CHAPTER ONE

148 50 76
                                    

Harley's Pov

"Grabe, andami dami nyo na ah" para akong tanga sa harap nang salamin "haaayyy, ano kayang dapat kong gawin para mawala kayo?"

Nag se-sex ata tong mga pimples ko kaya parami nang parami sila...

"Ate kakain na!" Sigaw nang kapatid ko sa baba

"Bababa na!" Sigaw ko pabalik.

Matapos mag lagay nang kung ano man na pangtangal sa mga mahal kong tigyawat, agad na akong bumaba. Kumakalam narin kasi ang tiyan ko dahil sa gutom.

"Haaaayyysssss ate naman" napa takip si Sky sa ilong nya "amoy na amoy ko"

"Bakit" inamoy ko ang sarili ko "mabango pa naman ah"

"Yung pang tagtag mo sa tagyawat mo!" Tumayo ito at pumunta sa sink. Ewan ko kung anong gagawin nun.

Muli kong inamoy ang sarili "mabango naman ah"

"Buntis ata yun" sabi naman ni mama

"Ma, lalaki po si Sky" sabi ko na naman sa pangatlong beses ngayong araw

Sabi nya gusto nya daw nang anak na babae kaya iniisip nya na lang na babae si Sky. Eh ano ako!? Di ba ko babae?

"Mas mukha pa nga syang babae kesa sayo... Sya walang pimples eh ikaw" sumubo na ito

Nanay ko ba 'to?

"Kasalanan ko ba na may pimples ako?" Sumubo nalang din ako

"Grabe ayoko talaga sa amoy nang pang skin care mo" umupo na sya sa tabi ni mama medyo malayo saakin.

"Psh! Porket clear skin ka..." Bulong ko

Matapos kumain ay heto ako at nag huhugas nang plato! Buset! Ako na nga kaninang umaga tapos ako parin hangang ngayon!?

"Anong ma sa-say... Havey na havey" kumanta nalang ako habang nag huhugas nang plato "di na 'ko waley di na ko chaka bae...bae ba yun?"

"Chaka ka pa ate" halos ma-basag yung plato sa biglaang pag sulpot ni Sky sa gilid ko "eto pa" nag lapag sya nang baso

"Buset ka!" Sigaw ko

***

"Sana ol maganda" sabi ko habang nag scro-scroll sa fb account ko... Kaka-kita ko lang na nag iba na nang profile picture yung classmate ko... Ang ganda nya talaga... Kahit walang filter yung camera nya ang ganda nya parin...

Nasa hundreds narin ang mga likes nun... Bigla ko nalang naalala yung profile picture ko... Last na update ko nun is nung isang taon pa... Tapos 40 lang yung likes tapos may filter pa...

Pinag kaitan ako nang kagandahan...

"Tulog na Harley" paalala ni mama

"Opo" itinago ko na ang phone ko at natulog na

***

Kinabukasan ay maaga akong nagising... Agad na bumaba ako para mag handa nang agahan. May pasok din kasi kami ni Sky.

"Gising na!" Sinigawan ko ito sa tenga nya. Share kami nang kwarto pero may sarili kaming kama saka sapat lang para sa amin ang kwarto namin.

"Puta ang ingay!" Itinalukbong nya ang kulay blue nyang kumot

"Anong puta ka dyan!?" Hinampas ko ito bago tangkaing alisin ang kumot na naka balot dito

"Oo na!" Sumuko na ito at tumayo

Secret Beauty (On Going)Where stories live. Discover now