Pinagpabuti muna namin na huwag munang papasukin si Cyrill.Nagtungo ako sa NVB upang ipaalam sa kasamahan namin ang nangyari at upang tulungan kami matunton ang gumawa sa amin nun.
Nabalitaan namin na nakatakas daw ito. Ang huling balita sa akin ni Mommy ay matapos dumating ang mga pulis ay agad itong nahuli dahil nakahilata nalang ito sa lapag at nanghihina dahil sa natamo. Pagkatapos noon ay wala na kaming balita.
''Kumusta na si Cyrill, Sol.'' bakas sa mukha ni Haizen ang pag-aalala.
''Wag kang mag-alala, maayos na ang kalagayan niya.'' sagot ko.
Hindi ko pala sinabi sa kanila ang totoong nangyari, ang alam lang nila ay may sakit ito. Napapansin ko na sa tuwing si Cyrill ang pinaguusapan namin ay napapatingin sa gawi namin si Cassian. Bagay naman sila isang OA tapos Nonchalant. Perfect Combo. Kung kami kasi ni Lucien, di perfect both Nonchala--WTF bakit ko ishiniship ang sarili ko kay Lucien!!
''Gusto ko sana siyang bisitahin.'' paalam ni Haizen na nagpatingin sa lahat ng kaklase namin.
''Sama kami!'' sigaw nilang lahat.
''Kuya Nikolai.'' tawag ko lumingon naman ito.
''Isasama ba natin sila.'' sabay turo sa mga nilalang ng liwanag at dilim.
''Sige lang, mukha namang gustong gusto na ring makita nung isa diyan si Cyrill eh.'' saad ni kiya na may halong pang-aasar.
''That's not true.'' Lahat naman kami ay napatingin sa nagsabi nun.
''WALA NAMAN KAMING SINABI NA IKAW!'' nahahalata kana Cassian ha.
''Tsk.'' sabay irap niya.
____
''Guys, wag muna kayong pumasok ipapaalam ko lang kay Cyrill na nandito kayo.'' saad ko sa kanila at pumasok a loob ng bahay.
Pagkatapos pala ng klase ay agad kaming dumeretso sa bahay. Halos lahat sumama, including si Cassian na tila napipilitan pero bakas sa mukha ang pagkasabik na makita ang aking kaibigan.
Nang makapasok ako sa loob ay natanaw ko si Cyrill na nakaupo sa may sofa. Nilapitan ko ito.
''Cyrill, nandito mga kaklase natin. Gusto mo ba silang makita, payag ka bang bisitahin ka nila.'' maingat kong tanong dito.
Nilingon ako nito at bahagyang tumango. Limitado lang ang pagsasalita nito tila ba may pumipigil sa pagsasalita niya. Parang bumabalik yung nga oras na nung nagising siya pagkatapos ng aksidente at isang buong taon itong hindi nakapagsalita dahil sa trauma.
Lumabas naman ako upang sabihin sa kanila na maaari na silang pumasok. Isa isa naman isang nagsipasukan, unang lumapit kay Cyrill ay si Haizen.
''Cycy, kumusta kana, miss ko na kulitan natin at yang pagmumukha mo.'' may halong biro na saad nito pero makikita mo sa mata niya yung pag-aalala.
Lumingon lang sa kaniya si Cyrill, nagpakita ito ng isang maliit na ngiti. Dahil doon ay kumunot ang noo ni Haizen, tila ba alam niyang may mali.
''B-bakit hind siya nagsasalita.'' may halong takot at pag-aalala sa boses ni Haizen.
''Akala ko ba lagnat lang, hindi naman nakakapag pipi ang lagnat ha.'' dagdag pa nito, nagawa pang magbiro kahit nararamdaman na niya na may mali na talaga.
''What really happened.'' rinig kong saad ni Cassian with his voice showing concern.
Lumingon naman ako sa gawi nila Kuya, tumango sila indikasyon na pinahintulutan akong sabihin ang totoong nangyari.
''Nakita na niya siya.'' panimula ko.
''Sinong siya ang tinutukoy mo?'' tanong nila.
''When we were five years old, Cyrill and I got kidnapped.'' kita ko sa mata nila ang gulat ngunit hindi sila nagsalita at hinayaan lang akong tapusin ang sinasabi ko.
''They tortured us for three days, beating us, slapping us, you name it.'' pagtutuloy ko.
''The kidnapper demanded a ransom of one billion for our release. However, that one billion was only for one child. I was the first to be rescued, unaware of what was happening due to the torture we endured. We were tortured for three days without food.'' nararamdaman ko na ang pamumuo ng luha sa mata ko.
''When our parents found out that only one child was worth one billion, they fought back. Cyrill's parents were shot, and she witnessed everything because she was conscious during those days, witnessing how her parents died.'' tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.
''Isang taon siyang hindi nakapagsalita dahil sa trauma. Nung araw na yun ang alam ko ay nahuli yung gumawa, kaso nabalita ko na nakawala ito at recently nagpakita ito kay Cyrill.'' huling saad ko.
Lahat kami napatingin dahil bigla nalang inangat ni Cyrill ang kamay niya habang nakaturo sa isang direksyon, sinundan namin iyon at nagulat namin sa nakita namin. Nandun siya... nakatingin sa amin nakasuot ng maskara, kalahati lang ang nakikita sa mukha niya tanging bibig lang nito ang nakikita at nakangisi ito sa gawi namin. Mas lalo kami natakot ng inangat nito ang kamay gumawa ng isang movement, pinadausdos nito ang daliri sa sariling leeg.
''Nandito na siya.'' may panginginig na sa boses ko.
May dumaan na isang sasakyan at isang iglap lang nawala na ito sa pwesto niya kanina.
''Hindi na tama ito. Hindi na ligtas, kayo lang dalawang babae ang naririto sa bahay at alam na niya kung saan kayo naroroon.'' seryosong saad ni Kuya Dristan .' 'Hindi sa lahat ng oras na nasa tabi nyo kami.''
''Dito muna kami.'' lahat ay napatingin kay Haizen.
''Kung papahintulutan ninyo, tutulong kami upang maging ligtas ang dalawa. Para sa gayon ay kung may umalis na isa ay hindi mawawalan ng bantay ang dalawa.'' paliwanag nito.
''Mabuti nga kung ganun. Marami namang kwarto ang bahay na ito. Mas mabuti na rin na may kasama silang lalaki.'' saad ni Kuya.
''Kukunin lang namin ang mga gamit namin. Nakatira kaming lahat sa iisang bahay kaya limang tao ang uuwi para kunin ang gamit ng iba at dahil dito. Ang matitira dito ay babantayan ang dalawa.'' suhesyon ni Lexus, sumangayon naman ang lahat.
YOU ARE READING
My Symphony
Teen FictionDark Series #1: Cyra Solana Toress Old Version Date started: November 2, 2020 Date ended: February 12, 2021 New Version: Date started: June 1, 2024 Date ended: -