MS: 12

2.3K 123 2
                                    

Maayos naman ang naging set-up namin dito sa bahay. Ewan ko ba pero gumawa ng isang chores schedule si Haizen para daw lahat ay may tokang gawin. Para bang may cleaners sa bahay ni Ate, kapag daw di naglinis sa labas matutulog. Maeevict sa bahay ni Ate ang hindi maglinis.

''Hoy, Xavier. Yung plato mo dito bakit mo iniwan!'' rinig kong saad ni Haizen with matching nakapamewang pa iyan.

''Hoy ka rin and hindi sa akin iyan, mukha ba akong kumakain ng chocolate cake.'' saad nito na may hand movement na tumatanggi, ngunit merong bahid ng chocolate sa gilid ng labi nito.

''Si Zaven ata iyon.'' sabay turo kay Zaven na inosenteng napatingin sa dalawa.

''EX-cuse me, allergic ako dun.'' irap na saad nito pero sinisimot yung chocolate sa may kutsara.

''Baka ikaw.'' dagdag nito at pinagpatuloy ang pagsimot sa kutsara, dungot naman.

''Ako nga, pero kayo naman yung toka ngayon na maghugas.'' saad ni Haizen at humalakhak ng parang kahit magkalat siya ay iba naman ang mag-aayos.

''Aba't.'' nag-angat ng kamay si Xavier akmang hahampasin si Haizen.

''Hey, tuesday palang. Ibig sabihin kayo pa ng team nyo ang mag-huhugas.'' napatingin naman ang lahat sa kakarating lang na si Lexus.

''Hey ka rin, Monday palang uy.'' katuwiran ni Haizen.

''MON- day.'' giit ni Lexus at pinakita ang cellphone niya na may nakasulat na tuesday na talaga.

''Ang mata ay ginagamit, ang bibig ay tinitikom.'' saad ni Lexus at umalis na sa kusina.

''HA HA HA HA.'' asar na tawa naman ni Xavier kay Haizen na nakasimangot dahil tambak ang plato na nasa lababo.

''It seems like you are enjoying your view.'' napalingon naman ako sa kung kanino galing yung boses.

''Oo, ang cute nilang tingnan parang magkakapatid lang na nag-aaway.'' ngiti kong saad at tumingin ulit sa direksyon nila Haizen na ngayon ay nagbabasaan na ng tubig.

''You're cute too, you know.'' casual na saad nito.

''W-what.'' utal kong saad.

''I said you're cute too.'' pag-uulit nito na nagpapula lalo sa pisngi ko.

''I-ikaw ha, may crush ka sa akin 'no?'' tanong ko upang itago ang hiya na nararamdaman ko.

''Yeah, crush kita.'' pag-amin nito na siyang nagpalaki ng mata ko.

''Sideline mo pala maging joker, hehe.'' saad ko habang awkward na pabirong tumatawa.

''I'm not joking.'' seryoso na niyong saad.

''You're my crush na.'' dagdag nito at tinitigan ako.

''Heh, ewan ko sayo hindi ka ata nakainom ng gamot.'' pagtataray ko at iniwan siya.

Napahawak naman ako sa pisngi ko ramdam ko ang pag-iinit ito. Juice ko, ano ng nangyayari sayo Lucien!

___

"I really have a crush on you. Do I look like I'm joking?" seryosong saad nito.

Muntik na akong atakihin sa mga rebelasyon na sinasabi ng mokong na ito. Paulit ulit nya talagang sinasabi na mas crush sa sa akin, well ako lang ito. Pero beh nakakapanibago!!

''Hindi nga tayo pwede kasi magkaklase tayo, ang weird nun kapag naghiwalay tayo.'' inis ko turan sa kaniya.

"I haven't asked you to be my girlfriend yet, how would it be weird if we break up?" tanong nito pero may pumoporma na ngisi sa labi niya.

''Ay hindi pa ba.'' saad ko sabay kamot ng ulo, napapaghalataan ka Solana ha.

''If you want to be my girlfriend, why not? I'm very willing to be your boyfriend, but what about the courtship stage?'' curious na saad nito, ab't sinersyoso talaga.

''Anong courtship, courtship ka diyan.'' inis kong saad.

''You said you want to be my girlfriend.'' takang saad nito.

''Hey, I've never said that.'' tanggi ko sa sinabi nyo.

''So, do you want to be my wife instead?'' offer niya na lalong nagpahina ng tuhod ko, sobra na ata ginagawa nito sa akin.

''Enebe yes-- I mean NO!'' sagot ko sabay iwas ng tingin.

''So, you want to be my wife, huh.'' pang-aasar nito sa akin.

''Hindi no, asumero ka ha.'' imbyerna kong saad sa kaniya.

''But you said, you want to be my wif--'' di na niya natapos ang sasabihin niya dahil sa tinakpan ko na ang bibig niya.

''Inom, inom din ng gamot ha, naloloka ako sayo.'' saad ko at iniwan siyang mag-isa.

Nagtungo naman ako sa salas, nakita ko naman na halos lahat ay nakatipon doon at naglalaro.

''Sol, sali ka.'' pag-aaya ni Haizen ng makita ako.

''Sige, wala naman akong ginagawa, ano ba iyan?''  tanong ko.

''Yung Cham-cham, nakita ko na nilalaro sa tiktok ng mga korean.'' paliwanag niya, pamilyar naman ako dun.

''Sige, sino kalaban ko.'' saad ko at umupo na sa tabi nila.

''Ako!'' boluntaryong saad ni Haizen.

Umupo si Haizen sa unahan ko. Mali ka ng kakalabanin Haizen, Leader ata 'to ng NVB, kaya kong basahin ang mga move na gagawin mo.

''I'll bring you down, Sol.'' mayabang na saad niya, aba't ang unggoy na ito.

''Sige nga gawin mo, ikaw na magsimula.'' hamon ko sa kaniya.

Pinusisyon nya naman ang kamay niya sa harapan ko.

''Cham, cham, CHAM.'' saad niya, ngunit nabigo siya dahil ang kamay niya ay sa left side tumuro at ang ulo ko ay sa right.

''Kapag nanalo ay hahamasin ng panalo yung talo gamit ang empty bottle.'' instruction ni Khairo.

''My turn. Cham, cham, CHAM.'' wika ko at nagwagi naman ako at kinuha ang plastic bottle na walang laman at hinampas kay Haizen.

''Aray naman.'' saad ni Haizen at hinawakan ang ulo niya.

''Hintayin mo na matalo ka Sol.'' saad niya na ikinatawa ko.

Nagpatuloy lang ang laro, ngunit ni isang panalo ay walang natamo si Haizen.

''Ayaw ko na, madaya yang laro na iyan.'' mangiyak-iyak na saad ni Haizen.

''Papa Lucien, iaaway ako ni Mama Sol oh.'' pinanlisikan ko naman ng mata si Haizen dahil sa sinabi niya sa kakarating lang na si Lucien.

"You are not my child. I don't have an ugly child because I have good genes." kunot noong saad ni Lucien dahilan ng pagtawa ng lahat.

''Tngn, magsama kayo, parehas kayong mapanakit.'' natawa nalang ang lahat dahil sa sinabi ni Haizen.

______





































My SymphonyWhere stories live. Discover now