CHAPTER TEN

35 21 23
                                    

•Foundation Day/ araw kung kelan naganap ang pag tataksil

Harley's Pov...

"Oh Harleeeeeeyyyy!"

Dali dali akong nag tago sa loob nang lagayan nang mga panglinis nang room namin, medyo nahirapan pa ako dahil masikip rito.

Huhuhu bakit ba kase kailangang ako pa ang mag suot non?

Nag taka ka pa Harley, mag isip ka nga kung ikaw ang nilagay nila sa counter eh baka imbis na pumunta sila eh baka lalo lang nilang ayawang pumunta sainyo psh.

Ok mas mabuti na sigurong naka mascot ako. At saka mag aabot lang naman nang mga flyers diba?

"Huli ka!" Nagulat ako nang tumambad saakin ang business manager namin "labas na dyan"

Oo nakausap ko na ang sarili ko pero... Huhu pero kasi mainit tapos mabigat yung costume!

"A-ano kase pwede bang iba nalang gawin ko?" Try lang natin baka mag bago pa ang isip.

"Luh, all set nanga Harleeeeeeyyyy wag mo nang guluhin" may point sya

Sa huli ay napa payag rin nya akong mag costume. Not bad. Bunny na kulay pink na mascot? Pwede na.

"Ok so all you need to do is to stand outside and tada" bibigay nya saakin ang mga flyers "give this sa mga students na makikita mo"

Naka suot na ko nang costume ulo nalang wala. "Ok" medyo malungkot na sabi ko. Medyo lang naman.

"Ok so kelangan lang natin naaaannng" tumingkayad si business manager para siguro mag hanap nang classmate namin na sasama saakin pababa para mag bitbit nang ulo nang costume. Aba mabigat kaya yon. Saka isa pa nasa third floor kami baka matumba ako pag ako pa nag dala non "hey Max!"

Para na naman akong naistatwa. Huhuhu gusto kong tumago, Lord bakit po? Bakit? Pwede namang di ako makita ni Max na naka ganito ah!

"Bakit?" Sambit nya nang makalapit saamin. Tinakpan ko nang bahagya ang aking mukha umaasang mamahalin nya ko  char! Umaasang di nya makikita ang pag mumukha ko

"Eto!" Kahit si business manager eh nahirapan rin sa pag papasa nang ulo kay Max "take Harley don!" Turo nya sa baba "then suot mo sa kanya yan"

Hehe, may benefits rin pala.

"Harley?" Mariin akong napa pikit bago humarap kay Max

"Uy Max hahaha hi! Andyan ka pala?" Patay malisya kong saad

"Si Harley?" Tanong nya kay business manager "sya?"

"Oh yeah right, pumayag sya" sus baka pinilit kamo!

"Kaya mo ba?" He looked at me with his concerned eyes. Wow nag english! Hahaha

But anyways! My god! Concern ba sakin si Max?

No Harley! May girlfriend na sya so di sya magiging concern sayo. At saka sino kaba?

"Suot ko na may choice pa ba ko?" Wala na! Suot ko na eh.

"O-ok" nag aalinlangan nyang sanbit.

Secret Beauty (On Going)Where stories live. Discover now