MS: 9

3K 150 1
                                    


''Mukhang stress ka na naman malagpasan ako ha.'' pang-aasar na saad ni Haizen.

Kakatapos lang kasi mag check ng exam namin.

''Excuse me, 3 points lang ang lamang mo sa akin.'' rebat ko sa sinabi niya, sabay irap.

''Yun nga, di mo ako gayahin, PERFECT, PER-FECT.'' paglalandakan nila sa score niya.

''Alam mo na kakabwisit ka 'no?'' irita kong sabi.

''Alam ko.'' saad niya sabay ngiti.

''Ilibre mo ako ng Ice cream, ngayon na.'' saad ko sabay hila sa damit niya papuntang cafeteria.

''Hey, ako dapat ni lilibre mo. Remember PER-FECT ako sa exam natin.'' pagmamayabang niya.

''Yun nga, PER-FECT ka, edi icecelebrate natin yan. Manglibre ka.'' saad ko.

Kung nagtataka kayo kung nasaan si Cyrill, absent siya dahil masama pakiramdam niya. Kaming dalawa lang ni Haizen ang magkasama ngayon. May kasunduan kasi kami ni Haizen, pataasan ng score sa mga quizzes and exam. Ngayon ay natalo ako first time! hindi kasi ako makapagfocus dahil sa nangyari kanina. Lintik talaga itong si Lucifer. Yes. dahil sa kaniya kaya may 3 mistakes ako.

Ganito kasi nangyari, naiwan kami ni Lucien sa may garden, bumili kasi ng mga pagkain yung iba. As mapangasar, biniro ko siya kahit di kami close.

''Lucifer.'' pagtawag ko dito, lumingon naman ito with the look na ''ano na namang kailangan mo.''

''Tatanggapin mo ba puso ko, kung sinabi kong crush kita?'' pagbibiro kong saad.

Tumitig naman siya sa akin with matching kunot ang noo na tila pa nagtatanong kung ano na naman sumapi sa akin na nilalang.

''Crush?? Crush lang?'' sagot niya.

''Oo, crush lang.'' sagot ko na nagpakunot ng noo niya.
''No.'' mabilis niyang sagot.

''Why.'' tanong ko, gusto ko kasing malaman.

"I will only accept your confession if you confess that you love me and not because you have a crush on me."mabilis nitong sagot.

Namula naman ang aking mga pisngi, shet magaling siya makisabay sa mga biro ko.

'' Ito naman, biro lang.'' sagot ko sabay hampas sa braso niya.

''Well, hindi biro yung akin.'' sagot niya sabay tayo at umalis upang tulungan ang nararating na mga kaklase.

W-T-F, bakit parang normal lang sa kanya! ako ngayon nakatulala lang.

''Abusada ka talaga, ako dapat ni lilibre mo eh, PER-FECT kasi ako.'' inirapan ko lang siya at patuloy lang sa pagkain ng ice cream.

''Pinaparanas ko lang sayo maging PER-FECT Haizen, nagchat ka kasi sa akin tapos sabi mo 'Sol, wag mong iperfect yung exam natin tom, ako muna pwede.' so naawa ako sayo.'' asar ko sa kanya.

''Hey, wala akong sinabing ganyan.'' reklamo niya, tinawanan ko nalang siya.

______

''Kamusta na pakiramdam mo?'' bati ko kay Cyrill ng makarating ako sa bahay.

''M-maayos naman.'' utal niyang saad.

''Ano talagang nangyari, umamin ka Cyrill.'' seryosong sagot ko.

Napapansin ko kasi sa mga nagdaang araw ay lagi siyang tulala o parang wala sa wisyo. Alam kong merong nangyayari kaso hindi ko ito inusisa dahil gusto ko siya mismo ang magsasabi sa akin.

''Wala, masakit lang talaga ulo ko.'' sagot nito at nilihis ang tingin sa akin.

"Isa, Cyrill. What's happening to you and why are you acting like this? I've always said that if you have any problems, you should tell me, tell us. We will help you. I'm not used to seeing you like this." alalang saad ko sa kaniya.

Nagulat naman ako ng bigla itong humagulgul, agad ko itong nilapitan.

''Cyrill, anong problema.'' maririnig na sa boses ko ang pag-aalala.

''Sol... nakita ko siya nakangiti siya sa gawi ko. H-hindi ko alam ang gagawin ko, natatakot ako.'' hirap na pagsasalita niya.

Agad kong tinawagan sila kuya Nikolai at Dristan.

''Kuya.'' bungad kong salita sa kanila.

''Kumusta ang aking magandang pinsan.''

''Nandito na siya kuya, nagbalik na po siya.''

''Nasaan si Cyrill?'' alala nitong saad.

''Nasa tabi ko po, umiiyak. Ngayon nya lang po sinabi na nakita na nila ulit siya.''

''Hintayin mo kami ng kuya Dristan mo.'' saad niya at binaba ang tawag.

Ilang minuto ay dumating na sila kuya, agad nilang nilapitan si Cyrill.

''Kailan mo pa siya nakita.'' tanong ni Kuya Nikolai.

''Nung m-monday pa po.'' sagot ni Cyrill na nagpalaki ng mata ko.

''Bakit hindi mo sinabi, mag iisang linggo mo na palang nakikita. BAKIT HINDI KA NAGSABI!'' galit na sigaw ko, paano kung nangyari na naman ang nangyari noon.

''Kumalma ka, wag mong unahin ang galit mo.'' sabat ni Kuya Dristan.

''Paano ako kakalma, 1 week nya na pala nakikita tapos hindi siya nagsasabi. Paano kung maulit yung nangyari.'' galit ko saad.

''Hindi naman mareresolba ng galit mo yung problema, Solana, hindi ka ganiyan ha, kalmado ka sa ganitong sitwasyon anong nangyayari sayo.'' may galit na rin sa tono nito.

''Ibang usapan kung pamilya ko ang nadadamay. Kuya, hindi ko hahayaang may mangyaring masama kay Cy.'' saad ko at unti unting tumulo ang luha ko, dinaluhan naman ako ni kuya.

''Wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang nangyari noon.''























My SymphonyWhere stories live. Discover now