CHAPTER THREE

79 40 52
                                    

Harley's Pov.

"Ate Harley! Dalian mo dyaaaaannnn!"

"Sandali laaannng!" Pota Sky sandali lang!

May pupuntahan kami ni Sky sama kayo?

"Ka bagal ga namang kumilos ah!" Batangas accent pa nga aring si Sky

"Pasensya na ho," inirapan ko lang ito

"Tara na nakooo ambagal bagal talagang kumilos ni Harley" pang aasar pa ni mama

Kapamilya ko ba sila?

"Sorry na," bakit ba andali sa kanilang apihin ako?

"Tara naa!" Parang tanga si Sky, sisimba lang kami excited na excited amp!

"Hoy, Sky. Mag tapat ka nga" alanganing humarap saakin ang kumag

"Ano?"

"May gusto ka ba dun sa mag pi-pianno dun sa simbahan?" Nakaka feel ako na yun yung dahilan ni Sky

Pansin ko ang pag daan nang gulat at pag litaw nang pulang kulay sa kanyang mukha... Ayyiieee totoo nga!

"W-wala! S-saan mo ba nakuha yang bagay na yan? Binulong ba nang mahal mong tigyawat?" Pota! Inaano kaba nang pimples ko!?

"Yiiieee ikaw Sky ha,” humarap ako kay mama “ma Yung baby nyo lover na ayyiiiee"

"Ok lang sakin... Kase alam kong papatol sa kanya yung babae. Sayo ako kabado anak, baka masaktan"

"Ako?" Curious ako

"Hindi yung magiging boypren mo. Baka masaktan dahil natusok nang tigyawat mo" nanay ko ba to?

"Hahaha ma, yun ay kung may papatol kay ate" sabay hagalpak sa tawa ang abno..

I don't belong here,

Medyo nasaktan ako kahit biro lang naman yon. Syempre di mo naman maalis saakin na mag isip.

What if walang pumatol sakin? What if wala talaga o walang naka takda sakin? Ugh! Kainis!

"Mag si tayo ang lahat" nag simula na ang misa.

Tahimik lang kaming nakikinig sa pari at minsan ay nahuhuli ko pa ang pasimpleng pag sulyap ni Sky dun sa nag pi-pianno... Ang galing naman talaga kase tapos ang ganda pa, bagay sila ni Sky.

Ako lang naman ang walang binabagayan. Di nag e-exist sa storya ko ang magandang love story. Tamang tingin nalang ako sa crush ko na taon na ang bilang nang pag kakaroon ko nang gusto sa kanya.

Pero ok Lang! Ako pa ba? Si Harley ata to! Strong ako!

Umusog ako nang kaunti dahil may mga uupo sa tabi ko. Di ko na sila pinansin dahil busy ako sa pakikinig sa pari.

"Hi" buti nalang napigilan ko ang sigaw ko nang biglang sumulpot yung Kenneth sa harapan ko

Buset! Ayyy bad nasa church nga pala ako.

Di ko nalang ito pinansin. Ayoko masira ang Sunday ko.

"Nag sisimba ka pala?" Di na ito naka tingin saakin.

Di ako umimik

"Sungit di nakikipag usap" doon ako napaharap sa kanya

"Alam mo Kenneth nakikinig ako sa sinasabi nang pari kaya please wag kang maingay" masungit na sambit ko sabay balik nang tingin sa unahan

"Ayyy alam nya name ko" malamang sinabi mo

"Tahimik" inis na sabi ko

***

Secret Beauty (On Going)Where stories live. Discover now