CHAPTER FIVE

63 36 38
                                    

Harley's Pov...

Pinag pa tuloy ko nalang ang aking pag lalakad. Kinikimkim lahat nang selos na nadarama. Patuloy lang ang laban kahit masakit na.




Walang kame...




Palagi kong sinasabi iyon sa aking sarili simula nang makita ko na sweet sa isat isa sina Karis at Max. Actually bagay naman sila. Captain nang volleyball at cheerleader.




*Booog!




"Aray" bulong ko habang naka tungo at hawak ang aking ulo na sa aking pakuwari ay nabanga sa isang dibdib o baka likod.




"Bakit kaba kasi naka tungo habang nag lalakad?" Napa tunghay ako. Sa pag ka rinig at pag ka rinig ko pa lamang nang boses na iyon ay alam ko na kung sino ito.




Di ko na alam kung bakit ko ito niyakap. Basta ang alam ko lang ay nasasaktan ako at kailangan ko nang makaka ramay ngayon sa aking kalungkutan.




"H-huy ok ka lang?" Ramdam ko na nagulat rin ito sa biglaan kong pagyakap sa kanya. Nang niyakap narin nya ako ay saka na tumulo nang tuluyan ang aking mga luha.




"K-kenneth huhuhuhu" patuloy parin ako sa pag iyak.




"Shhhh... Tahan na" pag papatahan nya sa akin.



Nanatili kami sa ganoong posisyon. Di ko alam ngunit naka ramdam ako nang kaginhawaan sa lalaking ito.




Umalis narin ako sa pag kakayakap at ganoon rin naman sya.




"Ok ka na?" Rinig kong tanong nya saakin habang pinupunasan ko ang mga pugto kong mata




Tumango na lamang ako...




"Sure?" Halatang di ito kumbinsido "feeling ko kase hindi pa"




Ok? Ako? Ok na nga ba ko?




Siguro nabawasan lang pero di pa totally ok. Biruin mo kase yun, Yung halos dekada mo nang gusto eh may ibang gusto.




I mean di naman ako umaasa. Siguro nasanay Lang talaga ako na di sya sweet sa mga girls.




Tama sya di pa ko ok pero di naman kami masyadong close ni Kenneth kaya medyo mag sisinungaling na muna ako.




Tumango nalang uli ako.




"Haayyyyssssstttt" umangat ang tingin ko rito at nakita ko na medyo irita na ito.




Hinawakan nya ako sa aking palapulsuhan at hinatak ako paalis. Di ko alam kung saan kami pupunta pero ano bang magagawa ko eh halos madapa dapa na ko dahil sa hila nang lalaking to.




"S-san tayo pupunta?" Sawakas nang medyo bumagal na ang lakad namin ay nakapag tanong na ako.




"Pupunta tayo sa mall" huh?




"Mall? Anong gagawin natin don?




Prente lang itong naka tayo sa tabi ko. Ngayon ay nag aabang na kami nang jeep. Di rin naman kalayuan ang mall rito sa school namin.




"Ouhhmm mag sasaya lang" di nya ko nililingon kanina pa.




Mag sasaya? Masaya nga yun kase mag sasaya. Sana ay maka tulong para mabawasan ang lungkot ko.




Secret Beauty (On Going)Where stories live. Discover now