-49- Oath

144 6 2
                                    

"You want him to enter military?!"

No way!

"Baby, he is the first born Carvajal"

"Wala akong pakialam sa first born first born na yan! Hindi magsusundalo ang anak ko!"

Hindi pa siya pinapanganak isinusulat na ni Silas ang kapalaran niya!

"I won't force him. We'll give him a choice"

"Wala akong tiwala sa choice choice mo na yan. Sa pananalita mo palang parang wala na siyang choice kundi sumunod sa yapak mo! Lalaki siya pero mas gugustuhin ko pang humawak siya ng make-up brush kesa humawak ng baril!"

"Fuck! He won't be a gay!" He said like I said something offensive.

"Paglalaruin ko siya ng mga barbie para bata palang mamamatay na yang pangarap mong ipasok siya sa military. At hindi Quince ang itatawag ko sa kanya kundi Apple" pairap kong sabi.

Bigo niya akong tinignan. Parang niyurakan ko ang pagkatao niya. Tumingin siya sa tiyan ko saka sa mukha ko. Tinaasan ko siya ng kilay para hamunin. Kita ko ang pag lunok niya.

"Aio.."

Gusto ko nang matawa pero pinipigilan ko dahil gusto kong makita ang reaction niya sakaling hindi maging straight ang anak namin.

Kung sakaling mangyari iyon, wala paring magbabago sa pagmamahal ko sa magiging anak namin. Buong buong parin at poprotektahan ko siya mula sa mga taong manghuhusga sa kanya.

Nakabalik na kami ng resthouse, ngayon ay parehas kaming nag-aayos para sa check-up ko.

Pinag-uusapan namin ang mga plano niya para sa future. Ngayon palang ay naaawa ako sa magiging anak namin, andami niyang expectations, andami niyang pangarap para sa anak namin na tingin ko'y mahirap abutin. He want our child to enter military just like him, paano kapag hindi iyon ang gusto ni Q? It will only hurt the both of them.

Kaya ngayon ay pinipigilan ko siya sa mga pangarap niyang iyan. Kung sa kanya nga halos mabaliw ako nung hindi namin siya macontact nung nadeploy siya sa Mindanao paano pa kaya kapag anak ko?

"Mabuti nalang at naisip mo ang pangalan na iyon. It means apple, and apples are sweet. Bagay na bagay!" pang-asar ko.

"Let's think of a second name. It should be manly, yung mariring mo palang lalaking lalaki" parang ngayon lang niya naisip ang ipekto ng pangalang naisip niya. Lihim na napangisi ako.

"Bullet, Quince Bullet" he stated.

Hindi ko na napigilan ang pag-irap. Nagawan pa talaga niya ng paraan! Magaling!

"Bakit hindi nalang Calibre, Rivolver o di kaya Pistol ang ipangalan natin noh?"

He didn't react on my sarcastic comment.

"Saka baka may alam kang paraan para mapigilan yun. Hindi pa naman siya lumalabas. Baka may alam kang ritwal?"

Itinago ko sa plastik na ubo ang tawa ko.
Now he think that I really have a socery blood huh?

"Well.. I'll ask tita Shiva kung may ipinasa sa kanya ang mga ninuno namin na ritwal ni Malia"

Nagkatinginan kami at parehas na bumunghalit ng tawa.

I can't believe we are laughing it out now.

Nung kumalma na kami pareho ay kumuha ako ng mga damit para pamilian. Lumapit siya sa akin, nakaharap ako ngayon sa salamin naghahanap ng kakasyang damit.

"This will look good on you" itinapat niya sa akin ang sky blue na maternity dress. Kinuha ko iyon at humarap sa salamin. Inilapag ko muna ang dress sa kama para matitigan ang aking kabuong repleksyon.

CHASING YOU By LewisDaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon