CHAPTER TWELVE

33 15 2
                                    

•Yes, I know. I saw everything/ si Max yun eh, anong laban ko ron?•


Max Pov...

Bumalik ako sa baba para sana tingnan ang kalagayan ni Harley. Ang hirap kaya mag suot nang ganon.

Harley? She's one of my best friends. Importante rin sya saakin. Naging best friend ko sya nung nasa elementary pa kami. Actually naka limutan ko na sya nang lumipat kami, but hahaha nakita ko sya ngayong bumalik kami uli rito.

Happy memories started to flashback on my mind. Napapa ngiti nalang ako. That's the reason kung bakit nagalit ako kapag may nambubully sa kanya. Kaya nung binully sila nina Cyfer eh di ko napigilan ang sarili ko at sinuntok si Theo kahit na tropa ko pa ang mga ito.

Walang Harley ang tumambad saakin bagkus ay sina Cyfer, Theo, at Kiefer na masayang sumisimsim sa mga milkshake nila.

These three idiots, di pa sila nakaka bili samin pero sa kabila naka bili na? What a traitor

"Guys, si Harley?" Tanong ko nang maka lapit sa kanila

Agad nilang pinag tatago ang mga milkshake sa likod nila. Ge lang itago nyo di ko pa naman nakikita

"Si master?" Tanong ni Cyfer "nasa cr ata nag papalit".

"Ahh ok, salamat" tumalikod na ako sa kanila "anyways enjoy your milkshake, don't worry sasabihin ko kay president ang pag tataksil nyo" saka na ko lumakad paalis

"Woi teka walang ganyanan Max!" Parang nakikipag rally pa si Theo

"Max, bibili naman ako mamaya satin eh! Wag kana mag sumbong!" Si Cyfer

"Max, sina Theo at Cyfer ang nag ayang bumili don!" Sigaw naman ni Kiefer

"Anong kami!?" At ayon nanga nag bugbugan na ang tatlong t*nga

Naiiling nalang ako na nag lakad papuntang cr dahil nandon daw si Harley. Mag hihintay nalang ako sa labas. Mabigat kase yung costume kaya ako na ang mag bibitbit.

Nakarating na ako sa cr at nag antay kay Harley. Inabot rin ako nang mga siguro 5 minutes kaya napag pasyahan ko nang sumilip sa loob. Wala namang sigurong tao at kung nag papalit pa si Harley eh baka nasa cubicle lang ito.

Pag silip ko sa loob ay bumungad agad saakin ang pink na costume na satingin ko ay Kay Harley. Pumasok na ako dahil wala naman atang tao. Kinuha ko ang costume.

Kumunot ang noo ko nang makita ang mga nag kalat na damit sa sahig. Naagaw rin nang atensyon ko ang mahinang tunog na narinig ko sa dulong cubicle.

Lumapit ako roon. Dahan dahan kong binuksan ang pinto nang cubicle. Hindi naman naka lock yon kaya madali kong nabuksan.

Nabitawan ko ang hawak kong costume nang makita ko ang babaeng pinaka mamahal ko na nakikipag sex sa ibang lalake.

Otomatikong hinila ko ang lalake na sarap na sarap sa pag halik sa babaeng mahal ko at sinuntok. Tumama ito sa sahig dahil sa sobrang lakas

"Jess!" Napa lingon ako sa babaeng sumigaw. Nanginig ang tuhod ko nang makitang wala nang saplot sa katwan si Karis. Masama kong nilingon ang lalaki. Topless lang ito.

Pinag susuntok ko ito hangat gusto ko. Gusto kong sirain ang mukha nito nang kagaya sa pag sira nya sa pag ka babae ni Karis.

"Babe tama na" natigil ako sa pag suntok nang tinaboy ako ni Karis. Di yon sapat para mapa alis ako pero dahil nga si Karis iyon ay walang hirap nya akong napa alis sa ibabaw ni Jess.

Secret Beauty (On Going)Where stories live. Discover now