MS: 13

2.1K 118 1
                                    

Mag-iisang linggo na kaming magkakasama-sama. Minsan na ring bumisita ang NVB girl. Maayos na rin ang nagiging kondisyon ni Cyrill, bumalik na siya sa dati.

Ngunit hindi talaga ako tinigilan ng mokong na iyon sa mga sunod na araw, talagang ipaparamdam niya na crush nya talaga ako. Ako nalang bigla magugulat sa mga sinasabi niya out of nowhere. Ang consistent nya sobra, ako naiiyak na sa kahihiyan. Kasi kahit sa harap ng mga tao sinasabi nya talaga.


''I really like you.'' ito ang laging bumubungad sa umaga ko.

''I know.'' iyan naman ang lagi kong sagot.

''Breakfast is ready.'' saad nito at bumaba na.

Inayos ko muna ang sarili ko at sinundan bumaba na rin. Naamoy ko na agad ang masarap na almusal. Ito ang gusto ko bumubungad sa akin, ganito kasi si mommy laging pinoy dish ang almusal namin. Kami kasi ni Cyrill, bihira lang na may magluto sa amin. Puro kami order then yung left overs yung minsan na almusal namin.

''Morning, sino nagluto?'' bungad ko sa kanila ng makalapit ako.

''Me!'' si Haizen ang sumagot.

''Talagabah!'' asar ko dito kasi alam kong hindi ito marunong magluto.

''Me.'' napatingin naman ako sa nagsabi nun.

''Marunong ka palang magluto, hehe.'' saad ko sabay kamot ng ulo.

Si Lucien ang nagluto ng breakfast namin. First time niyang magluto. Laging si Zamiel ang nagluluto o di kaya si Zaven. Parehas kasi ang mga magulang nila na may-ari ng isang restaurant.

Umupo na ako at nagsimulang kumain. Habang kumakain ay nagbukas ng topic si Lavine.

''Malapit na ang valentines, inaasahan nila na may booth tayong gagawin. Ang alam ko lahat ng department ay may booth na. Ano kaya ang atin.'' panimula nito.

''Tutal puro naman kayong lalaki at may bayad yun diba para makaexperience yung anong meron sa booth. Sa tingin ko bubumugin tayo kung 50 Pesos sa Hug. Kumbaga Hug booth.'' suhestyon ni Cyrill na nagpalukot ng mukha nilang lahat.

''May pera, pagod naman dadanasin namin.'' reklamo ni Haizen.

''Edi ano kayo dun?'' tanong nito.

''Manager tapos Sub Manager lang.'' pagmamalaki kong saad.

''Unfair ha, walang gender quality.'' pagrereklamo ulit nito

''Bakit, gusto nyo ba ihug kami ng mga kalalakihan at kababaihan, kaming dalawa ni Cyrill.'' takang tanong ko.

''No way!'' lahat kami napatingin sa nag asik noon, si Cassian at Lucien.

''Ehem, nakakahalata na ako ha.'' saad ni Haizen at pinaninkitan ng mata ang dalawa.

''Shut up!'' pagapatahimik ng dalawa kay Haizen.

''Seryoso, anong booth natin?'' pagtatanong ulit ni Lavine.

''Marriage Booth?'' suhestiyon ni Haizen.

''Yuck, badoy bro.'' katyaw ng lahat.

''Edi don't'.'' kunyaring pagtatampo ni Haizen

''Cheek Kiss booth.'' suhestiyon na naman ni Haizen.

''Jejemon ka ha, gusto mo lang ikiss si ano eh.'' asar ni Zaven.

''Ni no??'' agarang tanong namin ni Cyrill tila sabik na sa chismis.

''Wala.'' inis na tanggi ni Haizen

_____

''60 pesos for 30 second!''

In the end, wala silang nagawa at 'Hug Booth' nalang ang ginawa nila. Less stress na rin kasi sarili lang nila ang need.

Sunod sunod ang pagpunta ng mga kababaihan sa booth namin, yung iba ay isang libo na ang dala basta unlimited daw. Mabilis naman kaming tumanggi alam naming ayaw yun ng boys.

''Miss, isang libo kapalit ni Papa Lucien.'' kilig na kilig na saad ng babae sa harapan ko, pinagtaasan ko naman ito ng kilay.

''Too Low, and not for SALE.'' mataray kong saad.

''Damot mo naman miss, Girlfriend ka ba ha!? Girlfriend ka.'' inis na turan nito.

''Oo.'' taas noo kong saad at nilapitan si Lucien na dinudumog na ng mga kababaihan.

''Boyfie.'' wika ko dito.

Natigil naman ang lahat dahil sa sinabi ko.

''BOYFIE!'' sigaw ng lahat.

My SymphonyWhere stories live. Discover now