CHAPTER EIGHTEEN

3 1 0
                                    

•pink teddy bear•

Harley's POV...

"Ano nga uli 'yon?!" Malakas na sigaw ko kay Kenneth habang hawak hawak ko ang buhok n'ya. Hinigpitan ko ang hawak ko sa buhok n'ya nang hindi ito umimik.

Sa playground ko s'ya naabutan. Para pa nga s'yang nag de-day dream eh.

"Nasaan na kaya 'yon?" Napakamot nalang ako sa buhok ko dahil kinagat na naman panigurado iyon nang mga kuto ko.

Shems... Pangit lang ako pero hindi ako dugyot. Sa kalinisan ko nalang binabawi. Malinis akong tao hindi tulad ni Sky. Nako napaka baho nang paa no'n!

At saka kaya n'yang hindi maligo nang one week! Kaya nga pati ako damay sa kabahuan n'ya eh! Umaalingasaw sa buong k'warto yung kabahuan n'ya!

Napaka supportive kong kapatid gosh!

So ayon nga, kanina ko pa hinahanap si Kenneth dahil nga nawala sa paningin ko! Akala mo 'yon? Pwede na s'yang panlaban sa track and field sa sobrang bilis n'yang tumakbo!

Nako Kenneth! Makita mo lang talaga ang hinahanap mo!

"Hehe..." Automatic na nag change mood ako kase nakita ko yung bracelet na binigay saakin syempre sino pa? Edi si Max my loves! "Ano na kayang ginagawa ni Max ngayon?"

Para akong ewan na kinikilig mag isa sa tabing daan. Pake n'yo ba?! Eh biglang nag play sa utak ko Yung scene na nilagay saakin ni Max yung bracelet eh!

Psh. Palibhasa hindi pinapansin nang crush n'ya! Sorry pasma.

"D'yan kalang baby kuuu..." Hinimas himas ko pa iyong bracelet na bigay ni Max. "Aalagaan ka ni mommy. Wag kang mawawala okiii?"

Tutal bigay naman ni Max itong bracelet at malabo talagang icrush back n'ya ako ehdi gawin ko nalang na anak anakan itong bracelet na bigay n'ya.

Eh teka... Bakit n'ya ako binigyan nang bracelet?

Hala! Hindi kaya.. hindi kaya...

Hindi kaya gusto na n'ya ako!!??

"Iiiihhhhhh!" Para akong nangingisay sa kilig. "Ene kebe selp weg keng genyen he..."

Napa ayos ako nang sarili dahil pinag titinginan na ako nang mga taong tumadaan.

"Anak lumayo ka d'yan... Baliw yan." Kunot noo kong tiningnan iyong babae na nag salita.

Agad naman itong nag lakad palayo kasama ang anak n'ya.

Aba! Ginawa pa akong baliw noong ale!? Mukha ba akong baliw!? Matigyawat oo! Pero baliw!?

"Psh... Maka alis na nga... Bahala na si Kenneth sa buhay n'ya—" mag lalakad na sana ako paalis nang makita ko ang isang playground at parang namukhaan ko si Kenneth. "Eh? Si Kenneth na iyong naka tayo roon?"

Dahan dahan ako nag lakad. Syempre baka makalayo na naman yung loko na'yon! Sasapakin ko muna s'ya bago s'ya maka alis!

Tumago pa ako sa puno, sa poste, sa pader, at kung saan saan pa.

"Umuulan?" Hinawakan ko ang ulo ko nang may maramdaman akong parang tumulo roon. "A-ano to?" Nandidiri kong tanong.

Kase naman! Kelan pa naging malapot at nakaka diri ang tubig ulan!?

Pag tingala ko ay mariin akong napa pikit nang may makita akong bata na parang sinaboy na sa buong muka n'ya yung laway n'ya. Satingin ko mga one year old lang 'to. Naka dungaw s'ya roon sa parang bintana nitong parang bahay na slide.

"B-bibeee..." Impit kong pag tawag sa kanya dahil tinuluan na n'ya na naman ako nang laway sa mukha naman! Pinunasan ko ang mukha ko at umalis. "Bwisit naman!"

Secret Beauty (On Going)Where stories live. Discover now