-40- Witness

105 3 0
                                    

Tita and I went back to La Hermosa the next morning. Muntik pa kaming mahuli dahil tulog pa kami parehas ni Silas nung may kumatok sa pinto ko. Napabalikwas ako dahil nagkalat pa ang mga rose petals at tunaw na kandila sa floor. It's easy to throw Silas to the other room but how the hell will I be able to explain the mess if tita enters my room?

Mabuti nalang at bodyguard lang iyon na nautusang gisinging ako. Pinahatid din ni tita ang breakfast sa room ko dahil maaga daw kaming aalis. Sa takot na baka biglang pumasok si tita sa room ko ay nilinis ko na ang mga kalat sa floor maging ang naset-up na candlelight dinner, nilipat ko sa kwarto ni Silas lahat. Bahala nang magtaka yung mga staff kung bakit nalipat lahat sa kabilang kwarto.

Ginawa ko ang lahat ng iyon habang yung asawa ko'y tulog na tulog parin sa kama ko. Ewan ko ba jan, nagising naman na siya kanina pero ayaw paring bumangon. Pero nung pumasok ako shower ay sumunod siya. Sabay kaming naligo at kung saan na napunta. I went out of my room, pushed him back to his room and checked-out like nothing happened.

The next day, nagimbal kami dahil sa balitang naaksidente raw si Zorina Carvajal! Habang pinapanood ang local news sa TV binalingan ko si tita para makita ang reaction niya. Hindi siya nakatingin sa TV, parang walang pakialam sa nangyayari.

I am not blind not to see her envolvement, I have suspicions but I don't think tita can do those things.

Namatay yung mga tauhan ni Victoria, ngayon ay naaksidente naman si Zorina. Ayaw kong isipin pero hindi ko maiwasan, narinig ko noon na kausap ni tita ang tauhan niya.

"He will be released this Friday. Huwag niyong hayaang makauwi pa iyon sa
pamilya niya"

That was her exact words before to her men. Was it just a coincidence that one of Victoria's men was released from the jail that time but was found dead on it's way home?

Now Zorina, the investigators are not convinced that it was an accident.

"Kasalukuyang nasa ospital ang dating alkalde at nagpapagaling" huling salaysay ng reporter.

Tita raised her tea cup "Oh, she survived?"

Napalunok ako sa sinabi niya. Sana lang, sana ay mali ang mga iniisip ko.

Limang araw matapos ang aksidente ni Zorina, wala pang isang linggo ay pinuntahan kami ng mga pulis. Ang sabi ay may nagtangka sa buhay niya habang nasa ospital! Nahuli ang suspect at si tita ang tinuturong master mind!

I didn't know what to do, I was worried for tita but scared that it might be true. Still, I called tito Simon to send us a lawyer. Tita wasn't detained, nakauwi din sa parehong araw si tita matapos sagutin ang mga tanong ng mga pulis.

Nakausap ko na din si Silas kung anong nangyari kay Zorina, mga tauhan pala niya ang nakahuli sa suspect. Good thing Zorina is safe, she's now in their mansion recovering.

Few days after, investigators found out that someone intentionally cut the break of her's Zornina's car. Iyon ang dahilan kung bakit sila bumangga.

I was devastated the whole week. Gustong gusto kong kausapin si tita pero wala akong lakas ng loob na magtanong. Handa nga ba ako sa sagot kung sakaling tama ang mga hinala ko?

Gia came back to La Hermosa after hearing about the accusations to tita Shiva. Hindi ko alam ang estado ng relasyon nila ni Deo ngayon pero alam kong ipinagtanggol niya si tita sa mga Carvajal.

Dahil doon ay umurong ang mga nabuong hinala ko kay tita. Ako pa na pamangkin niya ang komokwesyon sa kanya? She said she has nothing to do with it. I should believe her right?

CHASING YOU By LewisDaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon