MS: 5

3.7K 181 2
                                    

''Shia! kaklase ko yang mokong na 'yan.'' inis na wika ko.

May balat ba sa puwet si Cy kaya minamalas ako! Inhale, Exhale. Mahal ko ang mga pader kaya di ko susuntukin ang mukhang pader na ito.

''Oh, Hi Lucien.'' napatingin ako naman kay Cy nang binati niya si 'Lucien' kuno.

'' Kilala mo yang mokong na 'yan?'' tanong ko kahit obvious naman na kilala nya, binati nga niya diba.

''Yes, sya ang class president natin.'' sagot niya, kung sa minamalas nga naman.

Inis akong umupo sa tabi ng upuan ni Cy, nakakabwisit naman oh. Nilibot ko ang mga mata ko sa section na kabilang ako at ngayon ko lang na realize na... nakatingin sila lahat sa akin at... kami lang ni Cy ang babae dito, ALAI WA!

Sinusubukan ata ng pagkakataon ang pasensya ko, pwede bang enough muna. Kakasimula ko lang ngayon oh, nagpapaka-good girl na nga ako eh.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang isang lalaking naka salamin na nakatingin sa gawi ko. Akmang magtatanong yung lalaking naka salamin, gwapo siya actually, ngunit bago pa siya makapagtanong ay pumasok na ang aming Prof.

''You're a tranferee, right?'' tanong ng aming Prof, tumango naman ako bilang sagot.

''Kindly introduce yourself, Miss.'' utos nito sa akin.

''Cyra Solana. call me Cyra and not Solana, hope you understand THAT.'' tipid na saad ko, ayaw kong tinatawag akong Solana, tanging pamilya ko lang ang pwedeng tumawag sa akin nun.

Pagkatapos kong magpakilala ay lahat lang sila nakatingin sa akin si Cy lang ang tanging naka ngiti, actually mukha siyang ewan.

''Please to meet you. I'm Mr. Salvador, welcome to my class.'' may kakaiba akong nararamdaman sa Professor na to.

''Do you have any questions regarding to your new classmate?'' tanong nito sa mga kaklase ko, nilibot ko ulit ang aking paningin upang bilang kung ilan ba kaming lahat. Labing-dalawa sila at kung kasama ako ay Labing-tatlo na, may something talaga sa section na 'to.

''What's your question, Mr. Haizen.'' bumalik ako sa wisyo, gusto ko ng umupo tapos may magtatanong pa.

''Do you have a boyfriend?'' rinig ko tanong nito.

''Meron.'' sagot ko, muntik na akong matawa sa reaction ni Cy, alam nya naman kasing NBSB ako.

''Me, I have a question.'' si Mr. Mahangin yun.

''When will you leave this section?'' malamig at walang emosyong tanong niya.

''Maybe, kapag grumaduate na ako.'' binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

''You better get lost, Ms. Solana.'' Solana? this bast*rd.

''I said I didn't want to be called Solana, didn't I?'' nginisihan nya lang ako, ito na naman siya sa ngisi niya.

''Hmm, Despite you being the class president, you're quite so stupid no?'' dagdag ko pa na nagpabago ng ekspresyon nya, sa akin ang huling halakhak Ferrer.

''Miss that attitude, Sol.'' bulong ni Cy sa akin ng makaupo na ako.

Nagsimula ng magturo si Mr. Salvador sa harap, di ko pa rin maiwasan na magtaka, bakit ang konti lang namin at bakit parang kanina lang ay flirty pa si Mr. Mahangin sa akin ngayon parang may galit na. What if may disorder pala siya.

My SymphonyWhere stories live. Discover now