kabilang barangay mo yan ipagbili. Masyadong mataas ang gusto mong presyo" dinig kong wika ng mama sa matanda.

Hindi ko sana papansinin iyon nung makita ko sa side mirror ng tricycle ang pag hawak nung matanda sa kamay nung lalaki, umayaw ang huli at itinulak pa ang matanda. Suminghap ako sa nasaksihan, dinaluhan nung dalawang bata ang lolo nila para tulungang tumayo.

"Kuya pakihinto po"

"Bakit, may bibilhin ka neng?"

"W-wala po, pero dito na po ako bababa. Eto po yung bayad, buo parin po yan"

Hindi na umangal yung tricycle driver at umalis.

"Kinse pesos ang kada kilo niyan sa bagsakan lolo. Mapalad ka at kukunin ko yan ng bente pesos"

Mabilis ang paglapit ko sa matandang kakatayo lang. Bumaling ako sa suot nitong pudpod at hindi magkaparehang tsinelas. Ang mga paa nito'y puno ng putik na nagsisimulang matuyo. Ang pantalon ay kupas at may butas sa tuhod, puti man ang tshirt ay hindi na iyon masasabing puti dahil sa halo halong dumi at mansta sa damit. Ganon din ang damit ng mga bata, yung isang bata ay hawak hawak pa ang isang tsinelas na napigtas.

CHASING YOU By LewisDaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon