Sa isang playground, naroon ang batang Solana kasama ang kanyang bodyguards. Habang siya'y naglalaro, nakita niya ang batang umiiyak. Lumapit si Solana at nag tanong, "Bata, bakit ka umiiyak?"
"Kasi ayaw nilang makipaglaro sa akin," sabi ng batang Cyrill habang nakaturo sa ibang mga bata.
"Ang pangit ko daw kasi," dagdag pa niya.
"Don't cry, I'll be the one to play with you. We're not just friends, we're best friends now, okay." masayang sabi ni Solana sabay abot ng lollipop kay Cyrill.
"Talaga, best friend na kita," sagot ni Cyrill sabay kuha ng lollipop na ibinigay ni Solana.
"Tara, punta tayo sa tree of friendship," sabi ni Cyrill habang hawak ang kamay ni Solana at patakbong pumunta sa tree of friendship.
Nag-isulat sila sa puno ng petsa kung kailan sila nagkakilala at ang kanilang mga pangalan. Makalipas ang mga buwan, naging mas malapit ang dalawang bata at laging magkasama.
''Cyrill, nasaan ang mommy mo.'' tanong ng ina ni Solana.
Magkakilala pala ang pamilya ng dalawa. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga magulang.''Papunta na po sila, asan po si Solana.'' tanong ni Cyrill.
''Cyrill.'' hindi na ito nasagot ni Mrs. Toress dahil ang anak na niya mismo ang nagsabi kung nasaan siya.
Pumunta sa parke ang dalawa para makapaglaro.
Habang naglalaro silang habulan, bilang may nabangga sila ilang mga kalalakihan na puro itim ang sagot. Nagbigay naman ito ng takot sa dalawa.Tatakbo na sana sila ngunit may nagtakip sa kanila ng panyo na may chemical upang sila'y makatulog. Binuhat sila ng dalawang lalaking naka-itim at isinakay sa isang van. Hindi ito napansin ng kanilang bodyguard, kaya nang makita nilang wala na si Solana at Cyrill ay agad nilang tinawagan ang mga magulang ng dalawa.
Tatlong araw na ang lumipas ngunit wala pa ring balita sa dalawa.
_____
Iyak ng iyak ang mga batang Cyrill at Solana, takot na takot sila sa patuloy na pang-aabuso. Hindi sila pinapakain at naka-gapos. Ito ang unang pagkakataon na kanilang naranasan ang ganitong karahasan.
"P-akawalan nyo na po kami." hirap na sabi ni Solana dahil sa mga sugat pasa dulot ng bugbog na ginawa sa kanila.
"Ano p-o.. ba ang kasalanan namin sa inyo." saad ng nahihirapan na si Cyrill.
" Wala kaming kailangan sa inyo pero sa magulang nyo, oo.'' sabi ng lalaking nag babantay sa kanila.
Limang taong gulang na dalawang bata, ang nakaranasan ng ganitong uri ng karahasan.
Habang patuloy ang paghahanap ng mga magulang, nakatanggap sila ng tawag mula sa kidnapper. Inalok sila ng isang araw para makuha ang kanilang mga anak sa halagang isang bilyong piso.
Hindi nagdalawang isip ang mga magulang nila na magsagawa ng isang pagsalakay sa kanilang anak. Pagsapit ng hating gabi ay susugod sila kung saan naroroon ang anak nila. Nakuha nila ang location kung nasaan ang anak nila laging pasasalamat nila ay madating na track ng batang si Nikolai ang lokasyon ng kanilang 'pinsan'.
Nang makarating na sila sa lugar kung nasaan ang anak nila ay agad nilang hinanap kung nasaan ang mga bata. Natagpuan nila ang dalawa na walang malay at puno ng pasa ang katawan. Umusbong ang galit nila sa mga taong gumawa noon sa anak nila. Akmang lalapitan nila ang kanilang anak ngunit napansin nila na may nakatutok na baril sa ulo ng dalawa.
''Nandito na pala kayo, mga amiga.'' saad ng lalaking naka mask.
''Ibalik mo ang mga bata, ito na ang isang bilyong hinihingi mo.'' saad ng ama ni Solana at inabot ang brief case na may lamang pera.
Kinuha naman ito agad ng lalaki, ngunit hindi nito binitawan ang bata, tanging si Solana lamang ang ibinigay.
''Akin na ang bata.'' mariing saad ng 'ama' ni Cyrill.
''Nasaan pa ang isang bilyon, ang isang bilyon na ito ay para lang sa isang bata.'' saad nito halata ang mga ngisi nito sa ilalim ng mask.
Walang nagawa ang ama ni Cyrill kundi ang sugudin ang lalaking naka maskara na may hawak ng anak niya. Ngunit hindi na ito nakalapit pa dahil sunod sunod na nagpaputok ang lalaking nakamaskara, sunod sunod rin ang pagtama nito sa katawan ng ama ni Cyrill.
''Argus!'' sigaw ng asawa nito.
Tumalima naman ang lahat ng narinig ang tunog ng kapulisan, dali daling binaril ng ama ni Solana ang lalaking nakahawak kay Cyrill. Madaling hinila ng ina ang kaniyang anak, ngunit bago pa ito makalayo ay binaril ito ng lalaki.
"A-lagaan mo ang anak ko" sabi ng ina ng batang Cyrill.
Hindi nila alam na nasaksihan lahat ni Cyrill ang nangyari sa kaniyang mga 'magulang', dahil may malay ito simula ng dumating ang mga magulang niya, ngunit dahil sa paghihina na hindi na nito nagawang gumalaw at umimik.
Malaki ang naging epekto nito sa dalawa, lalong lalo na kay Cyrill dahil sa murang edad ay nakita niya ang di mapapatawad na pangyayari na sinapit ng kaniyang magulang.
Dahil dito, napagpasyahan ang mag-asawa na kupkupin si Cyrill at ipasok ang dalawa sa isang martial arts training upang matututo itong pangalagaan ang kanilang buhay.
Kahit na maraming taon ang lumipat hindi pa rin mawawala ang mgaa bangungungot na nararanasan ng dalawa.
YOU ARE READING
My Symphony
Teen FictionDark Series #1: Cyra Solana Toress Old Version Date started: November 2, 2020 Date ended: February 12, 2021 New Version: Date started: June 1, 2024 Date ended: -